"What's wrong with you, Jasmin?"
Gulat na napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko nang may magsalita.
There, I saw Kuya Aidan standing. Siya ang sumunod kay Kuya Azrael.
"Wala naman, Kuya," I answered. "Bakit?"
Kung tatanungin, mas mabait si Kuya Aidan kumpara kay Kuya Azrael. Mas malambot kasi siya sa 'kin kumpara kay Kuya Azrael na puro sermon at sigaw tapos ang hilig mandamay sa politika.
I am a licensed doctor. Hindi lang talaga ako pumapasok at nagta-trabaho dahil nga dinadamay at siyempre, ginagawa ako ni Kuya Azrael na secretary niya sa politics. Gusto niya ngang tumakbo akong Mayora ng Manila last election, e. Talagang ganoon kainit ang dugo niya kay Mayor Ian Acoza.
"You're too occupied today," Kuya Aidan said. "I wonder if you have a problem?"
"Wala po," I answered then smiled. "Don't worry."
Ang totoo niyan, yes. I am indeed occupied today. Magmula kahapon hanggang ngayon ay sabog ako. Who wouldn't, right? I never saw Ian Acoza to be that nasty. Hindi ko naman kasi inakalang dirty talker pala siya!
"You sure, Babe?" he asked me, again before pointing me. "Kapag may problem ka, don't hesitate to tell me, ha? Inaaway ka na naman ba ni Kuya Azrael?"
Sunod-sunod na umiling ako bago tumawa. Of course, inaaway niya pa rin naman ako pero ayaw ko na lang na i-big deal. I am kind of used to it na mana, e. Isa pa, baka sila naman ang mag-away.
My family is so fucked up. Sobrang gulo. Kaming magkakapatid ay nag-a-away. Hindi ko alam kung normal bang ganoon ang pamilya dahil hindi naman ganoon at itinuturo sa school.
Nag-usap pa kami ni Kuya Aidan ng kaunti bago siya lumabas ng kuwarto ko. Nang makalabas siya ay roon lang ako tumayo para mag-ayos.
I don't live here na. I think around eighteen yata ako ay nagbukod na ako before mamatay ang parents ko. Toxic kasi ang bahay namin. Puro away at walang araw na hindi ganoon ang scenario. Napagod ako sa araw-araw na ganap kaya umalis na lang ako.
Nang mamatay naman ang parents ko nine years ago— two years after kong magbukod ay bumalik ako rito. Paminsan minsan ay natutulog ako rito sa kuwarto ko pero madalas ay nasa condominium ako. Medyo nabawasan din kasi ang toxicity rito mula nang mamatay sina Mommy and Daddy pero toxic pa rin lalo na dahil si Kuya Azrael ang namamalakad.
Habang naglalagay ng kaunting foundation para maayos ang sobrang concealer na nailagay ko sa aking mukha ay biglang pumasok sa isip ko si Kuya Azrael.
Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ng buong pamilya namin sa .ga Acoza, lalo na si Kuya Azrael. Sa aming tatlong magkakapatid, ako at si Kuya Aidan lang yata ang hindi mainit ang dugo sa mga Acoza. Wala kaming alam kung ano nagaganap sa pagitan ng mga pamilya namin.
Acoza and Cortez family are known as rivals ever since. Namulat na nga yata ako na magkaaway ang dalawang pamilya. Siyempre dahil magkaaway, sinisiraan ni Mama at Papa ang mga Acoza sa 'min pero parang hindi ko kayang magalit.
Wala naman kasing atraso sa 'kin ang mga Acoza maliban na lang kay Cassandra na inagaw sa 'kin si Paulo. Kaya naman kay Cassandra lang ako galit.
Iyong dalawang iyon, ang landi! Ang kakapal ng mga mukha para lokohin ako ng ganito!
Paulo and I were in a relationship for almost three years. How could he abandon me that fast? Ang kapal ng mukha niya. Walang hiya!
"Whatever." I let out a heavy sigh. "Losing him should never be a big deal as long as I remain gorgeous."
BINABASA MO ANG
The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)
RomanceC O M P L E T E D U N D E R R E V I S I O N inline comments will be automatically deleted because of editing. Flame Series #1: Ian Felix Acoza "Acozas serve for justice and honor and whoever obstructs our way shall be damaged until they die. They b...