Chapter 4
SavedAgad na sumalubong saamin ni Evi ay ang mga reporters at paparazzi nang marating namin ang building ng condo kung saan kami tumutuloy. I was hesitating to come out lalo pa na kasama ko si Ethan but I have no choice but to fill their needs.
Lumabas ako at lumabas din si Ethan. Agad akong dinumog ng mga paparazzi's at agad naman kaming dinaluhan ng mga body guard. May humablot sa buhok ko ngunit hindi ko iyong pinag tuonan ng pansin at mas binilisan ang aking lakad ngunit napabagal ito lalo dahil sa mga humaharang sa daraanan namin.
"Sainet, totoo bang gumawa ka ng eskandalo sa isang kilalang restaurant ng makita mo ang papa at kabit niya na mag kasama?"
"Miss, totoo ba ang kumakalat na balita na ikaw raw ang nakuhang bagong vocalist ng isang sikat na banda? Anong mararamdaman mo para rito?"
"Ang kasama mo ngayong bumaba ay ang iyong nobyo at nakatira kayo sa iisang condo?"
Ito ang tanong ng karamihan na hindi ko pinag tuonan ng pansin dahil alam ko, kapag nag salita ako ay isa na naman itong malaking issue na kailangan kong sulbaran sa mas lalong madaling panahon.
Nakarating kami sa may pintuan kung saan ang entrance ng building ngunit may biglang humablot sa aking kamay na nag dulot ng maliit na galos dahil sa kaniyang matatalim na kuko. Tinignan ko ito at nagulat ako ng makita ang isang babaeng na nakatingin saakin na para bang nag mamakaawa na sagutin ang kaniyang mga tanong, akmang hahawakan niya ulit ako pero agad siyang nilayo ng mga guwardiya upang sa ganoon ay maka-alis ako.
"Miss Sainet, paki-sagot naman po ng aming mga katanungan!" sigaw niya na ikinakunot ng noo ko. Why are they so desperate to have my answers. Kaya imbes na sagutin ang kanilang mga tanong, tanging iling lang ang naibigay ko.
Nang tuluyan na kaming nakapasok ay may ilang tawag pa akong narinig ngunit hindi ko na ito pinag-tuunan ng pansin dahil sa dugong lumalabas sa aking sugat na akala ko ay maliit ngunit malaki pala.
Ang hapdi pero bakit parang mas sumasakit ang aking puso dahil sa mundong mayroon ako?
If you are a celebrity, a model, wala kang privacy.
"Sainet," tawag ni Ethan mula sa aking likuran.
Dahil sa aking iniisip ay nakalimutan kong kasama ko pala siya. Inalis ko na lang saaking isipan ang mga mata ng babaeng iyon na nag mamaka-awa at nilingon si Evi nang may ngiti sa aking labi.
"Tara na," pag-aaya ko sakaniya at ngumiti naman siya pabalik.
Nag lakad kami patungo sa elevator at mula rito, natatanaw ko pa rin ang mga paparazzi na parang pinag bagkasan ng langit at lupa ang mga mukha. Dahil siguro sa walang silang maiiuwi na balita at sagot na nag mumula mismo sa'kin. Before the elevator closed, nakita ko naman ang pares na matang nakatingin saakin na puno ng luha. It made my heart hurt even more.
Binuksan ni Ethan ang pintuan gamit ang code at agad akong hinila patungo sa sofa. He look so worried about me and I don't know why.
"Halika, gagamutin natin ang sugat mo," saad niya at pinaupo ako. Kinuha niya sa drawer ang first aid kit.
Now I know why he look so worried. I became worried, too. Lalo na I am into modelling, if this scratch leave a scar, ang pangit ng tignan. If you are into modelling and acting, you need to be perfect as you can be. If you have pimples, stretch marks, in short, if they see your flaws, wala ka ng kalalagyan.
Hindi madali ang buhay naming mga nasa industriyang ito. We don't have privacy. We have haters and lovers. But I chose this because this is my dream.
BINABASA MO ANG
Captured (Stars' Band Series #1) [COMPLETED]
FanfictionAs a child, Sainet always wish to have a peaceful life with her parents. Wishing that maybe someday, her father will treat her mother like a queen and her, as a princess. But that wish will never come true for she knows that it's impossible, especia...