kabanata 12

258K 2.9K 220
                                    

RHIAN POV'S

* RULES *

1. Bawal ang holding hands, hawak sa waist at pwede lang ang akbay.
2. Bawal ang kiss.
3. Tatawagan lang kapag may kaylangan.
4. Bawal ang manigarilyo.
5. Hindi ko dapat malaman na may dine-date kang babae. O may ka sex kang babae.

Yan ang mga rules ko sa pagiging kame. May dahilan kung baket naging kame kung baket ako nya ko sinabihan na maging girlfriend nya. Dahil sa mga magulang nya na i-aarange marriage sya kapag di pa sya nagka-girlfriend na magugutushan nila. Kaya ako yung ginawa nyang fake girlfriend dahil mukang matino naman ako.

"Grabe naman yang rules ko. Naging girlfriend pa kita kung lahat bawal." Sabe nito na nakapalumbaba. Pinisil ko naman ang ilong nya dahilan para mamula ito.

"Correction po mister. Fake girlfriend po." Sabe ko.

Nasa canteen kame ngayon nag-uusap tungkol sa pagiging fake on namin. Alam na ng lahat na kame pero di nila alam na peke lang yun. Ang tanging nakaka-alam lang nun ay si Alyanna. Yung iba nga nagiging break-up planner. Hinuhulaan nila kung kelan kame magbe-break.

Hulaan ko mga tatlong araw lang yan.

Hindi mga isang buwan lang yan.

Ang tagal masyado. Chris yan e. Siguro isang oras lang yan.

Over ka naman masyado. Mamaya lang break na sila.

Napapahingang-malalim na lang ako sa sinasabe nila. Dahil ang totoo, mga limang buwan lang kame. Pagkatapos nun ipapalabas namin na nagloko ako kaya hindi na magmamahal si Chris dahil nasaktan daw sya ng sobra. Ako pa ang ginawang masama dito. Ako na nga ang biktima ako pa ang may sala.

"Hoy. Ang lalim naman ng iniisip mo?" Sabe nito sakin.

"Edi hukayin mo. Basta sa ayaw mo man o sa gusto susundin mo ang rules ko." Sabe ko na nagpa-crossed arm with matching taas kilay pa.

Pinisil din nya ang ilong ko. Pinapalo ko na ang kamay nya pero ayaw nya paring tanggalin. Kaya nung tinanggal nya na ito ay para akong naghahabol ng hininga at sya naman tawa lang ng tawa.

"Ang pula ng ilong mo." Sabe nito habang tumatawa.

"Malamang pinisil mo. Magtaka ka kung naging berde yan." Sabe ko na ikinatigil ng pagtawa nya.

"Galit ka na nyan? Sorry na babe ko." Sabe nito na tumawa ulit.

"Yacks! No callsign ka diba? Tsaka eww! Babe?! Hindi ako baboy nu." Sabe ko na inirapan ko pa sya.

"Sorry na. Baka galit ka na talaga eh" tumigil na ito sa pagtawa.

"Pwede ba wag kang maging ganyan. Di ako sana okay." Sabe ko. At tumayo na ako kinuha ko na ang bag ko.

"San ka pupunta?" Sabe nito.

"Papasok na. Baket wala kang balak pumasok?" Sabe ko.

"Basta sayo ko ipapasok may balak." Sabe nito na tumawa ulit ng napakalakas. Samantala ako naman, namumula na parang kamatis. Pinagpapalo ko sya ng bag ko.

"Ang manyak mo talaga! Bwesit ka. Itatapon talaga kita sa bermuda triangle." Sabe ko habang pinagpapalo ko sya ng bag ko.

Sa tingin mo ba nagalaw na sya ni Chris?

Natigilan ako sa pagpapalo kay Chris dahil sa narinig ko. Naramdaman yun ni Chris kaya napatingin ito sakin.

Malamang, si Chris yan eh. Laspag nayang babae nayan--*slap*

Napatingin ako sa babaeng yun na natigilan dahil sa pagsampal ni Chris? Teka kanina lang nandito sya tapos nandun na agad sya? Ang bilis naman nya? Tsaka bat di ko napansin yun?

Nakita kong nakahawak yung babae sa muka nya na namumula. Wag nyong sabihin si Chris ang sumampal sakanya? Pero baket? Baket nya ginawa yun?

"Marunong akong pumatol sa babae kapag girlfriend ko na ang pinag-uusapan." Sabe nito. Biglang namula ang muka ko, siguro mas mapula na sa muka ng babae na sinampal ni Chris.

"Tsaka isa pa, wag nyong itulad sya sainyo. Alam nyo kung baket? Dahil sya hindi malandi katulad nyo. Dahil sya hindi easy to get and easy to kama katulad nyo. Hindi sya yung tipong lolokohin. Bastusin nyo na ako wag lang ang girlfriend ko, dahil pag pinagsalitaan nyo pa sya ng masama. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko sainyo." Pagkatapos nyang sabihin to. Ay hinawakan nya ang kamay ko at umalis kame ng canteen.

Magkahawak lang kame ng kamay habang naglalakad. Tahimik at walang nagsasalita samin.

"Sabe ko diba, no holding hands." Sabe ko. Pero deep inside wag mong bibitawan ang kamay ko. At ginawa nga nya mas lalo nyang hinigpitan ang paghawak sakin. Tumingin ako sakanya pero diretso lang ang tingin nya.

Nagsisimula ng magwala ang malanding heart ko. Ang lakas na naman ng drum nya!

Oy malanding heart ko. Wag masyadong malakas ang kabog baka marinig ni Chris.

"Bilang kabayaran sa ginawa ko. Ang limang buwan natin na pagiging on ay hindi na matutupad. Sa halip ay ako na ang magtatakda kung kelan tayo maghihiwalay. Kaya hanggat di ko sinasabe yun, ay bawal ka munang lumapit lapit sa mga lalake. Dahil---" sabay tingin sakin. "Ayokong nagseselos ako."

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon