53

9.1K 298 720
                                    

--

After the dinner party ay pagod kaming umuwi lahat. before going home, they comfort us...they gave us a lot of advice pero hindi non mababago ang katotohanan na aalis na ako dito, na iiwanan ko na sila.

I am currently removing my make up bago maligo at si Sandro naman ay nauna nang maligo. after removing my make up ay inayos ko ang damit namin, pinipigilan kong maiyak dahil kaninang kanina pa tulo ng tulo ang luha ko. mabilis namang natapos si Sandro at ako na ang sumunod, many thoughts are going to my brain.

Based on their advices, sinabi nila na Always choose the best for yourself... so I am choosing to leave. I think that's the very best way to cope with this problem. mugtong mugto ang mga mata namin pareho kaya't nang mahiga ako sa kama ay agad ko siyang niyakap, nagulat siya sa inakto ko kaya't dahan dahan siyang tumugon.

"I Love You" bulong ko.

"I Love You most" tugon niya. "Y-Your not leaving me right?" he asked at nangilid nanaman ang luha sa mga mata ko, kaya't sumiksik ako sa leeg niya.

"N-No...let's sleep na" usal ko.

"Is it too hard to say it Laine?" aniya.

"Let's sleep, pagod tayo sa byahe" tugon ko. I'm still hugging him because it is the last time that I will hug my babe, my love, my clarity.

"Why can't you say it?" aniya, at bumuntong hininga ako.

"I wont...I-I wont leave you" tugon ko at hinalikan niya ako sa noo.

"Okay let's sleep" aniya at humiwalay na ako sa yakap. nakatagilid kami habang magkaharap ngayon sa higaan at agad kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya upang halikan siya. it was a deep and passionate kiss...the painful kiss...and the last kiss before I leave.

"Good Night" usal ko matapos at tumalikod na upang doon tuluyang maluha. why is this so hard to leave? ang daling magplano at ang daling mag desisyon pero sobrang hirap gawin. sobra...I spent an hour crying beside Sandro. I was looking straight to him while sleeping...

"Mahal na mahal kita pero...kailangan muna nating lumaya" usal ko bago tumayo at mag-impake. buo na ang desisyon ko, kada kilos ay siyang tulo ng luha ko at kada punas ay siyang pagsakit ng puso ko. Hindi ko gagawin 'to kung ayos tayo Sandro, lalo na't buntis ako.

Nang makapag impake na ay nagpalit ako ng damit. I decided to wear a purple lettuce top paired with black pants, patuloy ang pagtulo ng luha ko habang ipinapatong ang resignation letter sa side table ni Sandro.

Nag-iwan rin ako ng huling mensahe para sa kaniya kasama ng resignation letter. puro ito paalala ang pag-papaalala na wala akong mamahalin na iba habang buhay. siya lang...pero kailangan naming iwanan ang isa't isa...sobrang sakit...

I look around here on his room, nag flash lahat ng memories namin sa isa't isa. our first kiss, first sleep together...first everything together. my clarity...I'm leaving, my clarity.

"Mahal na mahal kita, aalagaan ko ang anak natin huwag kang mag-alala. hindi ko ipapadanas ang hirap sa kaniya Sandro, kahit wala ka...ingatan mo ang sarili mo babe, mahal na mahal na mahal na mahal kita" huling sambit ko bago siya halikan sa noo at lumabas ng kwarto bitbit ang maleta.

Mabibigat ang bawat hakbang ko at iniisip ang mararamdaman nilang lahat. alam kong hindi nila ako papayagang umalis kung daanin ko iyon sa maayos na usapan kaya't mas ayos na ngang ganito. I need to be strong, not only for me but also for my baby. thank you for everything Marcos Family...I'll treasure everything...Forever...

Dahan dahan akong lumabas at sinalisihan ng mga Security na nakabantay sa bahay nila. dahil nga probinsya ito at ito'y isang barrio ay mahirap maghanap ng masasakyan patungong bayan.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon