74

11K 507 929
                                    


---

After namin kumain ng almusal ay ako ang nagpasyang maghugas ng mga pinagkainan. si Allysa ay nasa kwarto niya at nagbibihis, mag gogrocery siguro? o mamamalengke?

"Bakla wala ka namang work today eh 'no? mamamalengke lang ako" nagpaalam si Ally.

"Oh sige, ingat ka. bumili ka ng maraming gulay ah para hindi puro karne ulam natin" usal ko habang naglilinis ng bahay. si Lexia naman ay tinutulungan ako sa pag-aayos niya ng mga laruan niyang nakakalat.

"Oo tapos diretso grocery na din ako, ito pa din naman 'no? yung nasa list natin nung nakaraan?" tanong niya.

"Oo, ayan pa din. dagdagan mo lang ng mga ingredients sa pag bake" sambit ko,at nilista niya.

"Sige na, babush! linis well" aniya at lumabas. hindi na siya nakapagpaalam kay Lexia dahil abala ang bata sa kwarto.

"Anak, what are you doing?" I asked na para bang hindi pa alam ang ginagawa ng anak.

"I'm cleaning po!" sagot niya. "How about you, mommy?" she asked.

"Cleaning din po!" sagot ko at naglampaso ng sahig. kumakanta ako habang naglilinis dahil ewan ko ba, feel ko lang ang moment.

"I'll put my jigsaw puzzle here mommy, inside the cabinet since I didn't use it na" usal niya bigla.

"Okay po" tugon ko. matapos maglampaso ay nilinis ko ang bawat bintana, at nag agiw pa.

"Oh my slimey's, they need to be here cause they are my new favorites" masaya niyang aniya. napaka organize ng anak ko! ito ata ang namana niya sa akin, ngunit ang kaartehan ay sa tatay.

She's also singing while cleaning and organizing her stuffs. napaka bait! gusto laging tulungan ang mommy, kahit napakaliit pa ng mga biyas at bisig niya. "Anak, your dolls. can you put them inside the box?" sambit ko.

"Okay, mommy" tugon niya at inayos ang mga Barbie dolls niya. gustong gusto niya na wala akong pasok para makapag bonding kami, ganito ang bonding para sa kaniya. gusto niya lang na nakikita niya ako maghapon dahil masaya daw siya kapag ganoon. pero wala akong magagawa dahil kailangan kong kumayod para sa kaniya at para sa akin.

Kaya ko naman siyang buhayin mag-isa sa totoo lang, pero ang pagmamahal mula sa isang ama ay iba pa rin. lalo na't hinahanap hanap niya na iyon ngayon, natatandaan ko pa nga nung nasa edad niya ako ay grabe rin ang iyak ko kay mama dahil sa paghahanap ng papa pero si Allysa at Chaser lang ang nakakapag patahan sa akin sa pamamagitan ng pakikipaglaro.

At ayokong danasin niya ang mga hirap na iyon dahil talagang hindi ko na kayang tiisin siyang makita na nahihirapan. mabuti nalang at narealize ko iyon kaagad...ayos na ang loob ko, buo na ang desisyon ko si Sandro nalang ang kailangan kong intindihin sa ngayon.

"Finish na mommy!" masaya niyang sambit nang matapos ayusin ang mga laruan niya.

"You're finish na?" I asked at tumango siya.

"Yes, mommy!" masaya niyang tugon.

"Let me see" sambit ko at tinignan ang mga laruan niya sa loob ng kwarto. it was arranged properly at napaka imis niya talaga. "Wow! good job baby!" masayang tugon ko.

"Thanks for teaching me on how to arrange my stuffs mommy" malambing niyang tugon.

"You're welcome baby" tugon ko nalang.

"I can also clean my play ground" aniya.

"Really?" I asked at nakangiti siyang tumango.

"Ninang taught me how to clean the slides, swing, seesaw and monkey bars" sambit niya.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon