45

11.6K 308 453
                                    

--

I am literally shocked when I hear what this woman said. bumuhos kaagad ang luha ko at nanginig ang kamay ko na humahawak sa phone ko.

"Sasamahan ko nalang itong si Laila, makulit kasi! ilang taon na siyang pabalik balik sa ospital pero patuloy pa rin sa trabaho. hay nako! sige na, magkita nalang tayo sa Pilipinas bukas hija..." ibinaba na ng babae ang tawag. I can't move. I don't know what to do.

"Hey, hey, stop crying this can't help you" nag-aalalang sambit niya. pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ako sa noo. "Uuwi na tayo, magagaling na ang mga doctors sa Pilipinas" aniya.

Hindi talaga ako makagalaw dahil hindi ko alam ang mararamdaman! totoo nga palang ang kapalit ng saya ay lungkot, at kapalit ng tuwa ay poot. a-anong nangyari mama? kaya ba hindi ka na nagpaparamdam sa akin?

I just found myself sitting in the front seat with Sandro, we're on our way home pero hindi pa rin ako maka-react sa sinabi ng babae. halata sa itsura at tingin ni Sandro na nag-aalala siya.

"Babe, your mom will be alright...I already booked our flight and later 2 hours from now ay uuwi na tayo" aniya. he's holding my hand till we got home, I already stopped crying but I look pale because of the shock.

Inayos na namin ang gamit namin at nagmamadali na akong maligo at mag-ayos habang may kausap si Sandro sa telepono. hindi ko alam ang mararamdaman ko, halo halong sakit, gulat at lungkot ang namumutawi sa akin ngayon. napapikit nalang ako nang makitang sapo, sapo ni Sandro ang noo habang may kausap sa telepono.

I'm blaming myself for this. kung sana lang ay pinuntahan ko na kaagad doon si Mama edi sana nalaman ko agad, at kung sana ay hindi nangyari 'to ay hindi ako dadagdag sa mga problema ni Sandro.

Nang maayos ko na ang mga gamit namin ay agad niya akong tinanong. "Don't cry okay? I'm here...I'm always here Laine" aniya at nagtungo na sa c.r upang maligo.

I looked at my wallet and I saw the picture of Mama and I when I was a little girl. "S-Sana hindi ko nalang hiniling na lumaki kaagad, eh di sana kasama pa rin kita ngayon" bulong ko at hinalikan ang litrato namin.

Nakatulala lang ako buong biyahe at si Sandro ang nag-aasikaso ng lahat, ang swerte ko dahil nandito ang isang Sandro Marcos sa tabi ko at alam kong hindi niya ako iiwan.

He kissed my cheek. "Everything will be alright, babe" usal niya. matagal ang biyahe namin ngunit tila mas pinabilis iyon dahil okupado ng pangyayari ang isip ko.

Handa akong gastusin lahat ng ipon ko para kay Mama, gagawin ko lahat para gumaling siya. kung handa akong lumuhod at halikan ang lupa para pagalingin nila si Mama handa kong gawin.

"You should sleep! we're travelling for almost an hour palang. you need to rest" usal niya at pinunasan ko ang luha ko.

"I-I can't Sandro..." tugon ko.

"You think your Mom would like to see those eyebags? you need to sleep" aniya.

"Eh ikaw, matulog ka din" sambit ko.

"I'll be fine, don't worry 'bout me." usal niya. "Just sleep here" inihiga niya ang ulo ko sa balikat niya at hindi ko namamalayang nakatulog ako doon.

I feel the comfort whenever Sandro's around, lalo na ngayon na hawak niya ang kamay ko habang natutulog. nakatulog rin siya dahil paggising ko ay nakapatong ang ulo niya sa ulo ko.

"S-Sandro we're here" panggigising ko sa kaniya. he immediately woke up and kissed my cheek. may kinausap pa siya sa phone bago kami tuluyang lumabas.

"Damn the media" bulong niya habang naglalakad kami sa airport.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon