05

14.2K 270 30
                                    

"Oh, shut up!"

Halos ibato ko ang alarm clock ko sa pader dahil sa ingay nito. I am still sleepy as fuck!

I slept for like two hours, I guess? I was watching Go Back, Couple and then, boom! Hindi ko napansin ang oras!

Badabog na tumayo ako bago bumaba sa kama. I swear to God, I feel like mukha akong sabog ngayong araw! Who wouldn't, right? Two hours of sleep? Are you kidding me?!

"Fuck cold water! Fuck everyone! I need Jesus!"

Muntik akong matumba nang buksan ko ang shower. Ang lamig ng tubig at wala na 'kong time para ayusin ang heater!

"Putangina naman talaga! Palagi na lang akong sinusumpa!"

Hinawakan ko ang pader ng banyo na kaharap ko para sa alalay. Para akong nahihilo na ewan.

I let out a heavy sigh. My legs are shaking dahil sa lamig. My breathing started to get heavy for no freaking reason.

I feel so heavy. Nang tumingin ako sa pinagsabitan ko ng aking damit ay nakita ko ang dress na suot ko kahapon. Nakalimutan kong maligo bago natulog!

"Damn!" I closed my eyes while water keeps on running down my body. "My head hurts, what the freak."

Pinatay ko agad ang shower at kinuha ang tuwalya. Para akong kakapusin ng hininga.

Nagsuot ako ng bathrobe bilang pantakip. I am gasping for air nang makalabas ako sa banyo. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at dahil siguro iyon sa hindi ko pagligo pag-uwi ko after kong maulanan. How stupid of me!

Nahiga ako sa kama habang nakasuot ng bathrobe at nakatapis ang buhok ng tuwalya. Wala akong lakas para gumalaw at uminom man lang ng tubig. Hinang-hina ako at hapong-hapo na animo'y galing ako sa takbuhan. Dagdag pa ro'n, ramdam na ramdam ko ang init ng aking katawan na sumisingaw.

Sobrang sakit ng ulo ko— para akong pinupukpok ng martilyo! Ang sakit ay gumuguhit sa noo ko papunta sa likod ng ulo ko. Parang gusto kong tanggalin ang ulo ko't papalitan ng bago.

Kinuha ko ang cellphone ko at habang nakapikit ay tinawagan ko si Alice. Hindi naman kasi sa 'kin problema ang basta nalang pagtawag sa kaniya dahil ang pangalan niya ang nasa pinakauna ng contact list ko.

Dalawang ring lang ang kinailangan at sinagot niya agad ang tawag ko. Hindi na 'ko bumati pa sa kaniya at sinabi na kaagad ang pakay.

"Go to my condominium. My head sucks, kailangan ko ng gamot. Dalhan mo rin ako ng sweets dahil gusto ko nang mamatay sa sobrang taas ng lagnat ko."

I dropped the call after saying what I should say. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita.

Sanay na si Alice sa ganoong ugali ko. She's my secretary for almost six years. She's used to it na and also, wala rin naman siyang choice but to deal with me.

I put my phone down and closed my eyes. My thoughts are running and my mind is flying.

I woke up when I felt something on my forehead. Something warm.

Nagsalubong ang aking mga kilay habang nakapikit. Ano naman kaya 'tong nasa noo ko—

"What the heck?" I whispered.

Pinilit ko talagang magsalita nang makaramdam ako ng hawak sa aking leeg na sinundan ng hawak sa kamay ko at pagpunas sa braso ng kung anong basa.

Kahit gustong-gustong pumikit ng mga mata ko ay pinilit kong dumilat para makita kung sino at kung ano ang ipinupunas sa 'kin.

"Did I wake you up?"

Malabo pa ang paningin ko dahil kagigising ko lang. Nag-a-adjust pa ang paningin ko pero parang bigla itong naayos nang makarinig ng baritono, maaligasgas at malinaw na boses.

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon