13

15 1 0
                                    


Today is our foundation day. Maraming stalls at iba't-ibang booth ngayon. Maingay at madami ding mga estudyante ang nagkalat sa labas. There are also some visitors from other schools. 

"Bella, anong oras daw start?" I asked Isabelle. 

"Mga 10 pa naman daw." 

Medyo mahaba ang tulog ko kagabi dahil hindi naman kailangan pumasok ng maaga. Pwede ding hindi um-attend, basta kailangan ng attendance. Manonood kami ni Isabella mamaya ng laban nila Jake. 

Hindi ko pa nakikita si Jake dahil kasama niya pa ang teammates niya. But he texted me earlier. Kaya naglilibot lang kami ngayon ni Isabella dahil wala naman kaming gagawin. Pahinto hinto kami ng lakad dahil ang daming kinakausap netong babae na 'to.

"Strawberry," napalingon ako dahil si Jake lang naman ang tumatawag sa 'kin non. 

"Hi! Akala ko mamaya pa kayo?" Tanong ko. Kasama niya din ang mga teammates niya. 

"Pinayagan kami ni couch, basta bumalik daw kaagad."

"Kaloka, nandito nanaman 'tong dalawa na to!" Isabella suddenly said. 

"Bitter!" Singhal sa kaniya ni Ryle. Magsisismula nananaman silang mag-away. 

"Want to go there?" Tumango ako sa kaniya dahil wala naman kaming gagawin. 

"Hoy! Ano? iiwan niyo ko dito?" 

"Don't disturb them!" Hinila ni Ryle si Isabella. Kaya tawa-tawa kami ni Jake habang naglalakad.

"What do you want to eat?"

"Anything." 

Naupo kami sa tambayan habang dala ang pagkain na binili namin. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang foundation day. Sa bahay kami magdi-dinner ngayon ni Jake dahil hindi busy sila Mommy.

"Anong oras start ng game niyo?" 

"Mga 1 pm pa naman." 

"What time matatapos yung event?" 

"I'm not sure. Pwede naman tayong maaga umalis kung gusto mo." 

"Okay lang. Basta dinner dapat nasa bahay na tayo." 

Habang nag-uusap kami ay rinig na rinig namin ang boses ni Isabella at Ryle. Mukhang nagbabangayan nanaman yung dalawa na 'yon. Tawang tawa ako kasi kinakaladkad ni Isabella si Ryle pabalik. 

Ala-una ay nagsimula na ang laro nila Jake. Bago ako manood ay bumili muna ako ng gatorade at tubig para kay Jake kaya mas nauna si Isabella sa 'kin. Kinawayan niya ako nang makita ko siya na naka-upo malapit sa players. 

"Dito daw tayo sabi ni Jake." Tumango na lamang ako at umupo sa tabi niya. 

Habang pinapakilala ang mga players ay inilabas ko muna ang cellphone ko dahil tunog nang tunog. Tumatawag si Mommy kaya sinagot ko kaagad. 

"Hello, My?" 

"Hi, anak. Sorry naabala ba kita?" 

"Okay lang, My. Pa start pa lang naman." 

"Good. Anong oras kayo makakarating?" 

"Hindi ko pa sure, My. Pero bago mag dinner nandyan na kami."

"Okay, baby. See you later, I love you!"

"Bye, My. Love you too." 

Nawala ang atensyon ko sa cellphone ko nang ipakilala na ang team nila Jake. Magkalaban pala sila ni Jay. Hindi ko alam dahil ngayon ko lang din naman nakita ang mga players. Nginitian ko si Jake nang lumingon siya sa pwesto namin. 

Captivating FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon