16

10 1 0
                                    


Nagising ako nang biglang huminto ang sasakyan. Napatingin ako kay Jake na nagtatanggal ng kaniyang seatbelt. Tumingin ako sa labas at nilibot ko ang paningin ko kung saan kami huminto.

"Nandito na tayo?" I asked him.

"I'm sorry, did I wake you up?" 

"Hindi naman. Okay lang. Medyo mahaba na din ang naitulog ko." 

"We're not here yet. Bibili lang ako ng pagkain para sa 'tin. Baka nagugutom ka na." 

Napatingin ako sa relos ko. It's already 7 am. Tumango ako sa kaniya dahil medyo nagugutom na din naman ako. 

"Sama ako," I said and he nodded. I fixed myself before going out of the car. He held my hand while we were walking but he asked permission first. He's the sweetest. Sa Mad Cafe namin naisipan na bumili ng pagkain. 

"What's yours?" he asked.

"Caramel Macchiato nalang." May baon naman ako na sandwich na gawa ni Mommy.

"Wala na?" Umiling ako sa kaniya at ngumiti. Tumango siya sa 'kin at nag-order. Pagbalik namin sa sasakyan ay inilabas ko ang ginawa ni Mommy na sandwich para sa amin ni Jake. Inabot ko sa kaniya kaya lang ay nagda-drive siya kaya hindi niya makain nang maayos. 

"Akin na. Subuan nalang kita ng sandwich" 

Habang sinusubuan ko siya ng sandwich ay kumakain din ako ng pagkain ko. Parang kanina lang ay uminom ako ng iced coffee bago umalis sa bahay tapos umiinom nanaman ako ngayon. Konti nalang ay magpapa-swero na ako ng kape sa sobrang kaadikan ko. 

"Malapit na ba tayo?" 

"Yeah, 15 minutes nalang." 

Buti naman. Sumasakit na ang likod ko kaka-upo. Ang haba ng byahe namin. Sanay naman ako pero matagal na simula noong byumahe kami nang mahaba. Kaya medyo naninibago ulit ako sa mahabaang byahe. 

"We're here." Napangiti ako nang makita ko kung gaano ka ganda ang dagat. 

"Wow, look at the beach! It's so pretty."

"Hmm, we saw this on google. It's more beautiful in when you see it in personal."

Dala-dala niya ang bag ko at bag niya papunta sa bahay na tutuluyan namin. Sobrang ganda talaga. Private resort ata 'to kaya hindi wala masyadong tao. Iilan lamang ang nakikita ko na nagsi-swimming. Ang ibang mga turista ay mukhang mga taga ibang bansa pa. 

"Thea!" Lumingon ako nang tawagin ako. It was Isabella. She's wearing a maong shorts and croptop plain twist cover up. She's so pretty. Bagay na bagay sa kaniya kahit anong suot niya.  

"Happy birthday, Bella!" 

"Thank you!" She kissed my cheek. 

Nakita ko na lumabas sila Ryle sa bahay kasama ng iba pa nilang kaibigan. May tatlong babae doon at mukhang mga girlfriend nila. Naramdaman kong nasa tabi ko na si Jake. Kausap niya ngayon ang mga kaibigan niya. Hinatak naman ako ni Isabella papasok sa loob. 

Woah, it's so pretty. 

"Pinaka natuwa ako dito sa kusina." Biglang sabi ni Isabella. "Ang ganda diba? Mas ginaganahan akong magluto." Napatawa ako dahil parehas na parehas kami ni Isabella. Unang tinitignan namin ay ang kusina kahit saan kami pumuntang bahay. 

"Let's cook later." 

Umakyat kami sa taas para sa mga tignan ang mga kwarto.

"Magkakasama ba ang girls?" 

"Ewan ko sa kanila. Marami namang kwarto dito, eh. Pero kailangan magkatabi tayo." Tumango nalang ako sa kaniya. Parehas din kasi kaming namamahay ni Isabella. Hindi kami makatulog kaagad kapag nasa ibang bahay. 

Bumaba ulit kami para kuhanin ang gamit ko. Nasa sala silang lahat at nagkekwentuhan. Hindi ko pala natanong kay Isabella kung kaninong sasakyan siya sumabay kanina. Hindi ko na din kasi siya naka-usap nung umalis kami sa bahay. 

"You didn't wait for me." Para siyang nagtatampo kaya napatawa ako nang mahina. 

"Si Isabella kasi bigla akong hinatak. Tsaka may kausap ka din, eh." 

He pouted then nodded. He looks cute, gosh! Sinamahan niya ako sa taas para ibaba ang gamit namin dahil siya ang may bitbit. 

"Saan ka?" tanong niya.

"Tabi daw kami sabi ni Isabella, eh. Parehas kaming namamahay." Tumango siya sa 'kin at inilapag ang gamit ko sa kwarto kung saan nandoon din ang gamit ni Isabella. 

"Are you going to swim already?" Jake asked. 

"Baka mamaya na. Gusto ko muna mag-ikot dito."

"Okay, let's go. I'll go with you." Tumango nalang ako dahil wala din naman akong kasama. Si Isabella, hindi ko alam kung saan nanaman napadpad.

Nagpaalam kami sandali sa kanila dahil baka hanapin nila kami mamaya. We asked them if they want to go with us, kaso mukhang kakatapos lang din nila mag-ikot.

"I will take you a picture," he said.

May dala pala siyang camera. Hindi ko napansin kanina. I was distracted by the beautiful view. 

Sakto, gusto ko din kumuha ng picture dahil sobrang ganda talaga ng view dito. Sobrang clear din ng tubig at and the sand are color white. Sobrang pino pa ng buhangin. 

"Game, smile." Ngumiti ako nang simulan na ni Jake ang pagkuha sa 'kin ng larawan. Hindi ko mabilang kung nakailang picture kami doon. Patawa-tawa lang kami sa mga pinaggagawa naming dalawa. 

Alas-nuwebe ay bumalik na kami sa bahay na tinutuluyan namin. Mamaya ko na titignan yung mga picture dahil baka nagluluto na si Isabella. Tutulungan ko siya. 

"Tutulungan ko muna si Isabella," I said when we were already inside the house.

"Hmm, okay. Be careful, please." Paalala niya at tumango naman ako. 

Nagluto muna kami ng breakfast dahil maaga pa naman para sa lunch. Baka mamayang hapon na kami magluto ng handa ni Bella. Ang dami niyang gustong lutuin! Akala mo lima kaming magluluto dito. 

Naghanda kami ng fried rice, egg, hotdog, tocino, tapa, and longganisa. Kanina pa ako natatakam sa amoy ng sinangag na niluto ni Isabella. Sobrang sarap niya kasi magluto ng sinangag lalo na kapag mga prito ang ulam. 

"Let's eat!"

Kanina ay pinakilala ng kaibigan ni Jake ang mga kasama nila. Habang nagluluto din ay tinanong ko kay Isabella kung kanino siya sumabay. Sabi niya ay sinundo daw siya ni Ryle sa bahay nila. Kaniya-kaniyang mga sasakyan din pala ang ginamit ng mga kaibigan ni Jake. 

Hindi na ako magtataka kung puro bangayan sila sa sasakan ni Ryle. Hindi talaga pwedeng pagsamahin ang dalawa na 'to. Baka mamaya ay magulat nalang ako na nagiging pisikal na ang pag-aaway nila. Para talagang mga bata.

"Sarap!" Biglang sabi ni Ryle nang matikman niya ang sinangag. 

"Syempre, ako nagluto niyan." Nagmamayabang na sabi ni Isabella. 

"Shit, sumakit ata yung tyan ko, dahil yata sa sinangag!" Humawak pa si Ryle sa tyan niya para magampanan niya nang maayos ang pag-iinarte niya. 

"Kapal mo! Lasunin kaya kita ha?!" Naghahamon na sabat ni Isabella. 

Hay, Mommy tulungan mo 'ko sa dalawang 'to. Para akong nanay kapag kasama ko sila. Ako lagi ang sumasaway. 

"Tsk, kumain na nga kayong dalawa." Parehas sila natahimik at bumalik sa kaniya-kaniyang upuan. Tumatawa naman ang mga kaibigan nila Jake dahil para silang nasermonan ng magulang nila. 

"They're like kids." Pati si Jake ay natatawang napailing sa dalawa na masama ang tinginan sa isa't-isa. Kung ako ang magiging nanay netong dalawa na 'to, baka sumabog talaga ang ulo ko kakasaway.

Captivating FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon