Author's Note: Hey you! Try listening to Billie Eilish's Ocean Eyes while reading this chapter.
As always. Don't forget to vote and comment. Freely express your thoughts. Enjoy!
FLUFFY PANCAKES
Sabrina's POV
Nagising ako sa mahihinang tawanan mula sa sala. Dahan dahan akong nag unat. Umaga na. Nasisilaw ako sa bahagyang pag pasok ng haring araw sa pagitan ng mga kurtina sa aking kwarto. Napatingin ako sa pink kong bedside clock.
9 A.M.
Napatingin nanaman ako sa gawi ng pintuan. Rinig na rinig ang malalakas na tawanan ng mga lalaki. Mabilis akong bumangon at nag hilamos at toothbrush. Napatingin ako sa pulang pantulog ko na may kung ano anong disenyo ng Christmas themed designs. Long sleeved na pantulog na may ternong pajama. Di na ako nag abalang magpalit dahil mukha naman akong disente sa paningin ko.
Sabado ng umaga at wala naman akong gagawin ngayon sa school. Kaya pwede akong mag stay na lang sa bahay ng buong araw.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba na sa sala. Pumasok ako sa kusina kung saan nang gagaling ang ingay. Nagulat ako ng makita ko ang pawisang si Ross sa harapan ko. Suot suot niya ang lumang yellow Jaguar jersey niya. Mariin akong napapikit. Ngayon ko pinag sisisihan na hindi ako nagpalit ng mas maayos na damit.
"Merry Christmas, love." Nakangiti siya at nakatingin sa suot ko. Sinuyod ako ng mata niya mula ulo hanggang paa. Nakangiti lang siya habang ginagawa yon. Nilabanan ko ang sariling tumakbo pabalik ng kwarto ko para magpalit ng damit. Papanindigan ko na lang. Ngumuso ako kasi nakangiti pa rin siya. "You still look lovely anyway." Bawi niya.
Tumawa naman si Kuya Jason sa kumento na yon ni Ross. "September pa lang Saab. Agang celebration niyan ah." Dagdag niya pa. Kung maka comment naman tong si kuya. Eh kaming apat may pantulog na ganito. Sinuot namin nung nag celebrate kami ng Pasko two years ago. At idea pa yun ni papa.
Tumalikod si kuya s amin at tinungo ang ref. Nag salin si kuya ng malamig na tubig sa dalawang baso. Ang isa ay iniabot kay Ross. Ang isa naman ay tinungga agad. Mukhang kagagaling lang nila sa basketball game. Halos mag dadalawang taon na silang parating nag lalaro ng basketball. Tuwang tuwa sa kanya si Kuya Jason for some reason. Sa simula pa lang magaan na ang loob niya.
Nagpasalamat si Ross at tinanggap ang basong iniabot ni kuya. Pagkatapos uminom ng tubig ay nagpunas ng pawis si Ross gamit ang kanyang puting towel. I am tempted to do that for him.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko pero papunta na ako sa refrigerator para tignan kung ano ang maluluto.
"Hindi pa. Pagluto mo na lang kami." Utos ni Kuya Jason. Napaka bossy talaga.
"Opo sir." Sarkastiko kong sagot na hindi naman pinatulan ni kuya. Mukhang good mood.
"You can use Saab's shower man, I'll just use the common shower room." Biglang offer ni kuya na ikinasamid ko. Ilang beses na rin namang nakiligo si Ross sa shower room ko pero hindi lang siguro ako sanay sa ideya. At si kuya pa talaga ang nag offer.
Iniwan kami ni kuya doon sa kusina. Napatingin sa akin si Ross. He jerked his thumb towards my room. Asking for permission. Tumango ako. Ross walked behind me and placed both hands on each side of my hips. I feel the goosebumps forming on my forearms and nape.
Buti na lang at parating malinis ang banyo sa kwarto ko. Since nakatira ako sa bahay na puro lalaki ang kasama ay sa akin nila parati ibinibigay ang room na may toilet and bath. Para kina papa mas magandang nasa room ko na rin daw ang banyo para di ako palabas labas ng naka towel lang lalo na't parating may mga bisitang lalaki sa bahay. Kaya silang mga boys na lang ang nag share ng common toilet.
BINABASA MO ANG
Curvy Beauty
ChickLitAng love story na hindi na pagkain ang third party. Heavy Beauty Book Two