chapter 34

82.5K 970 80
                                    

ALYANNA POV'S

Nakakagulat naman tong buntis na babaeng to. Bigla-bigla na lang, sisigawan si Rhian at wala syang karapatan dun ha! Kapal ng muka nya.

Sarap nyang hampasin ng Dos por dos! Kidding. Masyadong masama yun.

Si miss A kase e. Di man lang nagwa-warning na may darating na impakta sana nakadala ako ng buwaya at ipapalamon ko sya dun.

"Dahil saiyo ito, kasalanan mo to! Kung hindi mo pinairal yang katangahan mo sana nandito pa ang kuya mo. Sana masaya kameng dalawa, kasalanan mo talaga to."

Ang hard ng buntis na impaktang to. Masyadong bida-bida. Itapon ko kaya sya sa Bermuda Triangle!

"S-sakanya ba yang dinadala mo?" Tanong ni Rhian.

Matagal pa syang nag-isip. Impakta talaga! May balak pa syang itago yung anak nya sa pamilyang ito? Magpapaka-bida.

Gumawa sya ng sarili nyang istorya kung gusto nyang maging bida! Bawal ang impakta sa istoryang to.

"H-hindi!"

"Huwaaaaat! Maka-react ka dyan parang naiwanan ka ng asawa e. Hindi naman sakanya pala yang dinadala mo! Kapal ng muka nito. Impakta ka talaga! Eh ano mo sya? Wag kang magsisinungaling, kondi bubulungan ko sya na isunod ka na nya pero ihuhulog ka na lang sa ibaba."

Alam nyo na kung ano ang ibig sabihin ko dun! Bagay kase sya sa lugar na yun.

"W-wala naman. Ultimate Crush ko lang."

Sasabunutan ko na sana sya kaso pinigilan lang ako ni Denz.

Kung hindi lang ito buntis na sikmuraan ko na sana to.

"Kapal talaga ng muka. Hindi ka naman pala nya girlfriend o friend man lang e. Assumerang Impakta! Wala kang karapatan na sabihan sya ng kung ano-ano. Una hindi mo alam ang buong pangyayari, dahil kung ikaw lang ang nasa sitwasyon nya? Magagawa mo rin ang ginawa nya. Bat ka naman magpapakasal sa taong hindi mo man mahal. Gagawin mo ba yun ha? Yun yung tinatawag na tunay na katangahan bukod sa niloloko mo lang ang sarili mo ginagawa mo lang mahina ang sarili mo dahil hindi mo man lang ipaglaban ang kagustuhan mo. Hindi kasalanan ang magmahal! Kaya wala kayong karapatan na husgahan si Rhian, dahil hindi nya kagustuhan ang lahat ng ito. Gusto nya lang ipaglaban ang taong mahal nya which is tama naman ang ginawa nya! Kayo lang mumamali dahil hindi nyo alam ang tunay na pagmamahal.dahil kung alam nyo, ay maiintindihan nyo sya!"

Biglang may dumampi na palad sa muka ko. Hindi ko na alam ang nangyari bigla kaseng humapdi ang pisngi ko. Feeling ko tumagos yung palad nya sa bungo ko sa sobrang lakas. Pinilit kong humarap para makita kung sino ang sumampal sakin.

"T-tito?" Sabe ko.

Oo ang dad ni Rhian ang sumampal. Napatingin ako kay Rhian na nakatakip yung kamay nya sa bibig nya at lake ng mata nito na namumuo pa ang luha sa mga mata nito.

"Wala ka ding karapatan na manggulo sa lamay ng anak ko. Kaya maaari ka ng lumabas!!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses nito. Hanggang ngayon ay nakahawak parin ako sa pisngi ko. Ramdam ko parin ang hapdi.

Binitiwan na ako ni Denz. Mabuti ngang umalis na lang ako. Masama na bang magsabe ng totoo? Baket ayaw nyang magmuka syang masama sa harap ng mga chismosang taong ito?

"Makasabe ka ng anak, baket nagpaka-ama ka ba samin? Pinilit mo ko ipakasal sa taong kahit kelan hindi ko mamahalin sa tingin mo gawain ba yun ng mabuting ama?"

Ngayon ay nakukuha na namin ang atensyon ng mga tao dito kulang na lang siguro ay pop corn.

"Wag mo sasabihin na para sa kapakanan ko, dahil kahit kelan hindi mo ako inaalala ang inaalala mo lang ang sarili mo. Ang sariling kagustuhan mo, wala lang sayo kahit mahirapan ako. Wala lang sayo kahit hindi ako maging masaya, wala lang sayo dahil ang totoo hindi mo ako mahal! Hindi mo man lang ako minahal bilang anak mo. Dahil ang mahal mo ay pera dahil yun lang mahalaga sayo at hindi ang kaligayahan ng anak mo."

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon