05

27 2 0
                                    


I woke up early to prepare the things that I will be needing later for Ayesha's birthday cake.  Maya-maya ay dadating na din si Isabella para tulungan ako. Pagbaba ko ay naabutan ko si Mommy na nagluluto na ng breakfast.

"Good morning, my babies." 

"Morning, Dy." 

"Morning, Hon." 

Sabay-sabay kaming nag-breakfast. Nang matapos kaming kumain ay tinawagan ko na si Isabella. Malapit na daw siya. Habang hinihintay ko siya ay inihanda ko na ang mga gagamitin namin.

Sila Mommy at Daddy ay pupunta ngayon sa mall para na din mag-grocery. Nagpasabay na din ako ng gift ko para kay Ayesha dahil hindi ako nakabili kahapon. Anong oras na din kasi akong naka-uwi.

"Good morning, everyone!" Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko si Isabella. 

"Aga-aga ang ingay mo." 

"Whatever, Ms. Solace! By the way, nasaan sila tita?" 

"Nasa room. Pupunta silang mall kaya nagpasabay na 'ko ng gift." 

"Hala, ako din. Nalimutan ko bumili kahapon."

Pagbaba nila Mommy at nagmano si Isabella. Sinabi ko na din yung kailangan ko ipabili pati na din kay Isabella. Nagsimula na kami nang maka-alis na sila Mommy. Si Isabella ang nasa cupcake at cookies. Ako naman ang sa cake at ibang sweet treats. 

"Bella, yung phone mo tumutunog."

Magulo ang ayos ng aking buhok habang nakatali. Naglalagay ako ng design para sa cake nang biglang iharap sa 'kin ni Isabella ang cellphone niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jake at Ryle. May kasama pa silang mga lalaki sa likod at mukhang busy. 

"Bella!" Tumatawa pa siya nang alisin niya ang nakatapat na screen niya sa mukha ko. Ang pangit ko doon! Mukha pa akong bagong gising.

Hindi din nagtagal ang pag-uusap nila at bumalik na si Bella sa paggawa ng cupcakes. 

Napangiti ako nang matapos namin ni Bella ang ginagawa namin. It's really cute! 

"Dalhin na natin doon?" 

"Oo, maliligo muna ako."  

Nakasuot lang ako ng ripped jeans, croptop polo, and a white sneakers. Suot ko din ang salamin ko dahil ayaw kong mag contact lense ngayon. Pagbaba ko ay nasa sala sila Mommy at kausap si Isabella. 

Nandoon na din ang pinabili ko na gift for Ayesha. Nagpaalam na kami kila Mommy na aalis na. May dalang sasakyan si Isabella kaya doon nalang ako sumabay kaysa maghiwalay pa kami papunta sa bahay nila Jake. 

Malapit na din mag hapon nang makarating kami kila Jake. Nagtataka ako dahil puro lobo palang ang nandoon at nakakalat pa. Alas tres ang  start ng party ni Ayesha sabi sa 'kin ni Jake, pero mukhang hindi pa maayos. 

Pag pasok namin sa loob ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil nakakalat lahat ng design at mga lobo na wala pang hangin. Nandoon sila sa sala at mukhang pagod na pagod. 

Kasama ni Jake ang mga kaibigan niya at isa na doon si Ryle. Nanlaki ang mata ni Jake nang makita niya kami ni Isabella sa pintuan. Agad siyang tumayo ay kinalabit si Ryle. Nang makita kami ni Ryle ay pinagbabatukan niya ang iba nilang kaibigan. 

I laughed when he did that. 

"Uh, hi," alanganing bati sa 'kin ni Jake.

Nginitian ko siya. "Here's the cake. Yung ibang sweet treats ay nasa sasakyan pa. Uh, saan ko 'to pwedeng ilagay?"

Sinamahan niya ako papasok sa bahay nila. Their house is really big. May swimming pool din sa labas at mukhang doon gaganapin ang party ni Ayesha. 

"Where's Ayesha?"

"She's sleeping upstairs," he answered and I nodded.

Nagpaalam muna ako na na kukuhanin saglit ang iba pang natira sa sasakyan. Sinamahan niya na ako para matulungan ako sa kailangan dalhin. Naabutan ko na nag-uusap si Isabella at Ryle malapit sa gate. 

Nagkibit balikat nalang ako. Inabot ko kay Jake ang ibang cupcakes at sweet treats. "Bakit pala puro nagkalat na ballloons and designs doon sainyo?"

"Uh, hindi kasi namin alam kung pano sisimulan yung design for Ayesha's birthday. Basta bumili lang kami ng mga balloons and another stuffs."

"Dapat kumuha nalang kayo ng pwedeng mag-ayos para di kayo maabala." 

"Yeah, yun yung una kong naisip. Kaso they promised to Ayesha na sila yung mag-aayos sa party niya, kaya hanggang ngayon, wala pa kaming natatapos," sabi niya habang nakakunot ang noo kaya napatawa ako nang mahina. Nang tumingin ako sa kaniya ay nakatingin lang din siya sa 'kin.

Agad akong umiwas nang tingin dahil bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makabalik kami sa loob. Tinutulungan ni Isabella sila Ryle para ayusin ang mga decoration. 

Naisipan ko nalang din na tulungan sila dahil wala naman akong masyadong gagawin. It's fun decorating lalo na ang cute ng mga designs. Nakilala ko din ang mga friends nila Ryle. Pare-parehas pala yung course nila na engineering. 

Sabi ni Jake ay nagpaluto sila ng food sa tita niya, masarap daw kasi magluto. Niloko pa nga siya ni Isabella na dapat kay mommy nalang daw siya nagpaluto para pa goodshot, kaya nahampas ko siya ng lobo. 

After an hour, natapos na din kami. Kadadating lang din ng pagkain. Some of Ayesha's friends are already here. Yung iba ay kaklase niya at yung iba ay kalaro niya dito sa village nila. They are wearing their favorite cartoon characters. 

Sana pala dinala ko yung camera ko. Ang cute nila! Nilabas ko yung cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato. I will send this to Mom. I'm sure, she will love this. She likes kids. 

"Thea, ikaw nalang magbihis kay Ayesha. Baka umiyak sa 'kin hindi niya pa ako nakikita." 

"Why? Where's Jake?" 

"Inaasikaso yung bisita ni Ayesha pati yung food." Tumango ako sa kaniya.

Tinuro sa 'kin ni Ryle kung saan yung kwarto ni Ayesha. I saw her sleeping while hugging Vanellope stuffed toy. Ang kwarto ay ay puro mukha ni Vanellope. Napatawa ako nang mahina. So cute. 

Marahan ko siyang ginising dahil baka umiyak. Nang imulat niya ang mata niya ay parang kinikilala niya pa ako. 

"Ate Heather?" 

"Whoa, you remembered me?" I pinched her cheeks. Ang bilis mamula ng pisngi niya! Pinisil ko lang nang kaunti ay para na siyang may blush on. 

"Yes po!" ngumiti siya nang malaki. "Today is my birthday, Ate Heather!" Nagtatalon pa siya nang makita niya ang damit niya na parehas kay Vanellope. 

Pinaliguan ko siya at binihisan. Inayos ko ang buhok niya na parang kay Vanellope. Tawa siya nang tawa habang pinupunasan ko siya dahil nakikiliti daw siya. Pati ako ay natatawa sa kaniya. 

We take a couple of pictures before going out into the room. She's so pretty and cute. Para din talaga siyang si Vanellope. Habang pababa kami ng hagdan ay tinanong niya kung nasaan ang Kuya niya.

"He's outside, baby." 

Sinalubong kami ni Isabella sa baba ng hagdan. "Ang cute naman!" 

"She's Ate Isabella, Ayesha. She's my friend." 

"Hi, Ate Isabella! Nice to meet you!" 

Captivating FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon