08

27 1 0
                                    

Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na akong magligpit ng pinagkainan namin. Hindi ko alam kung may practice pa sila o tatambay nalang kami dito. Tumulong din si Jake na ilagay ang mga hugasin sa lababo. 

Ako na ang nagpresinta na maghugas. Hindi siya pumayag at sinabing siya nalang daw dahil baka masakit pa daw ang kamay ko na napaso kanina. Nakakahiya naman. Sabi ko ay kami nalang ni Isabella, pero ayaw niya. 

"Ako na. Baka may practice pa kayo." 

"It's okay. Tapos na kami. Gusto mo ako nalang maghuhugas tapos ikaw magbabanlaw?" 

"Uh, okay." 

Habang naghuhugas kami ay marami kaming napag-usapan. Hindi na akward kapag kaming dalawa lang. Dati kasi ay hindi ako sanay na kausap si Jake. Pero ngayon nagshe-share na kami ng thoughts sa isa't-isa. Ang dami din pala naming similarities ni Jake. 

"Woah, you like that music?"

Tumango siya. "That's my favorite." 

Nalaman ko din na mahilig siya manood ng movie, pero kapag series ay tinatamad na siya. Sinabi din niya kung ano yung mga favorite movie niya. He recommends some movies he likes. Mahilig siya sa thriller and mystery. Ayaw niya lang daw ng horror movies.

"You should try watching Twilight. It's my favorite." 

"I kinda hate series or pag may part 2. Ang haba kasi masyado. Pero I'll try." 

Pagtapos naming maghugas ay nakatambay lang naman sila sa labas at may kaniya-kaniyang mundo. Niyaya ako ni Jake na mag-ikot sa park malapit dito sa bahay nila Ryle. Sayang naman ang pinunta namin dito diba. 

Inaya ko si Isabella na sumama, ngunit tumanggi siya. Kaming dalawa nalang daw ni Jake. Kausap niya din si Ryle. Konti nalang talaga ay iisipin ko na nililigawan na ni Ryle si Isabella. Pero kung mag bangayan silang dalawa ay para silang mga bata.

Hindi ko napansin na may dala pala siyang gitara. Nang maupo kami sa swing ay tsaka ko lamang napansin. Narinig ko na siyang kumanta noon sa school, pero mabilis lang dahil dumating din kaagad ang prof nila. Napadaan lang ako sa tapat ng room nila tapos tumutugtog siya ng gitara habang kumakanta.

"We have so many similarities, pala 'no?" 

"Yes, napansin ko din kanina. It's was really nice knowing you, Heather." 

Napangiti ako nang magsimula siyang mag-strum ng gitara. 


Baby, I'm fallin', losin' my focus

How come you're actin' like you haven't noticed?

I'm going crazy, stuck with your maybe

Left me in nowhere, my beautiful nightmare


Napatulala ako sa kaniya nang magsimula siyang kumanta. His voice is so beautiful. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakanta siya. He's singing On my mind by Maximilian.


Oh, my love

When I look into your eyes

Girl, it gets me every time

And I thought that you should know
(Oh-oh-oh)

That I got you on my mind, on my mind, on my mind

I want you all the time, all the time, every night

Tell me you feel it too

You don't have to play it cool

'Cause I got you on my mind, on my mind, on my mind


Hindi naalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa natapos siyang kumanta. Ang perfect naman masyado netong lalaki na 'to. Matalino, mayaman, matangkad, gwapo, magaling kumanta, marunong magluto. Oh, ano pang kulang? Syempre, ako nalang diba?

"Hey, are you okay? Pangit ba yung voice ko?" Tumawa pa siya nang mahina.

"No! I mean, sobrang ganda ng boses mo, Jake. It's one of my favorite song." 

"Yes, I know."

Biniro ko pa siya na turuan niya akong mag-gitara, pero sineryoso niya talaga. Sabi niya kapag may free time daw sa acads, he will teach me. He even shared his spotify playlist. Halos lahat ng kanta na nasa playlist niya ay mga type ko. 

"Your outfit is pretty. Do you want me to take you a picture?" 

"Wag na, nakakahiya! Mamaya nalang kay Isabella." 

"Come on, Heather. You're so gorgeous today. I mean, every day." Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Pumayag na akong magpa-picture dahil alam kong hindi din naman ako pi-picture-an ni Isabella mamaya. Para rin may ma-post ako sa Instagram account ko.

Natatawa ako kay Jake dahil para siyang professional photographer. Pinakita niya sa 'kin ang mga kuha niyang litrato and it was good! Sinabi ko sa kaniya na pwede na nga siyang photographer. Sagot niya sa 'kin ay "why not?"

Cellphone niya ang gamit na pinang-picture ko kaya sabi ko i-send niya nalang sa 'kin. Hindi ko alam kung nakailang kuha kami ng litrato. I took a picture of him too. We even have a picture together. Parehas kaming naka peace sign and the other pictures ay puro wacky. 

Habang nag-uusap kami ay may dumaang nagtitinda ng cotton candy. 

"You want?" Tumango ako. Agad naman siyang tumayo at bumili. Pagbalik niya ay may hawak siyang dalawang cotton candy at naka hugis heart pa. Yung isa ay color blue at yung isa naman ay color pink. 

"Thank you!" 

"Always welcome." 

Habang kumakain kami ng cotton candy ay bigla kong naalala yung sinabi sa 'kin ni Isabella na may girlfriend na siya. Gusto ko sana itanong, kaso nahihiya ako. Baka mamaya kung ano-ano ang isipin niya. 

"You have something to ask, hmm?"

"Ah, do you have... never mind." Hindi ko na tinuloy ang tanong ko.

"What? Girlfriend? I don't have a girlfriend, Heather if that's what you're going to ask. Yung nababalitaan mo sa school, wala 'yon. They are just teasing us, pero umiiwas ako because I like someone else."

Nagulat ako sa bigla niyang sinabi. Hindi niya naman kailangan sabihin lahat sa 'kin. He's very comfortable with me talaga. Assuming 'yan?

"Who?" Wow, sana naman may konti pang hiya na natitira sa katawan mo, Heather!

"You." 

Napatulala ako sa biglaan niyang pagco-confess sa 'kin. He likes me? How? I mean, kailan pa? Ang daming tanong na umiikot sa utak ko. 

"You... wait, you like me?" 

Tumango siya. "Yes. Hindi mo na siguro maalala, pero we were neighbors before. Mabilis lang kami tumira doon malapit sainyo, pero I liked you since then. After a month, lumipat din kami ng bahay. Tapos nalaman ko na parehas pala tayo ng school." 

"What? Oh, my god." 

Pinaypayan ko ang mukha ko dahil pinagpapawisan ako. Sobrang pula na siguro ngayon ng mukha ko dahil sa mga sinabi niya. Grabe, ilang taon niya na akong gusto? My gosh!

"Eh, bakit hindi ka lumapit sa 'kin una palang?" 

"You're not comfortable talking to other people, right? That's the first thing I noticed on you. Then when we were in grade 9, you're just talking to Isabella. Inisip ko na baka kapag lumapit ako sayo, mailang ka. Kaya hinintay ko until we get in college na baka maging comfortable ka na sa ibang tao. Kaya nga nung one time na may kausap ka na lalaki, lalapitan dapat kita because I know that you're not comfortable talking to other people. But I'm happy now that you're already communicating with others." He smiled after saying that. 

Wala na, hulog na hulog na talaga ako. 

Captivating FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon