Chapter 21

32 10 42
                                    

KYLO TECSON

"Puwede ba akong manligaw?"

"H-ha?" Tumalikod siya at tumingin sa labas ng bintana.

Shit! Mali ba ang timing ko? Hinawakan ko ang batok ko. Putcha, pa'no na 'to?

Humarap siya sa 'kin at ngumiti. "Gusto kita, Kylo. Gusto na kita kahit 'di pa kita nakikita noon."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Naglakad siya hanggang sa tumigil siya sa pinakasentro nitong apartment. Humarap siya sa 'kin at muling ngumiti. "Lagi kang kuwinekuwento ni tita sa 'kin. Lagi niyang sinasabi na mabait kang anak at guwapo. Nabuo sa utak ko ang mga papuri niya sa 'yo." May kaunting tawa na lumabas sa bibig niya nang mapatingin siya sa sahig. "I don't know if that's possible, pero naging crush ko 'yong imaginary version mo na nasa point of view ni Tita. No'ng una tayong nagkita, kinikilig ako no'n, kaso halatang napilitan ka lang. Tama si Tita—mabait ka at guwapo."

Mukhang nangangamoy basted na ako.

Naglakad na naman siya palapit sa bintana. Tinatanaw niya ang mga batang naglalaro ng takbuhan sa labas. "Isa ka sa dahilan kung ba't ako pumunta rito sa Manila. Gusto kong makaipon ng pera, pero gusto rin kitang makasama." Tiningnan niya 'ko at ngayon ko naramdaman ang ibig niyang sabihin.

"Nang makasama kita, hindi ko alam na may mabibigat ka palang pinagdaraanan. Hindi 'yong guwapo at mabait na Kylo ang nakikita ko. Ang simpleng crush ay 'yong paghanga sa katangian ng isang tao, pero ang makilala ka sa mas malalim na paraan ang nagpahanga sa 'kin nang todo. Nakita ko ang mga kahinaan mo, nakita kong hindi ka perfect, pero mas hinangaan kita ngayon."

Lumapit siya sa 'kin at kaunti lang ang distansya namin. "Hindi ko alam kung ano'ng nagustuhan mo sa 'kin. Mula pa no'ng highschool ay para lang akong bulaklak sa dingding—simple at hindi napapansin, kaya gusto ko ring magka-boyfriend. Akala ko noon ay sa ganda nahuhulog ang mga lalaki kaya nga nagpapaganda ako, pero nang makilala kita, nagtiwala ka sa 'kin. We shared a magical bond that made me love myself more."

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Kylo . . . puwede kang manligaw. Kilalanin natin ang isa't isa."

Hinila ko siya at niyakap. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok habang dinarama ang init ng kaniyang katawan. Hindi ko alam kung pa'no ko ilalabas ang kasiyahan ko ngayon. Hindi ako makagalaw habang yakap ko siya. Sa totoo lang ay ang saya-saya ko. Mahirap ipaliwanag, pero ang mayakap siya ang tanging gusto kong gawin ngayon.

"Thank you . . . Sansa."

—•—•—

September 20, 2019 ngayon, araw ng Biyernes.

Iniinom ko ang mainit na kape habang nililibot ng aking mga mata ang Faculty room. Tambak ang trabaho kaya kailangan ko ng pampa-relax. Nakasandal ako sa gilid ng bintana habang si Mr. Fred naman ay nagsusulat sa kaniyang table.

"Hay, midterms na, daming trabaho," sabi ni Ms. Laura nang pumasok siya rito.

"Kape tayo, ma'am," sabi ko sabay taas ng tasa.

"Sige lang, sir. Dalawang cups na ang nainom ko no'ng umaga. Siya nga pala, hindi ko na masyadong nakikita si Sir Facundo."

Sana nga 'di ko na siya makita.

The Dangerous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon