07

26 1 0
                                    


Kanina pa ako niyaya ni Isabella na pumunta kila Ryle. Inaya daw kasi siya ni Ryle na manood ng practice at may konting kainan daw sa kanila. Eh, tinatamad akong lumabas ng bahay ngayon. Wala ako sa mood na gumala. 

"Ayoko nga. Tinatamad ako." 

"Sus, dali na! Nandoon si Jake." 

"Weh? Sige na nga." 

"Bwisit ka! Si Jake lang pala katapat mo." Tumatawa ako habang papasok sa c.r.

I'm just wearing mom jeans, a white shirt, and a beige cardigan. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Hindi na din ako masyadong naglagay ng kunga ano-ano sa mukha, tanging light nude lipstick to match my cardigan and nails. 

"Wow, saan lakad mo ha? Ganda mo ha!" 

"Ako lang 'to, Isabella." Inirapan niya ako ng pabiro. Gamit namin ang sasakyan ko ngayon dahil coding yung sa kaniya. Medyo malayo ang bahayb ni Ryle at traffic pa kaya nag-drive thru muna kami sa starbucks para bumili ng maiinom. 

"Mukha tayong mayaman na Tita tapos galing ibang bansa." Natawa ako dahil sa sinabi ni Isabella. Pero sa totoo lang ay ganon din ang naisip ko kanina. Parang kakauwi lang namin galing ibang bansa at pupunta ng family reunion.

Pinag-usapan din namin ni Isabella kung saan niya gustong mag-beach sa birthday niya. Gusto niya sana na friends niya lang yung kasama or mga pinsan niya. Tapos dinner nalang daw sila ng family niya bago umalis. 

"Finally! Ang sakit na ng pwet ko dahil sa traffic." Reklamo ni Isabella.

Nakarating na kami sa bahay nila Ryle. Parang kila Jake, sa labas ay maliit tignan pero pagdating mo sa loob ay sobrang laki. May dalawang swimming pool, may court, may mini bar, may garden. 

Sinalubong kami ng maid nila Ryle. Sinabing nasa loob daw sila at naghahanda ng kakainin. Sigurado akong wala pa silang nasisimulan dahil sinabi sa 'kin ni Jake na wala namang alam sa pagluluto ang mga kaibigan niya. 

And I'm correct. Nagkakagulo sila sa kusina at ang kalat pa. Natawa ako sa reaksyon ni Isabella nang makita niya kung gaano sila kakalat. Tumikhim ako para mapansin nilang nandito na kami. As usual, isa-isa silang tumahimik. 

"Wow, ganda dito Ryle ha. Bukod sa gwapo, matalino, matangkad kayo, makalat din kayo no?" Sarkastikong sabi ni Isabella. Siniko ko siya at ngumuso naman siya. 

"Why me? Sila nagkalat dyan, eh." 

"Nakita kita no! Nakiki-agaw ka pa ng sandok."

Nagsimula na naman sila magbangayan na parang mga bata. Biglang may pumasok na babae sa kusina. She's wearing a dress and it's look good on her. 

"Ready na yung ihawan." 

"Ah, this is Brielle. My cousin." Ang ganda naman ng lahi nila Ryle. 

Pinakilala kami ni Ryle sa pinsan niya and she's nice. Nagprisinta na kami ni Isabella na kami ang magluluto para matapos na. Tinignan muna namin kung ano ang pwedeng iluto sa natirang ingredients. 

Hindi ko pa nakikita si Jake dahil nasa labas daw at nag-iihaw. Naisipan ko na magluto ng carbonara at buttered shrimp dahil parehas namang madali. Unang pagkain na naituro sa 'kin ni Mommy ang buttered shrimp. 

"Ano lulutuin mo, Isabella?" Tanong ko.

"Syempre yung favorite natin. Tuna jacket potato and chicken fajitas." It's our favorite. Parehas naming natutunan kay Mommy. 

Malakas ang tugtog sa labas kaya hindi naman kami na bored. Kahit palagi kaming magkasama ni Isabella ay marami pa din kaming napapag-usapan katulad ngayon. Ang gaan sa loob kapag may isang tao kang matatakbuhan para kausapin kapag may problema ka. 

Tinali ko ang buhok ko dahil naiinitan na ako. Hinayaan ko lang ang mga bumabagsak na buhok at nagmukha itong messy bun. 

"Sarap talaga ng carbonara mo, Thea." 

"Syempre, favorite ni Mommy yan, eh. Yan yung unang luto na talagang inaral ko." 

Habang nag-uusap kami ni Isabella ay biglang pumasok sa loob si Jake. He's wearing their baskteball uniform. Napatingin siya sa gawi namin at nginitian kami. 

"Hi." 

"Hi. Nag practice na kayo?" 

"Yeah. Para kakain nalang pagtapos." Pinunasan niya ang pawis niya. Even his small gestures, he look so handsome. 

Pinuntahan ko saglit ang niluluto ko dahil baka masunog. Pinatay ko na ang apoy dahil luto na. Naunang matapos si Isabella dahil pinauna ko siya magluto. Nasa labas siya ngayon at dinala ang niluto niya. 

"It's smell so good." Napalingon ako kay Jake na naka sandal sa counter at pinapanood akong magluto. "This is my Mom's favorite that's why I'm good at cooking carbonara." Nakita ko pa na ngumiti siya. 

Tinulungan niya akong isalin sa lalagyan ang mga naluto ko. Medyo madulas yung hawakan ng kasirola kaya may kaunting natapos sa kamay ko. Medyo masakit dahil bagong luto lang. 

"Shit," Jake cursed. Hinatak niya ako papunta sa sink at hinugasan kung saan ako natapunan sa kamay. Medyo namumula 'yon dahil mainit ang natapon. Umalis siya saglit at may kinuha. Nilagyan niya ng ointment ang parte kung saan ako napaso.

"Masakit pa ba?"

"Okay na. Thank you." Tumango siya sa 'kin. Siya na ang nagdala ng mga pagkain sa labas. Pinauna niya na ako baka daw matapunan nanaman ako. 

"Whoa, ang bango!" 

Nagsimula na kaming kumain. Niyaya namin yung pinsan ni Ryle, kaso may kailangan gawin. Magkakalapit lang din ang edad namin sa pinsan ni Ryle. 

"Here." Nilapag ni Jake ang binalatan niyang hipon sa pinggan ko. 

"Hala, I'm okay. Kaya ko magbalat." 

"Hmm, eat mo na. Ako na magbabalat para sayo."

Hindi na ako umangal dahil mukhang desidido siya na pagbalatan ako ng hipon. I appreciate what he's doing. Kinuhanan niya pa ko ng inumin. Water and juice.

"Napansin ko na hindi ka masyadong umiinom ng juice kaya kumuha ako ng tubig." 

"Thank you, Jake." 

Yes, hindi ako mahilig uminom ng juice and soft drinks. Minsan isang beses lang ako umiinom ng juice sa isang buwan. Mas gusto ko ang coffee and milk. 

Habang kumakain ay nag-uusap sila tungkol sa mga plans nila after grumaduate. Ako sigurado naman na ako. Hindi naman ako pinilit nila Mommy tungkol sa course ko. Ako mismo ang pumili non at masaya ako. 

"Ikaw, what's your plan?" Tanong ko kay Jake. 

"May kumukuha na sa 'king company. Kakilala ni Dad. For sure doon ako after grumaduate. You?" 

"Chef pa din naman ang gusto ko. Balak ko din magpatayo ng sarili kong resto. That's my dream simula noong turuan ako ni Mommy na magluto." 

"I will support you, then." 

Captivating FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon