chapter 39

82.5K 1K 46
                                    

RHIAN POV'S

tatlong araw na akong nakakulong sa kwartong ito. Para akong lumalakbay sa outer space sa sobrang tagal.

Sabik na sabik na akong makita si Chris. Kaso di pa ako pinapayagan ni Dad kaylangan pa daw magpahinga!

Eh. Sobra-sobra na nga ang pahinga ko e. Nabawi ko narin ang lakas ko dapat nga pinapalabas na ako.

"Hi Bestie. What's up?"

Hooooo! Buti na lang dumating si Alyanna konti na lang kase mababaliw na ako sa sobrang boring!

"Alyanna, tulong!"

"Hala baket? May masakit ba sayo? May nararamdaman ka ba? Sandali lang tatawag lang ako ng nurse."

"Wag ka ng tumawag ng nurse!"

"Baket?! Sandali may huling habilin ka ba? Ililista ko na sabihin mo lang at tutuparin natin yan sa lalong madaling panahon!"

"Putcha ka! Pinapatay mo na ako nyan eh! Mababaliw na kase ako dito, ilabas mo naman ako dito kahit saglitan lang. Ayoko na kase ang amoy ng ospital. Hilong-hilo na ako!"

"Kung ako lang ang masusunod. Ilalabas talaga kita kaso sabe ng doctor mo at ni tito, tita at ng hinayupak mong kuya BAWAL! kaya tiis ganda lang bestie makakamit mo din ang tagumpay! Mag-emperador ka lang!"

"Anong connect ng emperador?"

"diba may commercial nun? Ah basta. Dameng eksplanasyon! Basta bawal."

"Pretty please, hindi ka ba naaawa sakin?"

"Yung totoo? Hindi!"

"Alyanna naman e. Lahat na nagsasabe ng bawal! Pati pa ba naman ikaw? Kala ko ba were bestfriend together forever! Walang iwanan sa ere? Baket parang hindi natutupad yun?"

"Naku Rhian! Wag mo kong konsensyahin. Baka masampal na naman kase ako ni tito! Inaalala ko lang ang muka ko nu."

"Kala ko ba move-on ka na?"

"Move on? Juice ko Rhian. Kahit puti na ang lahat ng buhok ko, kahit maging bangkay na ako. Kapag binigyan ka ng sampal di limot! Hindi mo talaga malilimutan! Gusto mo i-try para malaman mo ang feeling. Saraap! Sobrang sarap naka-kita ako ng marameng stars."

"Ayoko. Kwento mo pa lang sapat na!"

"Hello."

Biglang dumating si kuya matthew malapad ang ngiti nito pero nang makita na si Alyanna. Ang bilis maglaho!

"Hi kapatid. May good news ako sayo."

"Pero nung dumating ka bad news na sakin yun."

Ayan nanaman sila! Yung ingay nila abot labas kaya laging may pumupuntang nurse dito at sinasaway sila. Hindi naman masaway paano kase mga pasaway!

"Nung makilala kita, bangungot na parin sakin yun!"

"Sa gandang kong ito! Baka nga nasa langit ka sa panaginip mo e. Anghel ba naman kase ang nakikita mo!"

"Tama na nga yan! Kuya, sabihin mo muna ang good news saka kayo mag-away! At isa pa, dapat wala na ako sa kwartong to para hindi ako nadadamay sa napapagalitan!"

Yes pati ako napapagalitan.

Hindi daw porket pasyente ako dito ay magpapaka-VIP na ako. Intindihin daw ang mga nakakarinig sa ingay! Daig pa daw kase yung mga nagwawalang pasyente sa ingay.

Hindi naman ako nag-iingay e. Tahimik nga lang ako! Nadadamay lang kase ako sa dalawa.

"Pag nasagot mo ang katanungan ko."

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon