Kabanata 8

138 9 0
                                    

LANDON


Nagising ako dahil naramdaman ko ang malakas na pagsampal sa pisngi ko. Napaupo ako dahil matalim ang tingin sa akin ni Veron. Parang kaya niya akong patayin sa pamamagitan ng tingin niya dahil parang mas matalim pa iyon sa kutsilyo. Wala akong ideya kung bakit niya ako sinampal at kung bakit nakatitig siya sa akin nang masama. Hindi naman siya lasing nang may mangyari sa amin at higit sa lahat, ginusto naman niya iyon. Nasarapan pa nga siya kaya nakailang rounds din kami kaya imposibleng dahil iyon sa nangyari sa aming dalawa.

"Sino ang babae at bata na 'to?" Hinagis ni Veron sa mukha ko ang picture na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Kinuha ko ang picture at tiningnan ko iyon. Napabuntong-hininga na lang ako dahil si Maya ang babae roon at si Ella ang bata. Nakagupit ang mukha ni Maya sa picture kaya hindi niya nakita kung ano ang itsura ng asawa ko. Hindi ko na maalala kung kailan ko iyon ginawa basta ang alam ko, ginawa ko iyon dahil sa sobrang inis ko sa kaniya.

"Huwag mong sabihing asawa at anak mo sila?"

Tiningnan ko si Veron at malalim akong bumuntong-hininga. "Tama ka, mag-ina ko sila."

"Gago ka!" Malakas akong sinampal ni Veron. Hindi pa siya nakuntento dahil sinampal ulit niya ako sa kabila kong pisngi. "Gagawin mo pa akong kabit! Bakit hindi mo sinabing may pamilya ka na pala?"

Nakangisi akong napailing. "Nagtanong ka ba?"

"Ang sabi sa akin ng kasama mo, single ka!" Muli akong sinampal ni Veron. Galit na galit siya. Para ngang may lalabas na usok sa magkabila niyang tainga.

"Bakit hindi mo klinaro sa akin?" Napangiti pa ako kahit galit na galit siya sa akin. Natatawa na lang kasi talaga ako dahil parang kanina lang, sarap na sarap siya sa nangyari sa amin. "Huwag kang mag-alala, hindi naman 'to makararating sa asawa ko. Huwag mo nang alalahanin 'yon dahil ang importante, nasarapan tayong dalawa."

"Gago! Paano mo nasasabi 'yan? Hindi ka man lang ba nakararamdam ng konsensya?" Pagkatapos akong sampalin ulit ni Veron ay lumayo siya sa akin. "May pamilya ka. Bakit nagawa mo 'to?"

"Wala kang alam tungkol sa akin." Tumayo na ako at hahawakan ko sana ang kamay niya pero muli siyang lumayo sa akin.

"Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin dahil kapag nangyari 'yon, ako mismo ang magsasabi sa asawa mo na niloloko mo siya!"

Lumabas na si Veron. Napailing na lang ako dahil sa ginawa niyang pagsampal sa akin. Siya lang ang nakasampal sa akin nang maraming beses. Hindi naman ako galit dahil katunayan, natatawa na nga lang ako sa kaniya. Para kasing hindi niya ako minura kagabi dahil sa sarap ng pagkain at pagbayo ko sa kaniya.

Bigla akong nakaramdam ng init dahil parang naramdaman ko ulit ang mainit na bibig ni Veron at ang pagdila niya sa batuta ko. Grabe, mas magaling ang ginawa niya kumpara kay Maya. Siya lang ang nakagawa niyon sa akin. Marami-rami na rin siguro kaming pinapunta niya sa langit.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawala sa sarili bago ako umalis ng hotel. Hiniram ng barkada ko ang kotse ko dahil nauna siyang umuwi kagabi. Reward ko na raw iyon sa kaniya dahil hinanap niya ako ng babaeng makaka-one-night stand ko. Tiwala naman ako sa mokong na iyon dahil ilang beses na niyang hiniram ang kotse ko. Wala akong choice kundi sumakay ng taxi.

Nakasandal lang ang ulo ko sa bintana ng taxi dahil inaantok pa ako. Alas-dos pa lang kasi ng madaling-araw kaya gusto pang pumikit ng mga mata ko. Pinipigilan ko lang dahil ayokong makatulog sa loob ng taxi. Baka nakawan pa ako ng driver ng sinasakyan ko.

"May asawa ka?" tanong sa akin ni Manong Driver.

Umayos ako ng upo dahil hindi ko nagustuhan ang tanong sa akin ni Manong. Medyo malaki ang braso ng lalaki at may bigote rin siya kaya hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko na baka bakla siya. Ang lakas naman kasi ng loob niya na tanungin ako kung may asawa na ba ako. Mukhang may balak pa siguro sa akin ang mokong na singkuwenta na yata ang edad.

Imprisoned FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon