29

12.7K 352 587
                                    

--

Ilang araw ang lumipas at ganoon ang lagi naming gawi. tabi kaming matutulog, maagang gigising at magtatrabaho, uuwi, minsan ay nakikipag kuwentuhan ako kay Simon at nakanta kami pero kadalasan ay diretso tulog na ako dahil inaantok na.

Ngayong 4 P.M ang nakatakdang panunumpa ni Sandro bilang Congressman at papunta na raw dito sila Tita Liza, Tito Bong at Madam Imelda upang magbigay ng suporta sa anak at apo. inadjust ang oras ng oath taking dahil may kailangan pang daluhan ang first couple na mga meetings.

"Wait, let me fix your barong" usal ko nang makitang hindi ganoon kaayos ang likuran ni Sandro. "Ayan okay na" sambit ko pa. nakita ko naman si Simon na hindi maayos ang barong kaya inayos ko rin iyon.

"Thank You, Lallaina" tugon niya at ngumiti ako rito. normal na ang tratuhan ng magkapatid hindi na sila nagbabangayan at hindi na ako pinagbabawalan ni Sandro, dahil alam kong walang gusto sa akin si Simon at pilit ko iyong sinasabi sa kaniya pero hindi daw siya naniniwala...pero...bahala na!

Today I'm wearing a simple modern filipiniana dress linen, ang lakas maka Mayora ng datingan. mas pinili ko ito kaysa sa mga disenyo na ipinapakita ng mga designers ni Tita Liza na siyang pinapunta niya rito upang gawan kami ng mga magagandang kasuotan. maya maya ay dumating na nga sila.

"Hello Everyone!" si Tita Liza nang makapasok sa bahay. ako ang unang niyakap nito, bumeso rin kami sa isa't isa. "I missed you hija!" aniya.

"I missed you too, Tita" tugon ko.

"Balita ko napaka busy niyo daw nito ni Sandro these past few weeks?" tanong niya.

"Opo, pero...worth it naman po lahat, lahat" sagot ko, matapos namin magbatian ay agad akong nakipag beso kay Tito Bong.

"Hello Laine! namiss ko kayo, kumusta?" tanong niya.

"Namiss ko rin kayo ni Tita, President...okay lang po kami dito, medyo busy lang kami pero okay na okay lang" sagot ko.

"Mabuti yan at nag eenjoy kayo sa ginagawa ninyo. kami heto, busy rin kaso hindi namin pwedeng palagpasin ang ganap na 'to dahil unang beses lang ito na mangyayari" aniya.

"Nakaka proud po ano?" tugon ko habang nakatingin kay Sandro na may kausap na staffs.

"Sobra, bilang isang ama at sinusundan ng anak ko ang aking yapak eh...talaga namang nakaka proud" sambit niya pa, at bumaling sa mga anak. parang ako tuloy ang anak nila dahil ako ang unang binabati at parang mas nag-aalala sila sa akin kaysa mga anak nila.

"Kumusta Congressman?" tanong ko nang makalapit kay Sandro. kakatapos lang niya kumausap.

"Okay lang Mayora" tugon niya at natawa ako.

"Talaga bang mukha akong Mayora?" tanong ko.

"Oo pero, ikaw yung pinaka maganda" aniya.

"Ewan ko sa'yo, nasaan sina M-Mama Meldy?" tanong ko.

"She's on her way here, with Tita Imee" sagot niya. we took a picture at napansin ko na sa lahat ng pictures namin ay may pose kaming pinipisil niya ang pisngi ko. ewan ko ba, paboritong paborito niya na gawain yon.

Nang dumating ang oras ng pag-alis ay agad na kaming sumakay sa sasakyan, bukod ang sasakyan nila Tito at Tita pati ni Simon sa sasakyan namin ni Sandro. habang nasa biyahe kami ay sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Kinakabahan ka?" I asked.

"No, I'm just excited and...I can't explain what I feel" sagot niya.

"Syempre naman, isa 'to sa milestones mo sa buong buhay mo at isa ako sa mga saksi kung gaano mo kagusto na magsilbi sa mga tao" tugon ko, he smiled. "I got your back Sandro...proud na proud ako sa'yo" sambit ko pa hinalikan niya ako sa pisngi dahilan para ngumiti ang driver niya, medyo nahiya tuloy ako.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon