GREEK YOGURT
Sabrina's POV
I am at the cafeteria eating spoonfuls from my favorite greek yogurt. Katatapos lang ng morning classes ko. Medyo napa overtime nanaman ang professor namin kaya nahuli na akong kumain ng lunch. Hindi na rin ako makaisip kung anong bibilhing pagkain. Kadalasan kasi ay wala akong mabili sa cafeteria dahil kadalasang lutong bahay at pagkaing Pinoy ang ulam. Dinadayo ko pa talaga ang salad stand sa restaurant na dalawang kanto ang layo mula sa Uni. Hanggat maaari ay iniiwasan ko ng kumain ng mga usual na lutong bahay dahil ang mga ulam ng Pinas ay mas masarap kapag may kapares na mainit, puti at bagong saing na kanin. Bibihira na din kasi ako kumain ngayon ng kanin.
My phone beeped on top of the table. Agad kong kinuha iyon at binasa ang mensahe.
I miss you love.
Text mula kay Ross.
Mabilis akong nag tipa ng sagot at ipinadala ko agad sa kanya.
I miss you too.
Napatingala ako ng marinig ang ingay na nang gagaling sa papalapit na sina Hera at Paco. Umupo sila sa harapan ko at patuloy pa rin sa pag didiskusyon sa kung ano anong mga bagay. Para talaga silang mga aso't pusa. Napangiti ako. Bagay talaga silang tingnan dalawa. Kung sana ay di ganoon ka dense si Hera. Gustong gusto ko si Paco para sa kanya.
Napansin ko din ang half empty na food tray nila. Mukang kanina pa sila kumakain dito sa cafeteria at nakita lang nila akong nakaupo dito at mula kung saang lamesa ay lumipat sa akin.
Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng sports medicine na libro na hiniram ko sa library kaninang umaga. Friday after class ay makikipagkita ako kay Niccolo para sa assessment niya. Kailangan ko din hanapin ang mga kadalasan na injuries na nakukuha sa basketball pati na rin ang approach na kadalasang ginagawa. Mga routines at repetitions at kung ano ano pa.
Nagbuklat pa ako ng nagbuklat at focus na focus sa pagbabasa at pag take down notes ng mapansin kong parang biglang natahimik ang kanina ay mainit at malakas na diskusiyon ni Hera at Paco.
Napatingala ako mula sa pagbabasa ng libro at napatingin sa dalawang nakaupo sa harapan ko. Si Paco ay tahimik lang na nakatingin sa tabi ko bago bumalik ang tingin sa akin. Samantalang si Hera ay nakatingin ng matalim sa tabi ko. Kabadong napalingon ako sa kanan ko ng makita ko siya. Si Niccolo nakaupo sa tabi ko, ang katawan ay bahagyang nakaharap sa akin at nakapangalumbaba. May kakaunting ngiti ang sumilip mula sa kanyang mga labi. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha.
"I love it when you look serious." Walang kahiya hiyang sabi ni Niccolo sa akin. Ang mga mata ay nakatuon sa akin.
Agad akong nag iwas ng tingin. at ibinalik sa hawak kong libro. Napahigpit ang hawak ko doon. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. I tried my best not to show any emotion at all. I don't want him to see that he's affecting me. That he still affects me. Nilabanan ko ang panginginig ng kamay ko. Pati na rin ang panginginig ng boses ko.
BINABASA MO ANG
Curvy Beauty
ChickLitAng love story na hindi na pagkain ang third party. Heavy Beauty Book Two