CRAFT BEER
Hera's POV
Inis kong pinag mamasdan si Paco habang kasama si Sheena. Kaya pala siya sumama sa akin kasi may ibang pakay.
Malanding hinaplos haplos ni Sheena pataas baba ang braso ni Paco. At eto namang si Paco ay tumawa sa kung ano mang sinasabi ni Sheena.
I gritted my teeth.
Anong tinatawa tawa mo diyan. Inis na sinabi ng isang parte ng utak ko.
It was a Saturday night. And in my calendar it only meant one thing. Getting wasted.
"Hello? Earth to Hera?" Napabaling ako ng tingin sa kausap kong si Nana.
"What?!" Iritado ko pang sabi nang nilingon siya.
"My god. Nasaan ba ang utak mo? Kanina pa pala ako daldal ng daldal hindi ka man lang nakikinig?" Sita ni Nana. Isa lang si Nana sa mga naging kaibigan ko sa school. Halos lahat naman ay kakilala at kaibigan ko.
I wish Saab were here. But this is not her scene. Not her kind of crowd. And I don't want to taint nor influence her.
"Man problems?" Asar ni Kiko.
"Baklang to. Ikaw lang ang may man problems." Balik asar ko sa kanya.
I have never had man problems. If at all I am man's problem. Ako yung problema nila.
Umilang lagok ako sa hawak kong malaking baso ng beer. Kung hindi ako nagkakamali ng bilang eh pang apat ko na to. But who's counting.
"Oo na. Ako na ang marupok." Nakangusong sinabi ni Kiko bago tumingin sa direksiyon ng kanyang matagal na pinapantasyang miyembro ng Drama Club na si Greg. Eksaherada niyang inabot ang isang kamay sa direksiyon ni Greg na parang may humahatak sa kanya. Unti unting isinara ang mga daliri niyon na parang may hinawakan sa hangin at parang punyal na itinusok sa puso niya. Umarte pa siyang parang namatay.
"Ang landi mo bakla. Dapat hindi Kiko pangalan mo, dapat Kikay." Natatawang asar ni Janet.
"Saka mali ka ata ng sinalihang club. Sana ay sa Drama Club ka na lang pala sumali kung ganyan ka kagaling umarte." Gatong naman ni Nana.
Nagsimula na ang asaran at batuhan ng kung ano anong biro ang tatlo. Napapailing ako habang natatawa.
Sa totoo lang ay sila talagang tatlo ang magkakaibigan. Nagkataon lang na miyembro din sila ng school publication kaya ko sila naging mga kaibigan at kakilala.
Si Nana sa Feature articles, si Janet naman sa Business section na tungkol sa mga university announcements at si Kiko sa Editorial cartoon.
Ilang beses na din kaming napahamak sa kung ano anong mga skandalosong drawing niya na kadalasan naman ay talagang may maayos na kahulugan. Wala naman magawa si Dean kapag nag bibigay ako ng 'go signal' for publication. What can I do? Kiko is an amazing artist. And of course, freedom of speech. Kaya nga tayo may ganitong klase ng platform ay para malaya tayong makapagpahayag ng mga saloobin at opinyon natin. I am not the rightful Editor in Chief kung hindi ko sila kayang ipagtanggol sa Dean at sa Adviser ng school publication. Kahit na naka ilang patawag na ata sa akin ang Dean sa kanyang office sa loob ng tatlong taon. Minsan pakiramdam ko gusto na lang niyang makipag kwentuhan.
Nagpaalam ako at iniwan na silang tatlo. Tinungo ko ang beer station para mag refill ng beer. Pagka refill ay sumandal ako sa isang lamesa at tumingala sa kabuuan ng frat house na pinag darausan ng beer party.
Nasa frontyard kami nakapwesto at nag iinuman at nagsasayawan. Sa isang banda ay may mga frat boys na nag kakagulo sa beer keg at nag sisigawan sa contest ng pabilisan ng inom ng beer. Naka bitin patiwarik sa ere ang mga frat boys at may nakaalalay sa mga paa nila para ma-isteady sila habang umiinom sa beer keg gamit ang transparent na hose.
BINABASA MO ANG
Curvy Beauty
ChickLitAng love story na hindi na pagkain ang third party. Heavy Beauty Book Two