GREEN TEA
Saab's POV
I quickly glanced at my wristwatch to check for the time.
7 A.M.
I have been running for about thirty minutes now. I slowly turned my pace down. And started walking instead of running. I felt that I already reached my limit. I felt the muscles in my legs and thighs burning. And my lungs desperately gasping for air.
Maya-maya ay tumigil na rin akong maglakad at pumaywang. Tumingala ako. Hapo ang paghinga.
Naging kaugalian ko ng tumakbo sa subdivision ng alas sais ng umaga. Trenta minutos lang ang nilalaan kong oras araw araw sa jogging sa umaga. Yung isang trenta minutos ay ginugugol ko sa warm up exercises para hindi mabigla ang katawan ko.
Thirty minutes of nonstop running is a new record for me. I smiled. Kinuha ko ang towel ko saka ipinunas sa pawisan kong mukha at leeg. Noong una ay hirap talaga akong tumakbo. Ilang araw noon na puro lakad lang ang ginagawa ko. Kasi ilang minuto pa lang ng pagtakbo ay pakiramdam ko malalagutan na ko ng hininga. Ganun siguro kapag ang katawan natin eh hindi sanay na constantly na gumagalaw at nag eexercise. May mga panahon pa nga noon na hinahatak ako ni Kuya Mark habang si Kuya Jason naman ang nasa likod ko para itulak ako. They instantly became my coaches. Medyo malupit at striktong coach nga lang si Kuya Jason kasi wala talaga siyang pakialam kung pagod ka na, kung kapatid ka niya or kung mamamatay ka na sa pag e-exercise. Si Kuya Mark naman ang nag hahanda parati ng kakainin ko. Tinuro niya sa akin ang mga magagandang kombinasyon ng mga pagkain.
Sang-ayon sa kanya eh, 'you are what you eat.' Naging mantra ko din tuloy yung kakaulit niya nun.
From walking I tried to increase my pace to brisk walking hanggang sa unti unti ay nakakaya ko ng tumakbo ng isang buong minuto at lakad ulit at takbo ulit ng paulit ulit. Lakad takbo. Lakad takbo. Unti-unti ay tumataas na rin ang endurance ko sa pagtakbo. Dahil na rin siguro halos araw araw na akong tumatakbo ngayon at nasasanay na rin ang katawan ko. At ngayon nga ay nakakaya ko ng tumakbo ng tuloy tuloy na trenta minutos.
Pinunasan kong muli ang tumulong pawis mula sa noo ko. Napatingin ako kay Kuya Jason na umisang ikot pa ng takbo. Hinihintay ko na lang siyang matapos.
Napatingin ako sa kalangitan at sa haring araw na unti unting sumisilip sa mga ulap. Umaga na.
It was the summer before I entered sophomore year of college when I started to really take care of myself and be really conscious of my weight. But before that siyempre I indulged myself. For the whole duration of my freshman year. I was still the fat girl Sabrina Mendrez. Eating out in every known fast food chains in Metro Manila. Burgers, fries, pizzas, fried chicken and all those greasy, oily and high carb processed meals. You name it, I ate it. Wala akong pinapalagpas.
Isa ako sa mga studyante na ginagawang sabaw ang gravy ng fried chicken. I always ask for a separate plate just to have my fill of my favorite chicken gravy sa isang fast food chain na parati kong kinakainan. Siyempre oorder agad ako ng extra rice dahil ayoko ng tumayo ulit sa counter para lang maputol ang pagkain ko. Alam ko naman sa simula pa lang na bitin na ako sa isang kanin kaya naman sinisigurado kong dalawang kanin na ang nasa plato ko. Para wala ng tayuan.
At seventeen years of age, five feet five inches tall I reached a weight of 200lb. Who would have thought that after experiencing a heartbreak like that, that I still wouldn't change my lifestyle. No. I didn't. My life spiralled down. Kung ang iba ay nagpapakalasing kapag broken hearted I opted to stress eat, given na I am not really a fan of hard drinks. I was so consumed with my overwhelming emotion and the feeling of depression to even entertain the idea of making myself change into a better person. I stayed the same Saab for a year. I was still that fat girl.
BINABASA MO ANG
Curvy Beauty
ChickLitAng love story na hindi na pagkain ang third party. Heavy Beauty Book Two