kabanata 11

294K 2.9K 267
                                    

RHIAN POV'S

*Knock-Knock

Tinatakpan ko lang ng unan ang tenga ko. Dahil sa katok na katok na katulong sa pinto ko.

"Ma'am di po ba kayo papasok?" Tanong ng katulong.

"Papasok ako!" Sigaw ko. Tumayo na ako at pumunta sa CR tumingin ako sa salamin at nakita ko ang malakeng eye bag ko.

Bat ba kase nagpuyat pa ako kagabe! Baket nga ba?

Biglang nag flashback sakin yung nangyare kahapon yung may pumulupot kay Chris na babae.

"The Hell! Baket ko ba iniisip yun? Ano naman kung may pumulupot sakanyang babae? Ano naman sayo?" Napapagulo na lang ako sa buhok ko!

Pagkatapos kong guluhin ang magulo kong buhok! Magulo na nga ginulo ko pa. Ganun talaga kapag naiinis ako. O baka nagseselos? Punyeta! Wala sa vocabulary ko ang magselos!

Pagkatapos ko na mahigit sa isa't-kalahating oras sa CR ay lumabas na ako. Malamang naligo pa ko. Hindi ako yung tipong aabutin ng ilang oras sa cr dahil lang sa pag-eemote nu.

Alam kong late na ako kaya binabagalan ko na lang ng paglakad papunta sa room. Pagagalitan rin naman ako nito kahit tumakbo pa ako, kaya imbes na magpakapagot pa akong tumakbo maglalakad na lang para solid pagpinagalitan ako.

Binuksan ko na ang pintuan ng room namin at gaya ng iniisip ko nakuha ko ang atensyon nila. Malamang sa alamang nagsitinginan sila sakin lalo na ang teacher namin na umuusok na sa galit. Para na ngang liliyab na yung buong ulo nya.

"Goor Morning." Walang gana kong bati sakanila.

Tiningnan lang nila ako hanggang sa maka-upo ako sa upuan ko. Wala akong gana ngayon, wala ako sa mood ngayon. Tinatamad ako ngayon. Ngayon ko pa lang to nararanasan.

Biglang may bumato sakin ng papel. Nahulog to sa sahig at pinulot ko. Binuklat ko to, ay may nakasulat.

Ayos ka lang ba?

Hindi ko alam kung kanino galing? Nga pala. Hindi ko na katabe yung Pervert Monkey nayun! Katabe sya ni Alexandra. Kaya todo yung ngiti ng bruha!

Napatagal ang tingin ko sakanila kaya di ko napansin na magkatinginan na pala kame ni Chris. Nanlake ang mata ko. Nagulat ako! Hindi ako maka-iwas ng tingin parang naaakit ako sa mga tingin nya.

Nawala lang yun ng may bumato sakin ng chalk. Napahawak ako sa ulo kong nilandingan ng chalk at napatingin sa kung sino man ang bumato nun. Pagtingin ko ay si yung teacher namin na nagiging dragon na.

"Late ka na nga!! Di ka pa nakikinig! Alam mo ba ang hirap-hirap magturo kung yung estudyante mo hindi nakikinig. Para akong nakikipag-usap sa hangin!! Miss Rhian kung wala kang gana ngayon makinig mas wala akong gana sayong magturo. Bukas ang pinto at maari ka ng lumabas!!" Mahabang Sabe nito. Tumingin ako sa pinto at nakasarado naman to.

"Pero teacher sarado ang pinto. So, di ako maaring lumabas dahil nga sa-ra-do ang pinto." I said with a sarcastic tone. Napa-chuckle naman ang mga classmate kong manga-Ungas!

Tiningnan naman sila ng teacher ng masamang tingin kaya nagsiyukuan sila pero di mawawala ang ngiti nila sa labi.

"Miss Rhian!! Namumuro ka na sakin ngayon!! Lumabas ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sayo." Halatang nagpipigil na ng galit ang teacher namin ngayon. Ewan ko pero nasisiyahan ako ngayon sa ginagawa ko parang ang sarap asar ng taong pikon.
*EVIL LAUGHT*

"Eh! Pano yan? Sabe mo bukas ang pinto at maari ka ng lumabas. Eh sarado nga. So, di ako makakalabas." Patuloy na pang-aasar ko. Di na mapigilan ng mga classmate ko ang tawa nila dahil sa itsura ng teacher namin na kala mo bulkan na malapit ng pumutok.

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon