Chapter 39

37 10 35
                                    

KYLO TECSON

"Sir, okay lang po ba kayo?"

Shit! Ba't gano'n.

"Sir! Baka madatnan po kayo rito ng mga tauhan ni Papa."

Muli akong napatingin kay Gale. "Gale, dadaan tayo sa bintana ng CR mo. Masikip 'yon, pero siguradong lulusot ka do'n. Mataas ang tatalunin mo, pero do'n lang ang daan."

Tumango siya nang dahan-dahan. "Pa'no pag nahuli po tayo?"

"Maraming nagbabantay sa labas, pero bago sila dumating kanina ay nakapasok na 'ko rito sa loob ng bahay n'yo. Sinamantala ko no'ng kausap ka ng daddy mo at no'ng aapat pa lang ang lalaking nandito. May isang taong nagbabantay sa labas ng bintana mo, kaya sa CR tayo dadaan. Magtatago muna tayo sa likod ng matataas na halaman habang hinihintay natin sina Papa. Ilang minuto na lang ay darating na sila. Hindi kasi tayo makalalabas ng gate n'yo sa dami ng mga bodyguards ng daddy mo."

Tumango lang siya. Tinulungan ko siyang makatayo, parang hinang-hina siya. Bubuhatin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Bullshit!

"Sinasabi ko na nga ba!" sigaw ni Facundo.

"D-Dad!"

Nakatayo ang nakangising si Facundo. Ang malas, takte!

"Buhay ka, Tecson! Kumusta ang palabas? Akala mo ba nag-enjoy ako? Sayang, kulang kasi ng popcorn at juice," sabi niya habang mabagal na naglalakad palapit sa 'min. Tumigil siya sa paglalakad nang mapatingin siya sa anak niya.

Humakbang ako at tinakpan si Gale.

"Oo. I'm alive and kicking!" Sa totoo lang ay sobra akong kinakabahan. Wala akong hawak na armas, samantalang siya ay may hawak na baril sa kanyang kaliwang kamay.

"Mayabang ka talaga, Tecson. Tama talaga ang pakiramdam ko sa 'yo mula pa noon."

Ngumisi ako para itago ang kabang nararamdaman ko. Nakahawak lang sa damit ko si Gale.

"Same. Tama rin ang pakiramdam ko sa 'yo mula pa noon. Isang hudas!"

Humalakhak siya nang malakas. Wala talagang sinasanto ang taong 'to. Kung noon ay maawtoridad ang tingin ko sa kanya, ngayon naman ay para siyang halimaw na punong-puno ng kasamaan.

"Papanindigan ko ang pagiging hudas!" Itinutok niya sa 'min ang hawak niyang baril.

Pumunta sa harapan ko si Gale. Nanginginig siya sa takot. "Dad, please. Let's talk. Tama na, Dad. Napakarami mo nang pinatay."

"'Wag kang mangialam, Gale. Mula nang kumampi ka sa lalaking 'to, inalisan mo na rin ako ng karapatan na maging ama mo. Magsama-sama kayong lahat sa impyerno!"

Mabilis kong hinarangan at niyakap si Gale. Ipinikit ko ang mga mata ko. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa silid na 'to.

Tangina, mamamatay na ako!

Iminulat ko nang dahan-dahan ang mga mata ko.

Wala akong naramdaman.

Wala akong tama.

Tumumba sa harapan namin ang katawan ni Facundo na nakadilat.

The Dangerous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon