LANDON
Nakatingin lang ako kay Maya habang nakaupo siya sa damuhan at hinahaplos ang lapida ng namatay niyang ama. Nasa tabi niya ang anak namin pero ako, nakatayo lang medyo malayo sa kanila. Pinipilit niya akong pumunta sa kanila pero tumanggi ako dahil nahihiya pa akong humarap sa ama niya. Alam ko kasing nasasaksihan ng ama ni Maya ang bawat pagpapahirap ko sa anak niya.
Si Maya ang nag-request na sa sementeryo muna kami pumunta para mabisita niya ang ama niya. Gusto ko nga na hindi na kami umalis sa kinaroroonan namin dahil gusto kong mainip si Veron. Hindi ko alam kung nasaan siya pero nagpaalam siya sa amin ni Maya na may pupuntahan lang siyang puntod.
Ayoko talagang sumama si Veron pero pinilit ako ni Maya. Ayoko naman siyang piliting baguhin ang desisyon niya. Kahit hindi ako komportableng kasama siya, pipilitin ko na lang. Wala naman akong pagpipiliin dahil gusto kong bumawi sa asawa ko. Nagpapasalamat nga ako kay Manong Driver kasi nang dahil sa kaniya, nauntog ako.
"Bakit ayaw mong lumapit sa kanila?" tanong ni Veron. Para siyang kabute na sumulpot sa tabi ko.
"Bakit ba sumama ka pa sa amin?" Humarap ako kay Veron. Gusto ko sanang hawakan nang mahigpit ang braso niya pero hindi ko ginawa dahil baka makita kami ni Maya. "Ano bang rason mo? May binabalak ka ba?"
Hinubad ni Veron ang suot niyang shade at medyo tumawa siya. "Hindi ba puwedeng gusto ko lang maki-join sa inyo."
"Kung may respeto ka pa sa sarili mo, lalayo ka na sa amin ni Maya."
Tumawa ulit si Veron at medyo malakas na iyon. "Hapon na pero bakit mainit pa rin ang ulo? Hayaan mo na lang akong maki-join sa inyo. Para namang wala tayong pinagsamahan."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Veron para magising siya sa kahibangan niya. Tumingin ako kay Maya kaya agad kong binitiwan ang braso ni Veron. Kumaway ako sa asawa ko para maisip niyang ayos lang kami ng babaeng sisira pa yata sa pamilya ko.
"Mahal mo naman si Maya pero bakit pinagtataksilan mo siya?" Hahawakan sana ni Veron ang kamay ko pero agad ko iyong iniwas. "Hindi ba siya magaling sa kama?"
"Isang beses ko lang pinagtaksilan ang asawa ko at hindi na mauulit 'yon," giit ko.
Tumawa si Veron pero agad din siyang tumigil. Medyo nilabas niya ang dila niya at pinaikot iyon sa labi niya. Ilang sandali pa ay medyo kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. "Baka kapag naghubad ako sa harapan mo, harap-harapan mong pagtaksilan ang asawa mo."
Napalunok ako dahil nakita ko sa isip ko ang hubad na katawan ni Veron noong may nangyari sa amin. Medyo lumayo ako sa kaniya dahil aaminin kong nag-init ako. Lalaki ako kaya alam kong madali sa akin na mag-init kapag may babaeng nang-aakit sa akin.
Lumapit sa akin si Veron at talagang gusto niya akong maakit sa kaniya. "Alam ko namang hinahanap-hanap mo ang sarap na pinaranas ko sa iyo."
"Veron, tumigil ka na." Kalmado ako dahil alam ko sa sarili ko na parang gusto ko nang magpadala sa init.
"Baka gusto mong tikman ko ulit 'yan." Sandaling idinampi ni Veron ang palad niya sa harapan ko.
Tiningnan ko si Maya. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi siya nakatingin sa amin. Hindi niya nakita ang ginawa ni Veron. Sigurado ako na kapag nakita niya iyon, puwede niyang isipin na hindi lang kami basta magkakilala ni Veron. Iginala ko rin ang tingin ko sa paligid dahil baka may ibang nakakita sa amin. Nakahinga ako nang maluwag dahil bilang lang din ang tao sa kinaroroonan namin at ang iba sa kanila, nasa malayo pa.
"Saan mo ba gusto, Landon? Mas gagalingan ko pa."
"Tumigil ka na, Veron. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? May pamilya ako at kasalanan 'tong ginagawa mo."
BINABASA MO ANG
Imprisoned Flower
General FictionParang isang sex slave si Maya kung itrato siya ng kaniyang asawa. Madalas din siyang pagbuhatan ng kamay at ang masakit para sa kaniya, ikinahihiya siya nito bilang asawa. Tiniis niya ang lahat ng hirap at sakit alang-alang sa anak niya dahil umaas...