Chapter 15

40 10 40
                                    

KYLO TECSON

"Mukhang busy yata kayo, sir," tanong ni Ma'am Laura. Nakaupo ako sa table ko habang may inaayos siya sa lamesa niya. Tatlo lang kaming nandito sa faculty room. Siya, ako at si Mr. Fred na kasalukuyang nagsusulat.

"Yes, ma'am. Ngayon pa lang kasi ako magtse-check ng mga reports nila."

"Kaya pala ang daming folders. Kumusta pala si Miss Torres?" Nagsuot siya ng manipis na cardigan, nanginginig sa lamig ng aircon.

"Hindi pa rin siya nagigising."

Tumayo siya at naglakad palapit sa 'kin. Napatingin pa si Mr. Fred nang tumayo si Miss Laura sa pagitan ng mga table namin.

"Kawawa naman siya, sana magising na siya. Kung iisipin ay nakakatakot na ang mga nangyayari," mahina niyang pagkasabi.

Humarap sa amin si Mr. Fred dahil tapos na siya sa sinusulat niya.

"May estudyante akong hindi na pumapasok. Halos isang buwan na. Akala ko nag-dropout, pala patay na," mabilis na pagkasabi ni Mr. Fred.

Patay? Takte!

"Hala? Grabe naman! Parang maraming namamatay ngayon," sabi ni Miss Laura kay Sir Fred.

"Ano raw po ang ikinamatay?" tanong ko. Pag usapang patay, bumabaliktad sikmura ko.

"Overdose sa drugs," sagot ni Mr. Fred.

Parang lumalabo na ang mga letra dito papel na tsine-check ko.

"Ano po ang pangalan ng estudyante n'yo, sir?" tanong ko.

"Javier Manalo."

'Di ko kilala, pero ba't naman na-overdose?

"Sino 'yong pinag-uusapan n'yo?" tanong ng bagong pasok na si Facundo. Yumuko ako at nagpatuloy sa ginagawa ko, samantalang bumalik na si Miss Laura sa table niya.

"Si Javier, 'yong estudyante kong natagpuang patay sa bahay nila."

"Ang daming namamatay ngayon, puro estudyante," usal ni Facundo. Napatingin siya sa 'kin at mukhang magaan na ang aura niya ngayon.

"Nalulong daw sa coccaine si Javier," sabi ni Mr. Fred.

"Mahirap talaga 'pag hindi nababantayan ng magulang ang anak. Kaya nga over-protective ako kay Gale," sabi ni Facundo sabay tingin sa 'kin.

Ano'ng problema niya?

"Mukha namang mabait ang anak n'yo, sir," sabi naman ni Miss Laura.

"Oo, mabait siya, pero kahit ano'ng bait ng anak, 'pag naimpluwensyahan, tinutubuan din ng sungay," sagot ni Facundo sabay tingin ulit sa 'kin.

May problema yata siya sa 'kin. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Wala naman akong matandaang  atraso ko sa kanya.

Umangat ang ulo ko nang tumunog ang cellphone ni Facundo. Rock music ang ringtone. Young at heart pala siya.

"Ano?" Sa lakas ng boses niya ay napatalon sa gulat si Mr. Fred.

Natapos ang tawag at tumayo na siya. Maririnig ang paglukot niya sa mga papel na pilit niyang pinagkakasya sa kaniyang attache case.

The Dangerous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon