kabanata 18

214K 2K 97
                                    

Rhian POV'S

"Muntikan na ako gahasain ni Max!"
Hindi ko parin maintindihan ang sinabe ni Alyanna.

Almost perfect ang relationship nila. Paano nangyare yun? Pero syempre pinaniniwalaan ko si Alyanna. Bestfriend ko sya at kilala ko kung nag gagawa lang sya ng kwento.

Wala akong magawa para pagaanin ang loob nya. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Tanging haplos lang sa likod nya ang nagagawa ko.

Nasasaktan sya ng sobra dahil sa nasira ang tiwala nya. Pinagkatiwalaan nya si Max kahit bago-bago pa lang nya ito nakilala dahil sa pinakikita ni Max na kakaibang katangian. Miski ako ay pinagkatiwalaan ko sya para kay Alyanna pero ganito lang pala ang mangyayari.

"Wag ka na ngang umiyak. Ang luha ay para sa taong karapat-dapat iyakan! Hindi sa isang lalakeng rapist!" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko sya iko-comfort dahil hindi ko pa nararanasan ang ganong pangyayare. O hope na hindi ko maranasan.

Sabihin man nating sex addict si Chris pero hindi sya yung katulad ni Max! Hindi sya isang rapist! Dahil kung gusto nya ang katawan ko. Noon nya pa ako nirape dahil marame syang pagkakataon na gawin ang bagay na yun.

"Tama ka! Isa syang walang kwentang lalake. Isang RAPIST! hindi ko dapat sya iniiyakan. Kinamumuhian ko sya ng sobra-sobra! Nakakabowlshiiit! Baket ko ba sya nagustuhan? Katangahan ko."

"Alam mo alyanna, wag mong isipin na naging tanga ka. dahil nagmahal ka lang naman e."

"Talaga?"

"Syempre Joke lang yun. Ang laki mong tanga kaya. Saglitan lang kayo nagkakilala, pinagkatiwalaan mo na agad! Tanga lang?"

Biglang humagulgul sa iyak ito.

"Oy! Sorry na, nagsasabe lang naman ako ng totoo e."

"Ang sakit ng katotohanan ah?! Pero tama ka naman e. Kung hindi ako si Tanga na nagtiwala agad eh si sana hindi ako humahagulgul sa iyak nito. Nakakainis lang kase. Kung sino pa yung pinagkatiwalaan ko. Sya pa yung mananakit sakin ng ganito."

"Alam mo, hindi rin naman kita masisisi. Mabait kase ang unang pakikitungo sayo si Max, grabe ang effort na binibigay nya. Sobrang-sobrang sweet nya. Halos langgamin na nga sya e. With Antik! Pang kasama. Kung sakin nangyare yun talagang mahuhulog ang loob ko. Talagang kakagat ako sa isang patibong. Sa pagmamahal asahan na nating nakakalat ang mga patibong. Pero kung gagamitin mo ang utak mo at hindi lage ang puso mo. Malalagpasan mo ang patibong na yun. Pero hindi talaga natin maiiwasan na masaktan tayo dahil minsan kaylangan masaktan muna tayo bago natin ma realize na mahal mo pala sya kaya ka nasasaktan."

"Bat kaylangan pa natin masaktan para ma-realize natin ang mga ganyan? Diba pwedeng magmahal na lang tayo na hindi nasasaktan?"

Para syang bata. Bat hindi nya ba maintindihan ang point ko dun?

"Hindi ko alam?! Hindi naman kase habang buhay lageng masaya no?"

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon