Chapter 6

43 12 65
                                    

  KYLO TECSON

"Mascom student pala 'yong anak ni Facundo."

Oh?

"Ba't ba interesado ka sa kanya?" tanong ko kay Darwin.

Kumakain kami ngayon sa canteen. Kaunti lang ang tao dahil hindi pa oras ng tanghalian.

"Hindi naman, sinasabi ko lang. Ngayon ko lang talaga nalaman na may anak si Facundo. Kumusta kaya ang asawa niya?"

Tapos na kaming kumain, pero nakalimutan kong bumili ng juice.

"Gusto mo, tanungin ko si Facundo?"

Tumawa siya nang malakas. "Joke lang 'yon, 'to naman."

"'Wag mo nang pag-interesan 'yong anak ni Facundo. Bata pa 'yon. Considered substitute parents nila tayo."

"Pero hindi ko naman siya estudyante, 'tsaka nineteen na raw siya sabi sa tsismis," katwiran niya.

"Kahit na. Lahat naman tayo ay may mata at alam naman natin kung attractive ang isang tao, walang kaso do'n, kaso kung sa tingin mo ay type mo siya, ngayon pa lang ay burahin mo na 'yang iniisip mo. Dapat alam mo na teacher ka. It is not only forbidden, it is both illegal and immoral."

Ngumisi lalo ang loko. "Hindi naman against ang university sa teacher-student relationship as long as hindi ko ito estudyante at walang nakikitang public display of affection," seryosong pagkasabi niya.

"Bata pa 'yon. Marami pa siyang dapat na ma-experience. Kung mahal mo talaga 'yong tao, maghihintay ka, 'tsaka bakit ba natin siya pinag-uusapan? Most of all, gusto ka ba niya?"

"Ewan, pero gusto ko siya."

Tch. Putcha!

"Bahala ka riyan. Good luck sa 'yo."

"Sir . . ."

Imagination ba 'to? Nakatayo sa harapan ko ang anak ni Facundo? Alam kong siya dahil nakanganga si Darwin.

"Yes?"

"Gusto ko lang magpasalamat. Tama ka, Sir. Hindi dapat ako pumunta sa dilim. Para sa 'yo nga pala."

Inilagay niya ang isang bote ng orange juice sa table namin.

"Hindi mo na 'ko kailangang bigyan."

Mukha siyang anghel. Maamo pala ang mukha niya 'pag nakangiti, hindi tulad kay Facundo, 'pag nakangiti ay mas nakakatakot. Ba't ko ba naiisip 'to?

"It's okay, sir. Sige po." Naglakad na siya papalayo.

Napatingin ako kay Darwin. Mukha ng abs ang noo niya. "Ano 'yon, pare? Magkakilala ba kayo? Anong dilim ang pinagsasabi niya?"

Patay!

—•—•—

"Sigurado ka bang siya ang papatay sa 'yo?"

"Ewan. 'Yon naman ang nakita ko sa hinaharap niya."

Kahapon pa 'ko hindi tinitigilan ni Darwin kaya sinabi ko na sa kanya ang nakita ko sa hinaharap ng anak ni Facundo. August six ngayon. Hindi ko maiwasang magbilang sa kalendaryo.

"Parang 'di naman niya magagawang pumatay, si Facundo siguro, puwede pa."

"Wala naman 'yan sa mukha, 'tsaka hindi rin ako papayag na mamatay na lang."

"Hindi 'yan. Puwedeng magbago ang hinaharap," sambit niya. Inayos na niya ang dala niyang bag at mga folders. "Sige, pre. Bukas na lang!"

Ba't parang naging seryoso siya ngayon?

The Dangerous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon