Chapter 32

104K 1.2K 135
                                    

RHIAN POV'S

Nagising na lang ako ng may tumawag sakin.

"Hello?"

"Kuya renan, mo to."

Napabangon pa nga ako mula sa pagkakahiga ko. At dahil dun nagising ko si Chris.

"Baket?" Sabe ni Chris.

Ini-loudspeaker ko yung cellphone ko para marinig ni Chris ang magiging usapan naman ni kuya. Ayoko kase maglihim kay Chris, gusto ko lahat alam nya.

"Kasama mo ba yung lalake?" Sabe ni kuya at si Chris ang tinutukoy nito.

"Chris, kuya ang pangalan nya. Oo kasama ko sya. Tinawagan mo ba ako para pauwiin nasa bahay? Kuya, uuwi lang ako kapag tinigil nyo na ang kalokohang paghiwalayin kame ni
Chris. Pake sabe kay Dad yan."

"No, Rhian. Kakampi mo ako. Diba nga baby princess kita. At kahit anong mangyari magiging kakampi mo ako. Gusto lang kita makita. Miss ka ni kuya e. Pwede ba? Dont worry, hindi alam ni Dad na makikipag-meet ako sayo. Trust me Rhian. Pagkatiwalaan mo ako gaya ng pagtitiwala ko sayo."

Napatingin naman ako kay Chris, nagsa-sign ako sakanya na kung pwede ba? Then he smiled at me.

"Pagbigyan mo kuya mo. Alam kong miss mo narin sya." Napayakap na lang ako kay Chris.

"Sige kuya anong oras ba?"

"Thank you. Mga 4:00 ng hapon."

"Sige kuya. I miss you so much kuya. Di na ako makapaghintay na yakapin ka."

"Ako din, bunso. Mahal na mahal ka ni kuya."

"I love you too kuya."

"Sige na. Mag-almusal ka na. Wait, pake sabe kay Bayaw. Boto ako sakanya. At a wag ka nyang paiiyakin kondi ako na mismo ang sasapak dyan."

"Narinig mo yun Chris? Bukod sa ako lang ang sasapak sayo may dumagdag pang isa. O diba? Double dead."

"Magkuya nga kayo." Natawa na lang ako sa sinabe ni Chris.

"Magalmusal ka na, bunso. Bye."

"Bye." Then pinatay nya na.

"Miss na miss mo na talaga sya nu?" Tanong ni Chris. Di pa ba obvious yun? Ayoko na nga patayin yung pag-uusap naming dalawa e. Para bang yung feeling na last na pag-uusap na lang yun. Hays ewan. Siguro miss na miss ko lang talaga sya.

"Sobra, hon."

"Makikita mo narin sya mamaya. Ngayon ay mag-almusal mo na tayo. Magluluto ako."

"Sige."

Lumabas na kame ng kwarto, dumiretso agad to sa kusina samantala ako naman sa sala. Binuksan ang T.V at nanood ng balita.

Nanawagan po ako kung sino po ang nakakita sa anak kong si Rhian Severino ipagbigay alam nyo po samin sa number na nasa ibaba ng inyong screen. Salamat.

Yan agad ang bumungad sakin pagkabukas ko pa lang ng T.V.

Kaylangan pa talagang gamitin ang Media para lang mahanap ako. Hindi na lang kase tanggapin ang relasyon namin ni Chris e. Babalik naman ako kapag nangyari na yun, hindi ka kaylangan gumastos pa ng pera. Ganon ba kahirap sakanila ang humingi ng tawad?

Hindi na ako pwede magkita nito sa mga tao. Mahihirap ako nito mamaya. Magkikita pa naman kame ni kuya, wrong timing naman sila oh!

"Pano yan mamaya tutuloy ka pa ba?" Tanong ni Chris.

"Ikaw? Papatuluyin mo pa ba ako?"

"Oo." Di man lang pinag isipan. Minsan talaga iniisip ko kung mahal ba talaga ako ng manyakis na to e.

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon