Sage's POV
"sage gising ka na ba?" sigaw si Zeph mula sa labas ng kwarto ko.
"Oo bababa na rin ako." sigaw ko pabalik at bumangon na sa pagkakahiga.
"Sige sunod ka nalang." nang makaalis si Zeph ay nagstretching lang ako saglit at naligo na at nagbihis ng uniform.
Matapos ko magbihis ay bumaba na nga ako at nakisalo sa kanila sa pagkain.
Habang kumakain di naiwasan ng pinsan kong magsalita. "Okay na ba mga gamit niyo?"
Tsk! Kulang pa ako ng dalawang notebooks at dipa namin nakukuha ang id namin. Wala pa rin kaming uniform kasi ang sabi ng admin ng school two weeks pa naman daw bago mag uniform ang transferees nila kasi magpapatahi pa ng uniform.
"Kulang pa gamit ko. Ewan ko diyan kay Sage wala atang balak mag asikaso ng gagamitin sa school." sumagot nga si Zeph pero tino talkshit pa ako sa pinsan ko. Tss.
"Dalawang notebooks pa kailangan ko. Wala pa akong uniform kasi susukatan pa lang kami mamaya. Mamaya pa lang rin namin makukuha id namin." depensa ko naman. Papagalitan pa ako niyan ni Cayden eh. Alam mo naman yan, lalaking bungangero psh.
"May laman pa ba card mo Sage? Do you want me to put some money? so you could spent it whenever you want." Jusko Cayden may pera ako bwiset. Mukha ba akong kinakapos na?
"You don't have to. I have my own money. Ilagay mo na lang is yung sweldo namin. Tagal mo magpasahod." sagot ko naman kay Cayden. Hehe hindi porke pinsan ko siya eh idedelay niya sahod ko no.
"Oo nga. I need money Cayden 'no. Yung sweldo namin please. I need to go to salon." Singit naman ni Zeph at inilagay na yung pinagkainan niya sa lababo.
"Oo nga naman fafa Cayden. Gusto ko na bumili ng mga bagong bags. Ya' know?" si Zephyr naman nagsalita with matching roll eyes pa.
"Okay okay. I'll send it your banks later. Go get change and go to school na." tanging sagot ni Cayden.
"Pwede bang magtagalog ka? Ang arte mo. Para kang bading." pang aasar ko naman kay Cayden. At sumama naman ang mukha niya.
Gusto kong matawa. Psh.
"Wag mo akong simulan sa pang aasar mo Sage. Pag ako nang asar sayo galit ka nanaman sa buong mundo. HAHAHA" balik pang aasar naman nito. Tss pakikuha na nga 'tong bakulaw na to dito samin?
"Pakyu ka. Manahimik ka nalang."
"Ang sweet niyo talagang magpinsan ano? Di halatang mahal niyo ang isa' t-isa? HAHAHAHA" ang ingay talaga nitong kambal na 'to. Di makatiis ng di umiimik.
"Isa pang salita mo Zephyr sasabihin ko sa daddy niyo na kambal na babae ang anak niya." sagot ko naman kay Zephyr.
"Bruha ka. Tatahimik na nga ako e. Hmp." sagot ng huli at aba ngumuso pa. Sagwa.
"By the way. Magkokotse ba kayo o magmomotor? Pwede ko ipaheram kotse ko." Singit naman ulit ni Cayden.
Kahit gusto ko makuha ulit kotse ko. Dipa ako ready kausapin nanay ko. Tama na yung andun siya sa bahay ko. Okay na yun. Pero miss na miss ko na mga sasakyan ko.
Isosoli ko nalang yung dalawa kong motor at papalitan ng isang kotse. Iiwan ko ang paborito kong motor. Pero syempre di ako ang pupunta sa bahay. Ipapakuha ko kay Mang Mike. Driver ni Mama at sumusunod rin naman siya sakin.
Di niya sinasabi sa nanay ko kung asan ako ayon na rin sa napagkasunduan naming dalawa. Driver siya ni Mama simula bata ako, kaya ang laki na ng tiwala ko sa kaniya.

YOU ARE READING
Lost In Your Arms
Genç KurguAno nga ba ang gagawin mo kung ikaw ang nasa posisyon ni Sage na nahirapang magtiwala pero nung nagtiwala na siya tsaka naman siya niloko ng taong akala niya ay hindi siya sasaktan dahil alam nga nito na nasaktan na si Sage nung ex-boyfriend niya pe...