Chapter 28

102K 1.3K 60
                                    

RHIAN POV'S

"DAD!"

"Narinig mo ang sinabe ko. Hindi ka na makikipagkita sakanya."

"Wala kang karapatan na pigilan ako na makipagkita sakanya. Dahil kahit kelan hindi ka naging ama sakin tapos ngayon kung kelan kailangan mo ako saka ka mag-aama-amahan sakin?"

"wala ka ding karapatan na sagot-sagutin mo ako. Tandaan mo, kung wala ako wala ka din dito sa mundong ito. Pera ko ang bumuhay sayo at dahil sa pera ko nakapag-aral ka at naging maayos ang buhay mo. Naiibibigay ko ang lahat ng pangangailangan mo. Wag mong sasabihin na hindi mo kailangan ng pera dahil lahat ng tao kelangan ng pera para mabuhay."

Naiiyak na lang ako kase wala akong masabe dahil may point si Dad pero ayoko talagang hiwalayan si Chris. He is my love of a lifetime. He always be my forever. Walang sukuan saming dalawa.
Minsan lang sating buhay ang makaranas ng tunay na pagmamahal kaya kapag nangyari o naranasan mo na yun. Grab it! Wag mong hahayaang mawala sayo yun. Kaya ako hindi ko hahayaang mawala sakin yun lalo na si Chris yun.

"I HATE YOU DAD!"

Lumabas ako ng kwarto ko at tumakbo ako papalabas ng bahay. Narinig ko pang tinawag ang pangalan ko ni kuya renan pero di ako lumingon.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon. At yun nga ay si Chris. Tinawagan ko sya at sinagot naman nito.

"Meet me at park." I said.

"Ha? Why?"

"Basta. Sunduin mo ako dun now na. Hihintayin kita!" Hindi ko na hinintay ang sagot nya at ibinaba ko na ang phone ko.

Naghintay nga ako at dumating nga si Chris. Natuwa ako ng makita ko sya kaya niyakap ko ito ang saya ko talaga tuwing kasama ko sya.

"Baket?" sabe nito na may halong pag-aalala sa boses nito.

Hindi ko sinagot ang tanong nito at sa halip ay mas lalo kung hinigpitan ang yakap sakanya.

"Dont worry. Nandito na ako."

"I know. Kayakap nga kita e." I said.

Pasakay na sana kame sa kotse ng may sumigaw sa pangalan ko. And that is my dad.

"Wag kang sasakay sa kotse na yan." He said.

"Dad please, I love him. Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang kase masaya yung anak mo. Dad kung ipagpipilitan mo ako kay Ian magiging miserable ang buhay ko. Puno ng kalungkutan ang buhay ko at hindi ako sasaya sakanya dad. Ikaw lang!"

"Para sa company ang ginagawa ko. Ayaw mo bang i-save ang pinaghirapan ng lolo mo?"

"Gusto ko dad. Gustong-gusto! Pero hindi sa ganitong plano! Ayokong isakripisyo ang sarili ko para lang sa ikauunlad ulit ng company natin. Selfish kung selfish! But dad, marameng plano ang pwedeng maisip bukod sa pagpapakasal sa taong hindi ko naman gusto. Sadyang gusto mo lang ng mabilisang plano para makakita ng pera agad. At ako yung gagamitin mo. Dad ba ang ituturing sayo? Kung yung sarili mong anak ipinagbebenta mo!"

Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ni Chris. Tahimik lang kame bumabyahe. Walang umiimik samin ang maingay lang siguro ay yung sunod-sunod na buntong hininga naming dalawa.

"Okay. San gusto mong tumuloy ngayon?" Tanong ni Chris.

"Kahit san. Basta may matutulugan."

CHRIS POV'S

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa nangyari kanina. Natutuwa siguro ay yung maramdaman kong mahal nga ako ni Rhian. Nalulungkot dahil sa pagmamahal nyang yun ay nag-aaway sila ng dad nya.

Ngayon ay tulog sya. Siguro ay sa kakaiyak nito kaya nakatulog to. Hindi ko alam kung san ko sya dadalhin kaya pumunta na lang kame sa may lawa tinigil ko ang kotse ko at binuksan ang bubungan nito. Nabubuksan ang bubungan nito e. Kung saan kitang-kita yung mga stars at ang makinang na buwan.

At ilang saglit lang ay nagising na ito.

"Asan tayo?"

"Sa buwan." Natawa na lang ako sa sinabe ko.

"Gago! Asan nga?"

"Sa paborito kong lugar."

"Anong ginagawa natin dito?"

"Dito tayo matutulog. Nung tulog ka bumili ako sa groceries ng makakain natin."

"So, iniwan mo ako habang tulog ako? Ganun?!"

"Atleast binalikan kita."

"So, may balak ka palang hindi balikan ako?"

"Kung hindi ka lang nakasakay sa kotse ko." Bigla ako nitong hinampas sa braso. "Joke lang. Tampo ka na agad. Ayoko kaseng magutom ka baka magkasakit ka pa. Gusto ko habang nasa akin ka ay maaalagaan kita."

"Thank you. Sorry sa nangyari kanina. Sorry sa mga narinig mo. Hindi mo dapat nakita yun e."

"Ako dapat humingi ng sorry dahil wala akong nagawa kanina. Hindi ko napatunayan kung gano kita ka mahal nun."

"Wala ka dapat patunayan chris. Siguro ang dapat mo lang gawin ay hawakan ang kamay ko at ilayo ako sa kanila. Alam na nila kung gano mo ko ka mahal sadyang pinapairal lang nila ang katigasan ng puso nila."

Hinawakan ko ang kamay nito.

"Rhian, kahit anong mangyari hindi kita isusuko. Kahit na tutukan pa ako ng canyon sa muka hindi ako matitinag. Ipinaglaban mo ako sakanila, kaya ipaglalaban din kita. Kahit na mawala saking lahat wag ka lang mawala sakin."

"Cheezy! Kahit gano ka pa ka-corny! Kinikilig parin ako."

"Kase nakakakilig naman kase ang sinasabe ko."

"Oo na. Yabang!"

Bigla kameng natahimik at nakatingin lang kame sa marameng bituin.

"Chris.."

"Oh?"

"I love you."

Napatingin ako dito pero sya ay nakatingin parin sa may kalangitan. Na may guhit na ngiti sa kanyang labi.

"I love you too." I said.

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon