3

13.9K 445 328
                                    

--

I woke up in the hospital and beside me there's Allysa, she's sleeping on the couch. "Bakla" I called her, but she didn't respond. "Pst! Allysa!" I called her second time but she just scrunched her nose. sa ikatlong pagkakataon ay binato ko siya ng unan dahilan para mapabalikwas siya ng bangon.

"Anak ka nang Nanay mo! bakit?!" gulat niyang aniya, at biglang nagulat na lumapit sa akin. pagkalapit niya ay umaacting siya na tila napagsakluban ng langit at lupa. "Anong nangyari sa'yo teh? naging Cum laude ka lang na ospital ka na?" aniya.

"N-Nasaan siya?" tanong ko.

"Huh? sinong siya?" taka niyang tanong.

"Y-Yung lalaki" sagot ko. lumingon siya sa paligid.

"Gaga ka kinikilabutan ako sa'yo eh, hindi ka naman daw nabagok pero mukhang may iba kang nakikita!" sambit ni Ally. Nasaan na siya?

"W-Wala, kailangan kong magpa Salamat sa kaniya" pilit kong usal at akmang tatayo.

"Sino ba kasi?!" tanong ni Ally.

"I don't know his name" sagot ko.

"Tanong natin kay Doc malay natin kilala niya hinahanap mo wait" aalis sana si Ally pero hinawakan ko ang braso niya.

"Sinong nagdala sa akin dito?"tanong ko.

"Ah ayun, sabi ni Doc lalaki raw yun pero hindi sinabi yung name. ayun ba hinahanap mo?" aniya at tumango ako. "Yung crush mo ba yon?" tanong niya ulit at nakatulala akong tumango. "Kaya pala siya ang unang hinanap pagkagising!" nang-aasar ang tinig at tingin niya. "Bakla, para sabihin ko sa'yo dalawang araw ka na rito okay? masyado kang pagodabels nako! tinawagan nalang ako ng Ospital nung dinala ka rito eh," kwento niya.

"Wala na kong trabaho Ally" usal ko.

"Hahaha same!" sarkastikong sagot niya.

"B-Bakit? hindi ka naman tinanggal diba?" baling ko sa kaniya.

"Di mo sure!" pa-suspense niyang usal na naniningkit pa ang mga mata. "Ito na nga chika ko na, sinugod ko si Weng sa resto at inaway away ko lang naman 'no!" kwento niya.

"H-Ha?! bakit mo ginawa yon?" tanong ko.

"Gaga ka alam ko ang ginawa sa'yo non kaya huwag kang ano dyan! hayaan mo na atleast napaiyak ko siya hehe" aniya at bumuntong hininga nalang ako. "Tatawagin ko lang si Doc wait" paalam niya at lumabas.

Humiga ulit ako at nag-isip. ano kayang pangalan niya? magkikita kaya ulit kami ngayong wala na ako sa resto?

"Doc ayan na siya!" ang bilis ni Ally.

"How do you feel Ms. Hudson?" tanong ng Doctor.

"O-Okay na po ako Doc, s-sino ang nagdala sa akin dito?" tanong ko.

"Ayaw niyang ipaalam ang pangalan niya but, no worries bayad na lahat ng bills mo Ms. Hudson" sagot ng Doktor.

"P-Pwede na po ba akong lumabas Doc?" tanong ko.

"Yes Ms. Hudson, mamayang gabi ay pwede kang umuwi pero inumin mo muna yung gamot mo maliwanag?" aniya at tumango ako.

Chineck niya pa ang kung ano ano hanggang sa lumabas. hanggang sa makauwi kami kinagabihan ay nasa isip ko ang lalaking iyon, ano kaya ang pangalan niya?

Nang makatulog si Ally ay tumambay muna ako sa Veranda ng unit at tumingin sa langit.

I hope we're looking at the same skies, gazing through the same stars and smiling at the same moon.

I'm very thankful that he saw me that night, sana ay hindi nalang ako nawalan ng malay para matanong ko kung anong pangalan niya.

Kinabukasan ay nagising ako sa bango ng niluluto ni Ally pero pag punta ko sa kusina ay hindi pala si Allysa ang nagluluto kundi si Tita Alice ang Mommy niya.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon