Prologue

311 15 4
                                    

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil nakita ng dalawa kong mata na nakapatong si Landon sa isang babae. Kapwa hubo't hubad silang dalawa habang ginagawa ang kababuyan nila. Kitang-kita ko na sa bawat pagbayo ng asawa ko ay siya namang pagtirik ng mga mata ng kasiping niya.

Para akong isang rebulto na nakatayo sa harapan ng dalawang taong sumasaksak sa puso ko. Gusto kong sumigaw pero parang barado ang lalamunan ko at gusto ko rin silang sugurin ngunit hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko na parang nakapako ang mga iyon. Alam kong parang nawala ang lakas ko dahil hindi ko akalaing magagawa iyon sa akin ni Landon.

"Bilisan mo pa, Landon. Malapit na ako," kagat-dilang sabi ng kasiping ni Landon habang nakatingin siya sa akin.

Gusto kong sabunutan ang babaeng kasiping ni Landon dahil hindi man lang siya nahiya na nasasaksihan ko ang kababuyan nilang dalawa pero wala talaga akong lakas na igalaw ang katawan ko. Hindi ko alam kung gaano kakapal ang mukha niya kung bakit hindi man lang siya natarantang magbihis gayon ay nakita niya ang pagpasok ko. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na sinadya niyang buksan ang pinto para makita ko ang kababuyang ginagawa nila.

Hindi ko rin alam ang dahilan ng kasiping ng asawa ko kung bakit nagawa niya iyon sa akin. Alam kong napatawad na niya ako. Sa kabila ng kabutihang ipinakita ko sa kaniya, ganito pa ang gagawin niya.

"Sabihin mo, sino ang magaling at masarap sa aming dalawa ng asawa mo. Ako ba o siya?" tanong ng kasiping ni Landon habang nakatingin pa rin siya sa akin. Tila nga babaon na ang kuko ng walang hiyang babae sa likod ng asawa ko.

"Tinatanong pa ba 'yan. Mas masarap at magaling ka kaysa sa asawa ko," tugon ni Landon habang patuloy siya sa pagbayo. "Kaya nga binabalik-balikan kita."

Tuluyan na akong napahagulhol ng iyak dahil parang sinampal ako ng mga sinabi ni Landon. Sinikap kong hindi makalikha ng ingay habang umiiyak ako dahil parang ako pa itong walang mukhang maihaharap sa asawa ko. Kahit gusto ko siyang saktan pero hindi ko talaga magawa. Nahihiya ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung saan ako nagkulang para magawa niya iyon sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para tumalikod. Pinilit kong lumakad kahit nangangatog ang mga tuhod ko. Habang naglalakad ako palabas ay naririnig ko ang malakas na ungol ng babaeng kasiping ni Landon. Hindi ko alam kung anong klaseng babae siya na parang walang nananalantay na kahihiyan sa pagkatao niya.

Napasandal na lang ako sa pader habang humahagulhol ng iyak dahil masakit para sa akin ang nakita at mga narinig ko. Pakiramdam ko nga ay durog na ang puso ko dahil hindi ko na maramdaman ang pagtibok niyon. Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko kung bakit nagawa iyon ni Landon. Lahat naman ginawa ko para maging mabuting asawa pero hindi ko alam na kulang pa pala iyon.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ng asawa mo?"

Agad akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng babae. Kahit siguro lumipas ang napakaraming taon ay hinding-hindi ko makalilimutan ang boses niya dahil siya lang naman ang babaeng gusto kong patayin dahil sa ginawa niya. Gusto ko ngang sabuyan ng asido ang mukha niya para naman matunaw ang makapal niyang mukha.

"Alam kong gusto mo akong saktan dahil sa sinabi ng asawa mo pero ano'ng magagawa ko, totoo naman kasing mas magaling at masarap ako." Bahagya niyang inayos ang tuwalyang tumatakip sa katawan niya at ngumisi ang bruhang babae. "Infairness kasi masarap din ang asawa mo. Masuwerte ka kasi may asawa kang masarap."

"Hayop ka!" Akmang sasampalin ko siya kaya lang mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"Alam mo, dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil ipinaalam ko sa iyong matagal ka nang iniiputan sa ulo ng asawa mo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kaya ka rin siguro pinagpalit ng asawa mo dahil mahina ang utak mo. Hindi pa ba obvious na matagal na kaming may relasyon?" Ngumiti ang babae na ipinagtaka ko. "Alam ko naman na gusto mong hiwalayan ko ang asawa mo. Gagawin ko lang 'yon pero sa isang kondisyon."

"Kahit ano pa 'yon gagawin ko, hiwalayan mo lang ang asawa ko."

Imprisoned FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon