Chapter 29

104K 1.2K 103
                                    

CHRIS POV'S

Himbing ng tulog ng prinsesa ko. Nakatingin lang ako dito, tapos sabay nakaw ng halik sa pisngi lang naman. Bigla itong gumalaw. Ako naman ay nagtulog-tulugan.

"Wag ka ng magtulog-tulugan. Kahit tulog ako dama ko yang aura mo. Feeling ko ninanakawan mo ako ng halik e." Iminulat ko na mata ko.

"Good morning. Hon." Sabe ko.

"Morning din." Sabe nito sabay hikab.

"Nagugutom ka ba? Uuwi na tayo ha? Kase naubos mo na yung pagkain kagabe e. Stress ka masyado e."

"Sorry na. Nakakagutom kaya." Pinaandar ko na ang kotse ko at uuwi na kame hindi sakanila kondi sa bahay namin.

"first time kong makapunta at makapasok sa bahay nyo." Sabe nito.

"Ako nga hindi pa ako nakakapasok sainyo e."

"Sorry na. Dont worry makakapasok ka din dun."

"Kapag may pakpak na ang elepante?" Natawa naman ito sa sinabe ko.

"Malay mo, magkaroon talaga ng pakpak ang elepante."

"Ewan ko sayo." Inakbayan ko sya at pumasok na kame sa bahay.

Halatang gulat ang mga kasambahay namin dahil ito ang unang pagkakataon na nagdala ako ng babae dito pero hindi lang sya basta babae sakin isa syang napakahalagang babae sakin.

"Manang, maghanda kayo ng makakain namin." Utos ko sa isa katulong.

Nang hiram naman ako ng damit sa isa sa katulong namin.

"Panandalian lang yan. Mamaya bibili ako ng damit mo."

"Wag na. Okay na ako dito at tsaka may pera naman ako e." Kulit talaga babaeng to!

"Wag nang makulit. Diba nga aalagaan kita? Kaya wag ng magreklamo. Tangapin mo nalang kung ano ang ibinibigay ko sayo."

"Opo boss."

"Ihahatid na kita sa kwarto mo. Maglinis ka na muna pagkatapos kakain na tayo."

Pagkatapos ko itong ihahatid sa magiging kwarto nya na ay pumunta narin ako sa kwarto ko para makapaglinis.

RHIAN POV'S

I am very lucky when I met him. Akala ko ay hindi ko sya magugustuhan dahil nga sagad sa buto ang pagkainis ko sakanya pero lagpasan pa sa pagkagusto ang naramdaman ko, minahal ko na sya ng sobra-sobra. Tama ang desisyon ko na ipaglaban sya sa pamilya ko. Tama naman diba? Baket ba ako nag aalangan? Tama yun, Rhian.

Natapos na ako maligo kaya lumabas na ako ng kwarto at nag ikot-ikot muna sa bahay nya. Napansin ko lang na wala silang picture ng dad nya na magkasama magkahiwalay lang to. Wala din picture ng mama nya. Ang alam ko lang kase hindi sila close ng dad nya.

"Kumain na tayo." Tumango na lang ako sa sinabe ni Chris.

Tahimik lang kame kumakain. Gusto ko talaga itanong yung mga nasa isip ko kanina. Kung baket walang family picture. Kating-kati na nga yung dila ko e. Kaso baka magalit to o kaya mainis.

"Parang may gusto kang sabihin." Sabe nito. Nababasa nya ba ang nasa isip ko?

"Ha? Wag na. Baka magalit ka kase e."

"Baket naman?"

"Kase itatanong ko kung baket walang family picture? Kung baket magkahiwalay yung picture nyo ng dad mo. Asan yung mama mo? Baket ganito katahimik sa bahay nyo? Diba? Nakakainis yung tanong ko? Okay lang kahit hindi mo sagutin, gusto ko lang kase malaman pero okay lang kahit hindi na."

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon