CHAPTER 31

96.5K 1.1K 87
                                    

RHIAN POV'S

Matagal ako sa CR nakatingin lang ako sa salamin kanina pa nga ako kinakatok ni Chris kung dito ba daw ako matutulog. At kanina pa ako sabe ng sabe ng sandali lang.

Baket kase isa lang ang kwarto namin e.

Teka, rhian. Baket ka ba naiilang? Baket nung araw na nagpatila kayo sa motel komportable ka naman ah.

Ewan ko din, Ms.A! Iba na kase ngayon, may something na samin lalo na kameng dalawa lang sa apartment na ito at iisa lang ang kwarto. Kumusta naman yun?

"Hon, ano bang ginagawa mo dyan? Halika na matulog na tayo." Sabe ni Chris.

"Oo hon, lalabas na po."

Chill ka lang rhian. Walang gagawin sayo yan masyado kang kabado. At assumera ka.

Lumabas na ako ng Cr.

"Bat ang tagal mo sa Cr? May problema ba?" Pag-aalala ni chris.

"Wala. Tulog na tayo." Sabe ko at agad naman na tumango si Chris.

Agad syang tumango? Chris may binabalak ka ba?

Rhian, ano ba naman yang iniisip mo? Mas bastos ka pa kay Chris e.

"Ang lalim ng iniisip mo ah."

"Hindi ah." Pagtatanggi ko.

"Wag ka nga magsinungaling. Halatang may iniisip ka. Ano yun?"

"Wala nga sabe. Kulit nito."

Bumuntong hininga muna ako. Bago ko sagutin ang tanong nya.

"Okay. Naninibago lang kase ako. Hindi parin ako maka-get over sa nangyari satin ngayong araw." Actually, isa yan sa iniisip ko.

Kumusta na kaya sila Kuya dun? Miss ko na sila. Sobra!

"Masaya ka ba?"

"Masaya akong kasama kita. Sobra! Malungkot dahil parehas galit ang mga magulang natin. Chris, ano bang mali sa relasyon natin? Parehas na gusto tayong ipakasal sa taong hindi naman natin gusto para lang sa pera. Bat di na lang sila maging masaya dahil masaya tayo sa isa't-isa. Ayaw ba nilang nakikita tayong masaya? Napaka-selfish nila."

"Gagawin ko ang lahat para lang tanggapin ako ng pamilya mo. Kung kinakailangan magpayaman ako gagawin ako. Kahit abutin pa ng taon yun. Wag ka lang ilayo sakin fuck shit! Alam mo oras na bawiin ka nila sakin makikipagpatayan ako. Kung kinakailangan. Ipaglalaban kita kahit anong mangyari. Barilin man nila ako, hinding-hindi ko bibitawan ang kamay mo."

"Pero kung kinakailangan na bitawan mo ang kamay ko. Gawin mo. Naipaglaban mo nga ako nawala ka naman sakin. Mas mabuting alam kong ayos ka lang kesa naman malaman kong patay ka na. Mas masakit yun dahil hindi na tayo magkikita nyan, hindi na kita mahahawakan nun o mayayakap o mahahalikan. Magkalayo man tayo Chris, tandaan mo. Ikaw lang ang love of a lifetime ko. Ang pervert monkey ko."

"Ano ba yang pinagsasabe mo? Susuko ka na ba?"

"Hindi nu. Hinding-hindi ko gagawin yan."

"Talaga lang ha?"

"Oo pangako."

"Sige, matulog ka na."

"T-teka, hindi ka sa kwarto matutulog?"

"Hindi. Dito ako sa sala at dun ka sa kwarto. Sige na, bawal pa tayong magtabi sa kama."

"Hindi pwede. Matigas yang upuan na yan. Baka sumakit yang likuran mo tabi na tayo dun."

"Kulit nito. Sabe na ngang hindi pwede kase hindi pa tayo kasal. At tsaka lalake ako malakas ang aking hormones. Tandaan mo yan."

"Sus, chris. Naalala mo yung nagpatila tayo sa Motel? Magkatabi pa tayo nun. Partida hindi pa tayo nun. Kaya please tabi na tayo. Tsaka natatakot ako dun."

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon