Chapter 41

38 10 37
                                    


"Bakit po kayo umiiyak?"

Napatingin ang magandang babae sa batang lalaki. Nasa loob siya ng isang restaurant. Napagod siya sa paglalakad kaya nagpahinga muna siya. Hindi niya kilala ang bata, pero nginitian niya ito. Tila nawala ang problema niya nang masilayan ang mukha ng batang lalaki.

"May baby po sa tiyan n'yo?"

Tumango lamang ang magandang babae. Kabuwanan na niya ngayon, pero lumalabas pa rin siya para iwasan ang asawa niyang walang pakialam sa kanya.

"Oo. May baby sa loob. Gusto mo bang hawakan?"

Tumango ang batang lalaki. Dahan-dahang hinawakan ng kanyang maliit na kamay ang tiyan ng babae. Nanlaki ang mga mata ng babae nang sumipa ang sanggol sa loob. Nakatitig naman ang batang lalaki sa mata ng babae at nakita niya sa hinaharap na hawak ng babae ang isang sanggol na babae.

"Sumipa 'yong baby! Nag-hi siya sa 'yo."

"Baby girl po ang baby n'yo."

Natulala ang babae. "Pa'no mo nalaman?"

"Kylo . . ." tawag sa kanya ng kanyang ina.

Dumating ang nag-aalalang nanay ng bata.

"Hala, pasensya na! Ikaw talagang bata ka, kung saan-saan ka pumupunta. Pasensya na," nahihiyang pagkasabi ng ina ni Kylo nang madatnan niya ang anak na kausap ang babae.

"Okay lang."

Lumabas na sila ng restaurant at naiwang tulala si Lorna.

"Ang galing naman ng batang 'yon," sambit niya sa kanyang sarili. Tumayo na siya at hindi na inubos ang in-order niyang spaghetti.

HABANG nasa daan si Lorna ay may nakita siyang batang babae na umiiyak.

"Mama!"

"Mama!"

Walang pumapansin sa bata kaya agad na lumapit si Lorna.

"Bakit ka umiiyak?"

"N-nawawala p-po ako," sagot ng batang babae.

"Ano?" Inilibot ni Lorna ang kanyang paningin.

"Pa'no ka nawala? Sino'ng kasama mo?"

"M-may nakita po akong balloon. Si Mama."

Namutla si Lorna. Maraming tao at nasa siyudad sila, hindi niya alam kung saan hahanapin ang nanay ng bata.

"Saan kayo huling pumunta?"

Patuloy sa pag-iyak ang batang babae. "Hindi ko po alam. Namimili po kami ng damit kanina."

Hindi rin alam ni Lorna kung saan sila namili sa dami ng tindahan ng damit na nasa lugar.

"H'wag ka nang umiyak. Pupunta tayo sa police station."

The Dangerous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon