15

18 1 0
                                    


Dalawang buwan na ang lumipas simula noong ligawan ako ni Jake. Sa mga araw na dumadaan ay palagi niya akong pinapasaya. And he's spoiling me. Sino ba naman ang hindi lalong mahuhulog sa tao na 'yon?

Today is Isabella's birthday. We have 2 weeks vacation, so we decided na mag-outing nalang. For Bella's celebration. Kahapon kasi ay nagcelebrate na sila kasama ang pamilya niya. 

Kaya sa outing ay kami-kami nalang. Kasama ang mga kaibigan ni Jake kaya medyo madami kami. Wala din namang masyadong inimbitahan si Isabella na hindi namin kakilala. Mamayang alas-kwatro ng madaling araw ang alis namin. 

Naisipan namin na magkaniya-kaniya nalang ng punta doon. Ang ibang kaibigan ni Jake ay kasama ang girlfriend nila kaya may mga babae din at hindi lang kaming dalawa ni Isabella. Para din hindi kami mailang. 

"I will pick you up, okay?" 

"Yes po. Bye!" 

He kissed my forehead before leaving. Nang maka-uwi ako ay agad kong inayos ang dadalhin ko. 3 days kami doon. Pag-aari ata ng isang kakilala ni Ryle ang resort na pupuntahan namin kaya pwede kami mag-stay ng medyo matagal. 

Habang nag-aayos ako ng damit ay biglang tumawag si Isabella. Naka video call kami. Nagsusukat siya ng mga damit nang itapat niya ang camera sa sarili niya. 

"Maganda ba 'to?" 

"Yup! Bagay sayo." 

"Nakapag-ayos kana?" 

"Nag-aayos pa lang pero patapos na din naman." 

Nagtagal ang pag-uusap namin ni Isabella dahil ang dami niyang pinagsusukat na damit. Kung ano-ano ang pinapakita niya sa 'kin na damit, pero dadalhin niya din naman pala lahat.

8 pm, I already went downstairs to eat dinner. Noong isang linggo pa ako nagpaalam sa parents ko na may celebration nga si Isabella. Syempre, kahit alam kong pwede na akong magdesisyon para sa sarili ko, gusto ko na alam pa din nila kung saan ako pupunta. Ayokong mag-alala sila sa 'kin. Para din alam nila kung saan ako hahanapin.

"Ingat ka bukas, baby. May hinanda akong snacks sa ref para pag-alis mo bukas ay hindi ka magutom. Hindi ko alam kung maaga ako magigising." 

"It's okay, My. Di mo na kailangan gumising nang maaga and thank you for the snacks." I kissed her cheeks before going to my room. 

Bago ako matulog ay kausap ko si Jake sa phone. Tapos na din siyang mag-ayos ng dadalhin niya para bukas. 9 pm ay nakatulog na din ako. 

Nagising ako nang marinig ko ang alarm ko. Nag-alarm ako ng 3 am para hindi ako magahol kung sakaling antok-antukin pa ako habang nag-aayos. Kaagad naman akong bumangon at nagsimulang mag-ayos ng sarili. 

Ang kaninang inaantok kong katawan ay biglang nagising dahil sa lamig ng tubig. Hindi ako sanay na gumagamit ng heater dahil feel ko may sakit ako kapag mainit na tubig ang gamit ko. Pero kapag may sakit ako, kailangan ko talaga ng heater. 

I'm wearing a white solid puff sleeve babydoll dress and beige vegan leather wide-fit slip-on sandals. Naglagay ako ng kaunting makeup para naman hindi ako mukhang bangkay sa sobrang putla ng labi ko at halata pang puyat ako. Suot ko din ang salamin ko dahil ayokong mag contact lense nang ganito kaaga.

3:30 am  ay bumaba na ako para kumain ng inihanda sa 'kin ni Mommy. Sobrang aga pa kaya paniguradong tulog pa silang dalawa. I tried to avoid making any noise. Sabi ni Jake na tatawag nalang siya kapag nasa labas na siya ng bahay. 

I just checked my social media accounts and my emails if there's any messages so I can reply early. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako ulit sa kwarto para patuyuin ang buhok ko. Nang matapos ako ay ibinaba ko na ang mga gamit na dadalhin ko. 

Sinigurado ko muna nawala akong naiwan na kailangan ko. Nagdala ako ng mga extra shirt kung sakaling may gawin man kaming activities o kung ano man ang mapagplanuhan doon. I was just watching at my phone when my phone rang.  

"Hello?" 

"Good morning, strawberry. I'm already here." 

Sagot ko pa din ang tawag nang lumabas ako. Tsaka ko lamang 'to pinatay nang makita ko na siya sa gate. Ngumiti ako sa kaniya nang makalapit ako. 

"Good morning," hinalikan niya ako sa noo kaya hindi ko maiwasang kiligin. Ang agang kilig naman nyan, Heather. 

"Good morning. Ang gwapo mo ha!" He's wearing a plain button-down short sleeves polo and drawstring waist shorts. He looks like a model.

"Appreciate so much. You're so beautiful, too." 

Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay sandali. Siya ang nagbitbit sa gamit ko. Nag-iwan ako ng note sa sala para makita nila Mommy mamaya. Mag-u-update din ako sa kanila habang nasa byahe kami. 

"You should sleep. Medyo mahaba ang byahe natin." 

"It's okay. Wala kang kausap kapag natulog ako." 

"You sure?" I nodded. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nang nagplay bigla ang music. 

I fell in love with the only girl
Who knows what I'm about
I fell in love with a boy
And I can't tell if I fell out


After all said and done
I can't just pretend I'm moving on
Is it just a part we're playing?
'Cause it don't feel like we're faking


Hindi ko maiwasang alalahanin ang matagal ko ng pinag-iisipan. Gusto ko ng sagutin si Jake. Hindi ko lang alam kung papaano. Aaminin ko na kinakabahan ako, pero isa lang ang sigurado ko. Mahal ko si Jake. 


When we're underneath the lights
My heart's no longer broken
For a moment
Just for a moment

When we're singing side by side
There's so much left unspoken
For a moment
Just for a moment

A moment in love (Just for a moment)
A moment in love (Just for a moment)
But is a moment enough?


Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko. Sa nagdaang buwan ay nakita ko ang sinsiridad ni Jake sa panliligaw sa 'kin. Hindi ko na nga alam kung ano pang kulang sa lalaking 'to. Sobrang perpekto niya para sa paningin ko. 

Palaging kapakanan ko ang iniisip bago ang sarili niya. Sobrang swerte ko dahil mayroon akong isang katulad niya na kaya akong alagaan at tanggapin. Sa tuwing kasama ko siya hindi ko maiwasang isipin na siya na ang gusto kong makasama habang buhay. 

Nakikita ko ang sarili ko na kasama siyang tumanda. Mahal na mahal ko siya kahit hindi ko pa nasasabi sa kaniya ng harap-harapan. Alam kong marami pang pwedeng mangyari sa amin, pero kahit anong mangyari ay hindi ako bibitaw kung sakali mang may problemang dumating sa amin.

"What are you thinking, hmm?" Napalingon ako nang tanungin niya ako. Hawak pa din niya ang kamay ko. 

Nginitian ko siya. "Wala naman." Iniisip ko lang naman kung gaano kita ka-mahal, Jake.


When we're underneath the lights
My heart's no longer broken
For a moment
Just for a moment (Just for a moment)
When we're singing side by side
There's so much left unspoken
For a moment
Just for a moment


A moment in love (Just for a moment)
A moment in love (Just for a moment)
But is a moment enough?


When we're underneath the lights
My heart's no longer broken
For a moment
Just for a moment






Song title: Just for a moment by Olivia Rodrigo and Joshua Bassette


Captivating FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon