LANDON
"Maya, puwede bang makapag-usap kami ni Ate Gema nang kami lang dalawa?" Dumiretso na agad ako sa loob ng kuwarto ni Ate Gema dahil narinig ko ang pag-uusap nila. Tama ang desisyon kong magpunta sa kuwarto ng kasambahay namin para makausap siya.
Ilang sandali akong tinitigan ni Maya bago siya tumingin ulit kay Ate Gema. "Ano ba 'yong sasabihin mo?"
Iniwas ko ang tingin ko kay Ate Gema dahil tumitig siya sa akin. Nahihiya ako sa kanya dahil nakita niya ang kasalanang nagawa ko. Hindi na ako nagsalita dahil alam kong hindi niya sasabihin ang nasaksihan niya. Kilala ko si Ate Gema at hindi siya nakikialam sa buhay namin ni Maya.
"Pasensya na, Ma'am Maya. Mahaba-haba kasi ang ikukuwento ko kaya baka mainip si Sir Landon dito. Mamaya ko na lang sasabihin pagkatapos naming mag-usap ni Sir."
Palihim akong nagpakawala ng malalim na hininga. Sabi ko na, hindi niya sasabihin ang nakita niya. Kahit na ganoon ang ginawa niya, hindi ako dapat magpakakampante kaya nga pinuntahan ko siya para kausapin siyang ilihim ang nasaksihan niya.
"Maghihintay na lang ako sa baba. Mauna na ako." Ngumiti muna sa akin si Maya bago siya lumabas ng kuwarto. Siya na rin ang nagsara ng pinto.
Ilang sandali rin kaming natahimik ni Ate Gema bago ko siya tabihan sa kinauupuan niya. "Ate Gema, nakikiusap ako sa'yo, ano man 'yong nakita mo sa amin ni Veron, huwag na huwag mong sasabihin kay Maya. Ayokong masira ang pamilya ko."
"Kung hindi mo gustong masira ang pamilya mo, bakit nagawa mo 'yon, Sir Landon?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Ate Gema.
Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Ate Gema. Tinitigan ko siya nang walang bahid ng galit at pagbabanta kundi pagmamakaawa. "Si Veron, siya ang pumilit sa akin. Ayoko naman sana kaya lang, hindi na kinaya ng katawan ko. Pangako ko, hindi na mauulit 'yon kaya sana, ikaw lang ang nakaaalam ng nangyari."
Bumuntunghininga si Ate Gema. "Hindi ko maipapangako kung kailan ko maitatago iyon, Sir Landon. Ayokong sabihin 'to pero kung uulitin mo ulit 'yon, ako na mismo ang magsasabi kay Ma'am Maya na pinagtaksilan mo siya. Wala akong pakialam kahit mawalan ako ng trabaho dahil babae rin ako at niloko rin ako ng dati kong asawa kaya alam kong kapag nalaman 'yon ni Ma'am Maya, sobra s'yang masasaktan. Alam kong pinagbubuhatan mo siya ng kamay noon kaya sana, huwag mo nang saktan pati puso niya."
"Hinding-hindi ko na sasaktan si Maya, Ate Gema. Tama na 'yong sinaktan ko siya noon."
VERON
"Successful ang una kong plano, Della. Dahil d'yan, cheers." Pagkatapos naming mag-cheers ni Della, ininom ko na ang wine. Malapad akong napangiti dahil malinaw kong nakikita sa isip ko kung gaano sarap na sarap si Landon sa ginawa kong pag-massage sa mga hita niya at higit sa lahat, sa nakaumbok sa short niya.
"Sabi ko naman sa'yo, maganda ang naisip kong plano," sabi ng gagang si Della at humalakhak siya ng tawa na parang siya ang nagtagumpay.
Binuhos ko sa mukha ni Della ang kaunting wine na natira sa wine glass na hawak ko. "Huwag kang pilingera, ako ang nakaisip ng planong ginawa ko kanina."
Tinaasan lang ako ng kilay ng gaga at nagpatuloy pa siya sa paghalakhak habang nakataas ang hawak niyang wine glass. Hindi ko na siya pinahinto sa ginagawa niya. Mas mabuti na iyon dahil may kasama akong mag-celebrate sa tagumpay ko.
"Ano naman ang susunod mong plano, Veron?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Della. Nakatitig lang ako sa wine glass habang iniisip ko kung paano ko nagawang mapabigay si Landon. Alam kong sa mga oras na 'to, iniisip ng gagong iyon ang bawat pag-massage ko sa mga hita niya lalo na sa ari niyang nakatago sa suot niyang short. Paniguradong nag-iinit iyon. Pa-choosy pa siya. Iyon pala, gusto rin niyang romansahin ko siya. May nalalaman pang ayaw niyang masira ang pamilya niya.
Well, aaminin kong natakot ako dahil nakita kami ng kasambahay nila pero sure na sure akong hindi naman hahayaan ni Landon na magsumbong ang babaeng 'yon. Akala rin siguro niya, hindi na iyon mauulit. Hindi niya alam, nagsisimula pa lang ako dahil sisiguraduhin kong siya na mismo ang tatawag sa akin para makaraos siya. Gagawin ko rin ang lahat para mahulog siya sa akin at kapag nangyari iyon, alam kong ipagpapalit niya ang asawa niya para sa akin. Kapag nangyari iyon, nakaganti na ako sa bruhang Maya na iyon.
"Alam ko kung ano 'yong iniisip mo?"
Natauhan lang ako dahil narinig ko ang boses ni Della. Tiningnan ko siya habang nakataas ang kilay ko dahil wala na talagang ginawang maganda ang gaga kundi istorbuhin ako. "Iniisip ko kung ano naman ang susunod kong gagawin."
"Naku, huwag mo akong lokohin, Veron. Sa lapad ng ngiti mo, for sure nagustuhan mo rin 'yong paghimas mo sa alaga ni Landon. Tama ako 'no?" Malapad na ngumiti ang gaga at mahina niya akong hinampas. "Baka nga nangangati na 'yang kamay mo at gusto mo ulit himasin 'yon."
"Gaga! Alam mo, para naman may maitulong ka sa buhay ko, tulungan mo ako kung ano ang susunod kong gagawin para masolo ko si Landon sa bahay nila."
"Alam ko na!" bulalas ng gaga at tumabi siya sa akin. "Ano kaya kung patayin mo si Maya at 'yong kasambahay nila."
"Hindi ako nakikipagbiruan. Umayos ka kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng bahay ko."
"Kapag kinaladkad mo ako, promise ko, hindi na kita pupuntahan dito." Inirapan ako ng gaga. "Pasalamat ka nga, pinupuntahan pa kita rito para kahit papaano, hindi ka mag-isa rito sa bahay mo. Kailan ba kasi uuwi si Benedix? Para naman hindi ka na mag-isa rito."
Bigla na lang akong nagpakawala ng malalim na hininga dahil nakaramdam ako ng lungkot. Bigla ko tuloy na-miss ang kapatid kong nasa New York. Kung hindi lang na-broken-hearted 'yon, magkasama kami. Ewan ko ba sa taong iyon kung bakit mas piniling mag-move on sa ibang bansa.
"Baka naman doon na titira 'yong kapatid mo."
"Gaga, nakausap ko pa siya no'ng nakaraan. Sabi n'ya, uuwi na lang siya rito kapag okay na s'ya."
Nakangiwing umiling-iling si Della. "Sabi ko naman kasi sa'yo, ako na lang ang ireto mo sa kapatid mo. Sana, hindi siya na-broken-hearted."
"In your dreams! Hindi kayo bagay ni Benedix." Inirapan ko ang gaga. Gusto ko ngang batuhin ng wine glass nang matauhan sa kahibangan.
"Bagay naman kami ah. Guwapo 'yong kapatid mo, maganda ako. Hindi nga lang ako maputi at chinita 'di tulad ng kapatid mo." Tumayo ang gaga at kinuha ang picture ng kapatid ko na nakapatong sa mesa. "Kung ako talaga ang naging girlfriend mo, hinding-hindi kita sasaktan. Ang tanga talaga ng naging girlfriend mo. Ano kayang sumapi sa babaeng 'yon at pinagpalit ka. Magkapatid nga talaga kayo ni Veron."
Gusto kong ibato kay Della ang wine glass dahil sa inis. Gusto kasing palabasin ng gaga na pareho kaming iniwan ng taong minahal namin. Kung tutuusin, tama naman ang gaga. Ang mali lang talaga namin, nagmahal kami ng maling tao.
"May naisip na akong plano kung ano ang dapat mong gawin para makuha mo ang loob ni Landon, Veron."
Napatingin ako kay Della dahil interesado akong marinig kung anong plano ang naisip niya. "Ano 'yon? Baka naman palpak 'yan?"
"Huwag mo kasing pangunahan." Tumabi sa akin si Della at malapad siyang ngumiti. "Nasabi mo sa akin na nabanggit sa'yo ni Maya kanina na may dalawa siyang io-organize na party."
"Dapat ba akong magsaya dahil dalawa ang io-organize niya?" Nakataas ang kilay na sabi ko. Dapat pa nga akong mainis dahil dalawang blessing ang dumating sa bruhang babaeng iyon.
Sandaling humalakhak si Della. "Dapat ka talagang magsaya dahil pagkakataon mo na iyon para makuha mo ang loob ni Landon, Veron."
"Puwede ba, sabihin mo na 'yong gusto mong sabihin. Huwag ka nang magpasikut-sikot." Nanggigigil talaga ako sa gagang 'to. Kung hindi lang talaga ako interesado sa sasabihin niya, nag-walk out na ako.
"Makinig ka sa akin, Veron. Basta, sundin mo lahat ng sasabihin ko. For sure, iyon ang magiging simula para gumaan ang loob sa'yo ni Landon."
BINABASA MO ANG
Imprisoned Flower
Ficción GeneralParang isang sex slave si Maya kung itrato siya ng kaniyang asawa. Madalas din siyang pagbuhatan ng kamay at ang masakit para sa kaniya, ikinahihiya siya nito bilang asawa. Tiniis niya ang lahat ng hirap at sakit alang-alang sa anak niya dahil umaas...