Chapter 1

144 13 36
                                    

KYLO TECSON

Minsan, iniisip ko kung regalo ba o sumpa ang kakayahang mayro'n ako. No'ng bata ako, parang wala lang sa 'kin na nakikita ko ang hinaharap ng isang tao, hanggang sa nag-high school ako, in-enjoy ko ang makakita ng mangyayari sa future. Sabi nga ni Darwin, best bud ko, puwede ko raw pagkakitaan ang kakayahan ko, pero ayokong subukan.

"Last ten minutes."

Nagmadali ang mga estudyante sa pagsasagot ng kanilang exams. Nakikita ko na kung sino ang mga papasa at hindi, base na rin sa nakikita kong mangyayari sa kanilang hinaharap. Awa ang nararamdaman ko sa karamihan sa kanila, pero wala naman akong magagawa kundi ang maghintay.

Muli akong napatingin sa relo ko. Huling klase ko na 'to. Gusto ko nang umuwi at humiga. Ilang gabi rin akong nagpuyat para gumawa ng questionaires para sa exams nila.

Mostly ng mga estudyante ko ay nasa first year college. Madalas ay tinatawag nilang stepping stone ang subject ko, Fundamentals of Biology 1. May mga sumeseryoso, may mga hindi. Natatawa na lang ako, kasi kahit pagbalik-baliktarin nila ang mundo, kapag bumagsak sila sa subject ko, hindi nila makukuha ang next major subject nila.

Sumandal ako sa upuan. Napapailing na lang ako sa dami ng mababagsak ngayon. Bakit ba hindi na lang sila nag-review nang mabuti kaysa nagmamakaawa sila sa titigan?

Apat pa lang ang natapos na estudyante ko. Mga expected na papasa dahil halatang mga matatalino at masisipag mag-aral.

Bakit ba ang tagal ng oras?

Nag-ring na 'yong alarm. Sari-saring panghihinayang ang naririnig ko mula sa kanila.

"Finished or not finished, pass your paper!"

Sa wakas, makakauwi na rin ako.

—•—•—

"Kylo!"

Huminto ako sa paglalakad dahil palapit si Darwin. Best bud ko since high school, kumbaga, lahat ng bango at baho ay hindi namin itinatago sa isa't isa. Ultimo mga utot namin ay 'di na big deal.

Katulad niya ng buhok si Dr. Jose Rizal, palaging naka-gel para hindi maihangin. And the visible scar on his forehead, Harry Potter na sana kaso horizontal na makalat 'yong sa kanya.

"Uuwi ka na?"

"Oo." Sinabayan na niya ako sa paglalakad.

"Shot naman tayo."

"Pass. Gusto kong matulog."

Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Tumanggi ka na nga last week, pare. Linggo naman bukas."

Tumigil ako sa paglalakad. "Alam mo, ang kulit mo—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakita ko sa mga mata niya ang mangyayari kung umuwi kami. Darating ang lasinggero niyang tatay at hihingian na naman siya ng pera. Hindi na naman siya makakatanggi.

"Tara."

Napanganga pa ang loko.

"Iinom tayo?"

"Oo na." Tinulak ko na siya para magpatuloy kami sa paglalakad.

Hindi talaga ako makakapagpahinga.

The Dangerous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon