16: Nutri Bar

1.7K 83 81
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Author's Note: Happy 1M reads to Heavy Beauty!

Always remember to celebrate small victories! 

Thank you for your support! Cheers! 




NUTRI BAR

Sabrina's POV

I looked up from writing on my notebook when the glass doors to the school's Physical Therapy gym opened.

Nakatayo si Niccolo doon. He was wearing a plain black jersey shirt and shorts. A black gym bag  on his right shoulder. His right silver earring glinting from the fluorescent light. Tinaas niya ang kamay niya sa akin ng mahanap ako ng mga mata niya. A ghost of a smile hinted on his lips.

Napansin kong pati ang iilang physical therapy students na kasama ko sa gym ay napalingon na din. That's how head turning he is.

Agad na may lumapit sa kanyang dalawang fifth year na PT students. Tinatanong siya kung may appointment o may therapist na ba siya. Dinaanan lang niya ang dalawang babae at tinumbok ang lugar ko. Yumuko ako sa notebook ko at nag panggap na abala.

"Hello Saab." He said in a husky voice.

Tumingala ako mula sa notebook ko. "I'm not yet done. You sit and wait there." I pointed to the lounge with my pen.

"Sure. Take your time." Tumango tango siya at tinungo ang lounge. Umupo siya at nilagay ang gym bag sa sahig. He extended his long legs a bit at sumandal sa sofa. He folded his arms in front of him. 

Binalik ko ang tingin sa hawak na file. Binasa ko ang assessment notes sa kanya ni Dr. Mendoza. It mainly involves injuries on his right knee and ankle. Ni review ko na din ang treatment approach at routine exercises na gagawin sa kanya with the help of Mrs. Pacheco, ang Dean ng PT. 

Napatingin ako sa kanya at nakitang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng gym. May malapit na water station sa lounge at dinumog iyon ng iilang babaeng PT students. Lahat halos ay may mga hawak na sari sariling tumbler para mag refill ng tubig. Parang lahat sila nauhaw ngayon.

Napabalik ang atensiyon ko sa kanya at nagtama agad ang paningin namin. He smiled. Nagbawi ako ng tingin. Inayos ko na ang mga nagkalat kong notes at ipinasok sa loob ng aking bag. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tinungo ang locker rooms para mag palit na lang din ng gym clothes at iwanan ang bag.

Napansin kong puro dri fit shorts na lang ang naiwan ko doon. Nakalimutan kong naiuwi ko nga pala ang mga leggings at loose gym shirts na naka stock sa locker ko dahil naglaba ako noong weekend.

Kaya ngayon ang naiiwan na lang ay mga dri fit shorts. Ipinatong ko iyon sa harap ng aking katawan at nakitang umaabot lang yun sa banda ng upper thigh ko. Napailing ako at tiningnan ang suot kong dress ngayon sa harap ng salamin. We are allowed to wear casual clothes during our first to third year in PT. But on the fourth and fifth year we are required to wear the standard white uniform and skirt.

Curvy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon