17: Lukewarm Water

1.8K 80 126
                                    

*Warning SPG*
























Joke! Practice lang! :)







Joke! Practice lang!  :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUKEWARM WATER

Sabrina's POV

Dahil magkakilala naman na kami ay hindi ko na inabala ang sarili sa pagpapakilala. Standard kasi na magpapakilala ka sa pasyente mo at sasabihin kung ano ang mga gagawin ninyo para sa treatment plan niya. Bukod sa magkakilala na naman kami ay madami kasi akong naaalala na masasamang bagay pagdating sa mga introduce yourself na 'yan. Lalo na nung highschool.

Nagsimula na lang ako sa pagpapaliwanag ng kung ano ang gagawin namin sa session na 'to.

"Magsisimula muna tayo sa evaluation ng injury mo. Magtatanong lang ako ng ilang mga tanong para sa initial assessment. After nun i-che-check natin yung mobility, strength at range of motion ng katawan mo bago tayo mag proceed sa exercises na akma para sa'yo." Tuloy-tuloy kong sabi habang naglalakad papunta sa malayong corner ng gym kung saan may isang lamesa at upuan.

Tumigil ako ng nasa harap na ako ng lamesa at mabilis siyang hinarap. I caught him staring at my legs. I crossed my arms and stared him down. He smiled and pursed his lips. Nag-iwas siya ng tingin.

This will be a long night. I sighed.

Umigib muna ako ng tubig sa may water dispenser malapit sa lamesa. Hinalo ang mainit at malamig na tubig para makuha ang tamang maligamgam na temperatura.

Itinuro ko sa kanya ang upuan sa gilid ng lamesa ko para maupo siya. He sat down and pivoted his body so that he was angled in a way that he was facing me. Samantalang ako naman ay nakaupo at nakaharap sa lamesa, di magawang tingnan siya. Pakiramdam ko tuloy ay lugi ako sa setup namin. Kitang kita niya ang buo kong katawan samantalang ako ay nakatingin sa mga papel na nakapatong sa harap ng aking lamesa. I can already feel a headache starting to build up.

Uminom ako ng maligamgam na tubig mula sa aking tumbler. Pakiramdam ko ay kahit paano ay napagaan ng tubig ang sakit ng ulo ko.

"Okay, let's start. Why are you here?" Walang paliguy-ligoy kong tanong.

"For my injury." He answered and eased himself into the chair. Leaning back and extending his legs. Tumama pa ang binti niya sa binti ko. Umusod ako ng kaunti para bigyan siya ng espasyo. At para di magtama ang mga binti namin. Bakit naman kasi dikit na dikit ang mga upuan namin.

"What injury exactly?" Kumuha ako ng isang ballpen sa pen holder na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko yung pink na ballpen na naroon.

"Uhm... masakit likod ko, balikat ko, tuhod ko-"

Pinutol ko na siya. "Ang dami naman ata. Can't you be more specific? Masahista ata ang kailangan mo. Physical therapist ako. Kung gusto mong gamutin ko lahat ng masakit sa katawan mo baka abutin ako ng graduation di pa tayo tapos." Walang ka emo-emosyon kong sinabi. I don't want to sound rude. But I don't want to sound accommodating either.

Curvy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon