chapter 33

89K 1K 87
                                    

RENAN POV'S

Kelan kaya magiging maayos ang lahat? Kelan kaya kame magiging pamilya? Hindi kasalanan ni Rhian ang lahat dahil nagmahal lang sya. Kasalanan ba ang magmahal? Hindi naman diba?

"Ano ba naman itong truck pagzigzag-zigzag."  Sabe ko sa sarili ko.

Yung truck kase na papalapit sakin pazigzag-zigzag. Wait? Papalapit sakin hindi kaya wala syang preno.

Nung lumapit ito sakin ay inilag ko ang kotse ko pero huli na nabunggo ang kotse ko at nawalan ito ng kontrol.

Tama lang pala na nagpaalam ako kay Rhian.

"Paalam bunso."

RHIAN POV'S

"KUYA!!"

Grabeng panaginip yun. Nagpapaalam sakin si kuya nasa puting lugar lang kame at nakaputi ito. Tapos unti-unti syang naglalaho habang hawak-hawak ko ang kamay nito. At nag-iwan pa ito ng huling salita. I love you.

Wala lang yun diba? Masyado ko kase inisip yung pamamaalam ni kuya kahapon e. Kaya hanggang sa panaginip naiisip ko yun.

"Tagal ng tulog mo ah. Kain na--- baket ganyan itsura mo? May problema ba?"

Umaga na pala. Napasarap kase ang tulog ko e.

"Masamang panaginip lang." Sabe ko.

"Magdasal ka kase. Halika na, ikain mo na lang yan." Lumabas na ako ng kwarto at binuksan ko na ang t.v

Patay si RENAN SEVERINO matapos  sumalpok ang sasakyan nito sa truck dahilan para ikamatay nito. Naitagbo pa sa ospital pero mga 1:34 am ay nabawian na ito ng buhay.

Nabitawan ko ang remote na hawak. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Nagugulat parin ako sa balita ngayon. Ayokong maniwala kahapon lang kasama ko sya tapos ngayon ay wala na sya. Parang imposible diba?

Hindi totoo ito diba? Kasinungalingan lang yung balita diba?

"Kuyaaaaa.." humagulgul na ako sa Iyak niyakap na lamang ako ni Chris.

"Kuyaaaa."

Kuya ako ng kuya baka sakaling marinig ako at bumalik sya.

"Kuyaaa. Baket ikaw pa? Baket mo ito ginawa sakin? Baket mo ko iniwanan? Akala ko ba partners tayo? Baket ng iiwan ka sa ere? Tangina ka kuya, walang ganyanan. Tuparin mo dapat ang promise mo. Kuya please bumalik ka na. Hindi ko to kakayanin mag isa kuya, kaylangan kita paki-usap kuya. Balikan mo ako. Please kuya. Pleaseee! Kuyaaaaaa!!!"

"Ssshhhhh. Tahan na, hon. Gusto mo pumunta tayo sa--"

"Kingina! Sabe nya kahit anong mangyayari hindi ako pwede umuwi sa bahay hangga't di pa ayos ang lahat. Anong gagawin ko, hon? Gusto ko syang makita kahit sa huling sandali lang."

Tuloy tuloy parin ang pagpatak ng luha ko. Ayokong maniwala sa balita. Teka  kasama pa ba ito sa panaginip ko? Nanaginip pa ba ako?

Sinampal ko ang sarili ko. Shit ang sakit!

"Bat mo sinasampal ang sarili mo?" Tanong ni Chris.

"Baka kase, nanaginip parin ako. Kaso, hindi na e. Totoong nangyayari na ito. Hindi na kasama sa panaginip ko. Gusto ko syang makita. Pupunta ako hon. Gusto ko syang makita kahit sa huling Sandali lang."

"Hindi ka pwede pumunta na mag-isa lang. Sasamahan kita. Baka kung ikaw lang hindi ka pa isauli sakin."

Niyakap ko si Chris.

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon