41

9.8K 331 464
                                    

---

Instead of crying I just checked my laptop at tinignan ang schedule at gmails ni Sandro, wala pa naman sa isang araw pa at naligo nalang ako ng hapon na iyon. I don't know what to do, nagawa ko na ang mga kailangang gawin sa bahay at plano kong matulog sa kabilang kwarto mamaya o di kaya dito na lang sa couch.

Kasalukuyang akong nagsusuklay nang may humalik sa pisngi ko. pilit niyang isinisiksik ang ulo sa leeg ko pero hindi ko gusto iyon kaya't bumuntong hininga ako.

"I missed you Laine" bulong niya.

"S-Sandro hindi ako makapag suklay" tugon ko.

"Sa baba na ako naligo, naliligo ka pala dito sa room" aniya pero hindi ko siya pinansin. "Hindi mo ba ako namiss?" tanong niya at parang may bumara sa lalamunan ko.

"U-Uh, s-sige na magbihis ka na" sambit ko, twalya lang ang suot niya sa ibaba at amoy na amoy pa ang sabon sa kaniya. pilit kong inalis ang kamay niya at nagtagumpay naman ako.

Lumabas ako ng kwarto upang magpahangin. masyadong mahirap sa akin na itanggi na hindi ko siya namimiss, dahil ang katotohanan ay parang ilang taon ang ilang araw niyang pananatili sa London.

"Everything's going to be fine" I whispered to myself.

Bumalik lang ako sa kwarto nang magtungo na si Sandro sa office niya, oo may office siya dito sa kabilang kwarto. I stayed here in the veranda at nakatulala lang ako sa kulay kahel na kalangitan. It's 5:45 P.M at ang ganda ng langit...hindi ko tuloy namamalayan na nakatulog na pala ako dito.

Zzzz....Zzzz...Zzzz....Zzzz....Zzzz...

Pagmulat ng mata ko ay inaasahan kong siya ang bubungad pero hindi. ang magandang buwan at bituin ang una kong nasilayan...sabagay isa ka namang bituin...sa sobrang taas mo, sobrang hirap mo rin abutin.

I just sighed at pumasok na sa loob ng kwarto, malamig na kasi. where is he? I checked his office pero wala siya roon, nakakalat ang mga papeles at libro kaya't inayos ko muna iyon. pinatay ko rin ang computer dahil sayang ang kuryente!

Pagbaba ko ay nagulat ako nang makitang nagluluto si Sandro. aakyat na sana ulit ako nang. "Laine, you're awake...let's eat" pang-aaya niya. "It's almost done na, wait lang" sambit niya. "Laine" tawag niya ulit, dahilan para pilit akong lumingon at magtungo sa kusina. "Just sit down and I will prepare our dinner" sambit niya at naupo nalang ako roon.

Gustong gusto ko siyang tanungin kung ano ang niluluto niya pero mas pinili kong mag cellphone nalang, gusto ko ring tanungin kung anong ginawa niya sa London, kung nag enjoy ba siya o hindi at kung nakapag pahinga siya ng ayos o hindi. Miss na miss ko na si Sandro, gusto ko siyang yakapin ngayon pero hindi ko magawa.

"Hope you'll like my adobo" sambit niya at hinainan ako.

"T-Thank you" tugon ko. habang nakain kami ay nakikinig lang ako sa kwento niya kung paano niya niluto ang adobo.

"How it taste like?" he asked.

"M-Masarap" tugon ko.

"I told you, nanonood kasi ako kapag nagluluto ka kaya nasusundan ko yung steps mo" usal niya at tumango nalang ako. he insisted to wash the dishes, at ako naman ay nagpunas nalang ng mesa.

Sabay na kaming umakyat, nakikinig lang ako sa kwento niya pero hindi pa siya nagkukwento tungkol sa London. "Tomorrow, do you want to go to the Palace?" tanong niya at tumango ako. "Alright, we'll go there" sambit niya. nauna siyang maghilamos dahil kinausap ko pa si Mama, masaya ako dahil nakatawag siya ngayon!

"Mama next year uuwi ka na po diba?" tanong ko.

"Uh..." she coughed. "O-Oo anak, uuwi na ako next year" sagot niya at talaga namang umapaw ang tuwa sa dibdib ko.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon