Chapter 20

39 10 40
                                    

KYLO TECSON

"Sir Kylo . . ."

Hay, buhay.

"Gale? Ba't nandito ka? Baka hinahanap ka na naman ng papa mo."

'Di ko siya maaninag nang maayos dahil nahihilo ako.

"'Di ba, sabi ko sa 'yo ay susundan kita kahit saan."

"Sino 'yan, pare? May nadapa na naman ba sa 'yo?" tanong ni Darwin. Halos hindi niya maibuka ang mga mata niya kaya 'di niya nakilala sa Gale.

"Si Gale."

Humarap pa lalo si Darwin sa kanya. "A . . . ikaw pala. Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ni Facundo. Napapahamak si Kylo dahil sa 'yo."

Siniko ko siya sa braso. Ang daldal niya 'pag lasing.
Ngumiti lang si Gale, parang hindi apektado sa sinabi ni Darwin.

"Oh, look who's here!" sabi ng isang parating na boses.

Palapit sa 'min si Joyce. Nakangiti lang siya habang hawak ang iniinom na champagne. Tumabi siya kay Gale at nginitian niya ito. What the fuck.

"Do I know you?" mataray na tanong ni Gale kay Joyce. Kahit madilim ay kitang-kita ko kung pa'no sila magtitigan. Ang gaganda nila ngayong gabi, pero si Sansa talaga ang gusto kong makita ngayon. Sayang at busy raw kasi siya.

"Hindi. But let me introduce myself. I'm Joyce Dimagiba, ex-girlfriend ni Kylo."

Ano ba'ng nangyayari dito kay Joyce? Hindi naman siya ganito noon.

Hinawakan ko na ang basong iinuman sana ulit ni Darwin. "Pre, uwi na tayo. Nandito si Joyce," bulong ko sa kanya.

"J-Joyce . . ." tawag ni Darwin.

Kung minamalas nga naman!

"Ba't ba sunod ka nang sunod dito kay Kylo? May ex naman ako, pero hindi sumusunod sa 'kin. Wala na bang ibang lalaki at habol ka nang habol? Siguro, aso ka no'ng past life mo."

Tumayo na ako at hinila ko sa braso si Darwin.

"Mauuna na kami. Umuwi ka na Gale," sabi ko, pero 'di ko na siya tiningnan. Naaawa na naman ako sa kanya, pero bakit?

"Aalis na kayo? How about me?" tanong ni Joyce.

Tumingin ako kay Joyce. Nahihilo pa rin ako, pero malinaw kong nakikita ang mukha niya.

"P'wede ba, 'wag mo na 'kong sundan!"

—•—•—

"Pinagpuyatan ko talaga 'yon."

"Worth it panoorin."

Mukhang tapos na ang ibang estudyante ko sa seatwork nila. As usual, maingay si Diana.

"Hoy, Diana, 'yang bunganga mo, may nagsasagot pa," sabi ni Lester.

"Ay, Sorry naman!" Magaling talaga magpa-ikot ng mata si Diana.

"Sir, napanood n'yo ba 'yong 'The power of dreams'?" tanong ni Diana. Hininaan naman niya ang boses niya.

The Dangerous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon