Chapter 29

26 10 54
                                    

KYLO TECSON

October 22, 2019, Tuesday 4:00 PM

"Kylo?"

Binuksan ni Joyce ang bakal na gate. Pinapasok niya 'ko, pero nanatili akong nakatayo sa harapan ng bahay nila. Naalala ko no'ng huling punta ko rito. Masaya kami no'n at komportable ako sa bahay nila. Malaki ang bahay nina Joyce, hanggang tatlong palapag. Puti lahat ng dingding na napalibutan ng iba't ibang klase ng bulaklak. Akala ko masaya ang pamilya nila at akala ko rin ay si Joyce na ang para sa 'kin.

Pero mali ako.

"I'm happy to see you! Halika, pasok ka," sabi niya sabay hawak sa braso ko.

"Nandiyan ba ang parents mo?"

Lalong lumawak ang ngisi sa mukha niya kasabay ng pagdulas ng kamay niya sa buong braso ko. "Nasa vacation sila kasama ang mga kapatid ko. Naiwan ako kasi may work ako."

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya. "P'wede ba tayong mag-usap? May sasabihin sana ako."

Nawala ang ngiti sa mukha niya nang makita niyang seryoso ako.

"Okay."

—•—•—

"Sure ka, ayaw mo ng kahit ano? Juice, coffee, or wine?" tanong ni Joyce. Kanina pa niya 'ko pinaghihintay sa kanilang sala. Nagpalit pa siya ng damit, a tank top and a mini skirt.

"Nothing. May gusto lang akong sabihin."

Kailangan ay maayos ko ang lahat bago ako mamatay sa November one.

"Okay. Ano ba 'yon?"

Pinili kong umupo sa pang-isahang upuan. Nakaupo naman siya sa mahabang sofa.

"I'd like to apologize for running away. I'm sorry dahil nakipag-break ako sa 'yo noon without an explanation."

Natulala siya. Bumuka ang bibig niya, pero isinara na lang niya ulit ito. Ilang beses kumurap ang mga mata niya 'tsaka pilit na ngumiti.

"Sasabihin mo ba sa 'kin kung ano'ng rason. Karapatan ko naman, 'di ba?"

Huminga muna ako nang malalim. Ba't parang ang hirap?

"May kakayahan akong makita ang hinaharap ng isang tao. Kapag natititigan ko sa mata ang tao, nakikita ko ang mga maaaring mangyari sa hinaharap nila, puwedeng mamaya, bukas, sa mga susunod na araw o ilang buwan. Hiniwalayan kita dahil nakita ko no'n sa hinaharap mo na lolokohin mo 'ko at magkakaro'n ka ng ibang lalaki at ang lalaking 'yon ay si Paolo, ang naging boyfriend mo after one month mula no'ng naghiwalay tayo."

Dahan-dahang umangat ang labi niya hanggang sa tuluyan na siyang tumawa. As expected.

"Do you want me to believe that?"

Nawala ang natitirang ngisi sa bibig niya. "Sobrang baba ba ng tingin mo sa 'kin at gumawa ka pa talaga ng lame reason? How can you do this to me, Kylo?" Nabubuo ang mga luha sa mata niya.

"I'm sorry . . . pero ito ang totoo. Nandito ako para magpaalam sa 'yo. Alam kong mali rin ako kaya humihingi ako ng tawad."

Hindi na niya napigilang umiyak. Nagmadali siyang tumayo para kumuha ng tissue. Nang muli siyang umupo ay hindi na siya nagsalita.

The Dangerous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon