"Can you please pass me that god damn paper, Alice?"
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago hinilot ang aking sintido. Sobrang sakit na ng ulo ko at halos lahat ng papers ni Kuya ay ako ang nag-che-check. What's the god damn purpose of having a secretary kung ako lang din naman pala ang mag-che-check ng mga putanginang papeles niya?!
"Ma'am, here po."
Ibinaba ni Alice ang sandamakmak at malabundok na papel sa ibabaw ng table ko. Gusto ko na lang magpakamatay sa inis at iritasyon!
"Itong papel po na 'to ay para po sa panibagong batas na gustong isalang ni Mister Senate President sa senado at ito pong paper na 'to..." Huminto siya para ituro ang isa pang bundok ng papel. "Para po 'yan sa mga papers ng kumpanya. Paki-check daw po kung napirmahan ba niya lahat."
"So annoying!" iritang tili ko. "Bakit hindi na lang siya ang mag-check tutal siya naman ang napirma?! Lumabas ka na nga!"
I don't have any choice, but to check all of these papers! Damn it! Bakit ba kasi kailangang ako pa ang mag-check ng mga ito?!
"Ma'am, may tao po sa labas."
Wala pa mang sampung minuto mula nang umalis si Alice ay bumalik na naman siya!
"Iyong dati pong Mayor ng Manila ay nandito."
"Sino ro'n?" bored na tanong ko. "Sa rami ng naging Mayor ng Manila, sino ro'n?"
"Iyong may rumors po na tatakbo raw sa senado. Si Mayor Ian Acoza po."
"He's still the Mayor of Manila, Alice," na-se-stress na ani ko. "Kapag election na, saka lang siya magiging former. My God! Why people these days are so dumb?"
Namula ang buong mukha ni Alice nang yumuko siya.
"Whatever." I shaked my head. "Let him in."
Naglakad palabas si Alice habang ako ay bahagyang ibinaba ang suot kong tube. Ian Felix Acoza, the Manila City's Mayor is the huge project I am holding right now! Sa rami ng pinapagawa sa 'kin ni Kuya, sa kaniya ako mahihirapan!
Ian Felix Acoza is the Manila's current Mayor and he's an attorney.
May rumors siya ngayon na tatakbo raw siya sa senado and that rumor is my Kuya's problem right now. Ian Felix Acoza will be his greatest weakness and fear if ever na papasok man ito sa senado. Knowing him, marami siyang connections at talaga namang sandamakmak ang yaman niya. Hindi na 'ko magtataka na kung sakali mang manalo siya if ever na tatakbo nga siya, siya ang magiging senate president instead na si Kuya.I closed my eyes in annoyance habang iniisip kung gagawin ko nga ba ang ipinagagawa ni Kuya. I am the Cortez' last woman standing and I am a big catch. Ako ang pinakainaasahan pero I don't know if kaya ko ang gagawin kong 'to! I am sure that seducing Mayor Acoza will be hard! Like extremely hard! Ang Mayor na iyon ay focus sa trabaho and for sure, mahihirapan ako!
I stood up in panic when I heard a footstep. Itinaas ko ang aking paningin just to catch someone's deadly dark eyes.
Damn it!
So, the rumors are true, huh? He's indeed a handsome attorney and Mayor? No wonder why my Kuya is threatened. Mukhang sa kaniya nga naman kasi talaga boboto ang mga tao kahit pa hindi na siya mangampanya. Ipakita lang niya ngiti niya, mahahatak na niya ang buong Pilipinas.
"Good day, Mayor Acoza!" I bowed my head down like a good girl. "What's up?"
I saw him staring at me with full of intensity kaya nataranta ako bigla. Sinadya ko kasing yumuko ng husto para masilip niya ang cleavage ko!
He raised his brows. Umiling siya ng tatlong beses bago muling inilibot ang paningin sa buong opisina ko.
So, that's it?! Hindi man lang siya naapektuhan? I have a big tits, for his information! How can he resist that?!
BINABASA MO ANG
The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)
Roman d'amourC O M P L E T E D U N D E R R E V I S I O N inline comments will be automatically deleted because of editing. Flame Series #1: Ian Felix Acoza "Acozas serve for justice and honor and whoever obstructs our way shall be damaged until they die. They b...