3: Honey Garlic Salmon

9.7K 331 305
                                    

HONEY GARLIC SALMON

Paco's POV

Flashback Sophomore Year

I didn't know what I was thinking back then. I folded the piece of white paper ever so delicately as if it's going to break or tear apart even with the slightest touch. All I know at that moment is I need to do it. 

Bahala na si Batman.

I folded it one last time before stretching the paper a bit to expand the paper plane's wings. Testing it a little to see if it could fly.

"Dude sigurado ka ba diyan?" Nagdududang tanong ni Karl. Isa sa mga kaibigan ko at miyembro din ng swim team.

"Paano kapag namali ka ng palipad tapos napunta dun sa isang babae?" Tanong ni James. "Altho if you ask me maganda din yung isang babae." Ngisi niya.

"Guys shut up." Umisang lingon ako sa kanilang lahat. Bago ibinalik ang tingin ko sa dalawang babaeng nag uusap sa kabilang table. "I got this." Maya-maya ay sinabi ko. 

Medyo malayo ang pagitan namin at medyo nag duda na rin ako sa gagawin ko. Why can't I just man up? Go up to her straight and ask for her number. 

I've never dealt with this kind of problem before. Maybe because for the first time, I'm the one asking for the number and not the other way around. 

That's the thing about her she doesn't even know that I exist. Ni hindi niya man lang ako tinitignan kapag nakakasalubong ko siya sa hallway. Ni hindi niya ako nililingon. And I'm damn sure na hindi niya alam ang pangalan ko.

I exhaled one last breath and slowly flinging my arms in the air. Letting go of the very light paper plane. I let it fly. I let the carefully folded paper plane fly in the air. And in it was the only passenger, my heart. With a little flicker of hope that she will call me back.

--

Saab's POV

Present time

"Good afternoon po coach." Bati ko kay Coach Eddieboy. 

"Coaaaaaach. Ano na kabuwanan mo na ba?" Masiglang bati naman ni Hera habang tumatawa. At tinapik tapik pa ang tiyan ni coach. Napailing na lang ako at napangiti.

"Oi kumusta? Manunuod kayo ng practice?" Nakangiting bati ni coach sa aming dalawa.

Si Coach Eddieboy ang coach ng basketball team ng university. He's been the coach for a solid twenty years now. I heard that during his prime ay siya ang MVP ng mismong school din na ito. 

He brought glory and back to back championships for the school back in the day. When he retired being a professional basketball player he came back here as a coach for the team. Hindi raw niya kasi maiwan ang pagmamahal niya sa basketball. So he thought that instead of retiring, his time will be more productive in coaching and teaching his love for the sport. And of course helping new and aspiring talented basketball players.

Sa susunod na taon na ang huling taon niya bilang coach. At ngayong season ay hindi nanaman nakasali ang team sa semi finals. Huling pagkakataon na niya ngayon. At halata mo namang matindi na ang pag pa-practice ng mga matitirang players for next year.

"Sana sa susunod na taon may masulat ka ng article para sa amin Hera." Sabi ni coach. Bago ngumiti at tumingin sa mga players niyang dibdiban ang pag pa-practice. Kitang kita mo sa gilid ng mga mata ni coach ang bakas ng ilang dekada ng buhay. Masasalamin sa mata niya ang lahat ng klase ng tagumpay at kabiguan, lungkot at saya.

Nakaramdam ako ng kung anong kurot sa puso ko. Kung may maitutulong lang ako para sa kanya ay gagawin ko. Kahit ano. Para na rin siyang pangalawang ama sa amin ni Hera. Di ko man tinanggap noon ang inalok ni Hera na maging manunulat sa school publishing ay di ko naiwasang mabalik at mapalapit sa mga taong involve pa rin sa basketball. 

Curvy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon