2: Avocado Salad

8.3K 331 133
                                    

AVOCADO SALAD 

Hera's POV 

Flashback Near End Sophomore Year

"I'm Hera by the way." I said while extending my arm for a handshake. 

She looked up at me surprised. Closed her book frantically. Stood and extended her hand and smiled shyly. "Saab."  She said. 

I studied her face. She has this light brown complexion contrary to my fair skin. Maganda ang korte ng makapal at mahabang kilay niya na akala mo ay nag undergo ng microblading. Ang ganda din ng katamtamang tangos ng ilong niyang sumakto sa cute niyang cheeks. And when she smiles her kind eyes smile with her. She looked so gorgeous. Angelic even. Well idagdag mong ang bait niya pa. Like genuinely na mabait. 

I shooed the guy pestering her. Kanina pa nakaupo sa harap niya. Hindi man lang siya napansin ni Saab dahil busy itong magbasa ng libro. Halata mo namang kanina pa nagpapapansin sa kanya. May hawak pang cellphone na halata mo namang manghihingi lang ng number niya. 

The nerve. Di naman gwapo. Sabi ng isang masungit na parte ng utak ko. 

"Tabi uupo ako." Utos ko sa lalaking nakaupo sa harapan niya sa library. 

Halata kong badtrip ang lalaking sumunod sa akin na naririnig kong bumubulong bulong pang parang bubuyog.  

"Are you saying something?" Inis kong tanong sa lalaki. Wala ako sa mood i-tolerate ang mga ganung pag uugali. Kaya konti pa papatulan ko na talaga.

"Wala. Wala. Aalis na nga eto na." Nagmamadaling isinukbit ng lalaki ang backpack niyang halos wala namang laman. Nag bag pa. Ballpen lang naman ata ang dala. 

 I sat in front of Saab without so much as an invitation. Naupo na rin siya. 

Kakaupo ko pa lang ay may nakita na akong isa pang lalaking papalapit sa direksiyon namin. Sinamaan ko agad ng tingin. Kakamot kamot siyang umatras. 

Napabalik ang tingin ko kay Saab. Na nakatingin sa akin pabalik na parang nagtataka kung sino ako at bakit ako nakaupo ngayon sa harapan niya. 

I flipped my long, curly, brown highlighted hair to the side. "Well honey, I heard you joined the student publication during your high school years." I started. Business as usual. 

Tumango siya bilang pagkumpirma. Her beautiful innocent eyes fixated on me. Ang cute niya.  

I cleared my throat. "Well, Dean Gomez was asking me to look for people na pu-pwedeng mag run ng student publication sa university natin. We have a publishing press in our uni and we would love for you to join us. And yes I am the Editor in Chief." I said with so much pride and honor. 

"By team meaning ilan tayo sa publication?" Tanong niya. 

"Well there's me and five others. So you will be our seventh member if you join us." Paliwanag ko. Stressing on the if. "And you will be handling the sports section. Tutal yun naman ang cover mo sa dati mong publication so I don't think we will have a problem." Litanya ko.

"D-Di ko alam kasi sobrang busy ngayon lalo na ang hihirap ng subjects ko this sophomore year." Nahihiya niyang paliwanag. Na parang akala mo ay magagalit ako kapag tinanggihan niya. 

I sighed. And tried to mellow my tone down baka kasi na i-intimidate siya sa akin. Knowing how I can be persistent sometimes. And I have this reputation in this university na ang sama-sama ng ugali ko na hindi naman talaga. Feeling ko namimis-interpret lang nila ako. 

Ow well. IDGAF. 

"Honey, wala naman masyadong gagawin sa sports section. Pwede naman kitang tulungan. Wala kasing nagsusulat ng tungkol sa sports section ng school natin. As you know hindi naman tayo varsity oriented na university. We're not that competitive. And I swear wala naman masyadong gagawin. Ni hindi nga tayo makapasok sa semi-finals." Sabi ko ng nakairap ang mata sa kawalan. 

Curvy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon