21

13.9K 382 335
                                    

---

GOOD MORNING LONDON!!! nagising ako na nakayakap sa akin si Sandro, kaya talaga namang napakaganda ng gising ko. naghilamos at nag toothbrush muna ako bago magtungo sa kusina upang magluto.

Nagluto lang ako ng Sopas, ngunit habang nagluluto ako ay bumaba na si Sandro. he hug me from the back. "Ang ganda mo" ayan nanaman siya. "Good Morning, what's that?" tanong niya ng humiwalay sa akin dahil tinapik ko ang kamay niya.

"Sopas, alam mo ba 'to?" tanong ko.

"Uh, yeah. ang tagal ko nang nakakain niyan" sambit niya.

"Sige na umupo ka na don, hahainan na kita" sambit ko. umupo siya, at nagsandok na ako ng para sa amin. "Careful, mainit" paalala ko.

"This was the very best sopas in the whole world!" sambit niya nang sumubo na ng isang kutsara. papikit pikit pa.

Ang saya ko lang sa tuwing na aappreciate ni Sandro lahat ng ginagawa ko, especially tuwing pinaglulutuan ko siya. nang matapos kami kumain ay ako ang naghugas ng sa akin at pinaglutuan at siya naman ang naghugas ng kaniya.

Dahil mamayang gabi pa ang party ay naisipan kong maglinis muna ng bahay nila.

"Babe may care taker naman, they will clean this if I call them" usal niya habang nagva vacuum ako. wala kasing walis dito!

"Kung kaya kong gawin Sandro, bakit ko ipapagawa sa iba" tugon ko.

He sighed. "Okay, I'll never win this conversation." sambit niya.

"You wanna help?" I asked.

"Yeah" tugon niya.

"Wipe the windows" turo ko sa bintana.

"What?" sambit niya.

"Edi ako na sa bintana ikaw na mag vacuum" tugon ko, at iniabot ang vacuum sa kaniya.

Kumuha ako ng malinis na basahan sa stock room nila at pinunasan ang bintana. puro glass ang bahay nila kaya pinunasan ko iyon, gumamit ako ng hagdan upang punasan ang matataas na bahagi ng salamin.

"Careful" sambit niya habang nakahawak sa hagdan. nang matapos ang pagpunas ay nag mop naman ako ng sahig.

I also taught Sandro how to do that at dahil fast learner siya ay natutunan niya kaagad.

"What's next?" tanong niya, nagtungo naman ako sa Garden nila at sumunod siya. "Don't tell me--" hindi ko na siya pinatapos at diniligan ko na ang halaman nila, may hose naman doon kaya mabilis lang. "Lallaina may gardener kami" sambit ko.

"Kaya ko namang gawin, sa akin mo nalang ipagawa kawawa naman sila" tugon ko. tinuruan ko rin siya ng tamang pagdidilig at heto nauwi kami sa basaan. tuwang tuwa lang kami dahil pakiramdam ko ay solo namin ang mundo.

"L-Laine..." natigilan siya bigla.

"What?"natatawa kong sambit.

"You need to change" sambit niya at tinignan ko ang damit ko. shit! dali dali akong naligo at nagpalit ng Sando at Dolphin shorts pa rin. I saw Sandro na naliligo sa Garden gamit ang hose. damn! he's so hot. I bit my lower lip when I saw him. parang nag slow mo ang lahat sa akin, sa bawat pag iling niya ay tumatalsik ang mga tubig mula sa buhok niya at tumutulo sa Dad bod niya. oo, wala siyang abs pero ang hot tignan ng Daddy body niya.

Umakto akong walang nakita nang lumingon ito sa akin. "I see you lurking!" natatawang sigaw niya with his british accent at sumiring ako dito.

"Bilisan mo malamig diyan!" sigaw ko.

"Alright!" tugon niya. inabutan ko siya ng towel nang matapos siya. habang naliligo siya ay naghanda na ako ng tanghalian, I cooked Sinigang na Hipon at of course sinerve ko agad bago siya makababa.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon