Chapter 23

198K 2.1K 281
                                    

RENAN POV'S

Naawa ako sa kapatid kong si Rhian. Hindi nya kagustuhan ang mai-blind date lalo na hindi nya pa alam kung sino yun. Kilala ko yung lalake na ibaba-blind date sakanya.

kababata sya ni Rhian. kababata na kaaway, lage nitong inaasar si Rhian na biek kase naman mataba pa nun si Rhian.

kumatok ako sa kwarto ni Rhian pumasok ako at nakita ko tong nakadapa. Tila iniisip nya parin yung nangyari kanina. kahit ako ay nabigla, akala ko kase di na hahantong sa ganto.

"kasalanan ko to eh. kung mas naging magaling sana ako, kung mas pinagbutihan ko pa. Di na sana hahantong pa sa ganto! Naiinis ako sa sarili ko.." Bigla akong niyakap nito.

"kuya, wala kang kasalanan dito. Wag mo nga sisihin ang sarili mo! Sobra-sobra na nga yung ginawa mo para sa company natin eh. Sa kasobrahan kulang na lang maging asawa mo na ang company natin. Ni wala ka pa ngang girlfriend hanggang ngayon, dapat may asawa ka na at may anak. Isipin mo naman ang sarili mo kuya, wag lang puto trabaho." ang sweet talaga ng kapatid ko.

"San mo naman nahugot yan? makakapag-asawa pa ba ako sa lagay ng company natin ngayon? Sa tingin ko tatanda na akong binata. Pwera na lang kong mas maagang bumawe ang company natin. Pangako, mag aasawa na ako." Sabe ko dito sabay ngiti sakanya. "Sige, magpahinga ka na muna. Maaga pa pasok mo bukas." Lumabas na ako ng kwarto nya.

Actually, may mahalagang babae na sakin. Si Kyla, simple at mapagmahal na anak kaso, di ko pa masabe ang nararamdaman ko dahil di ko kayang panindigan sya. Di ko kayang ipagpalit ang company ko, para lang sakanya. Natatakot ako na baka, pag naging kame. Ay maghiwalay lang kame dahil sa sobrang workaholic ko.

RHIAN POV'S

Baby, tulog ka na ba?
                 Message fr: Baby Chris.

Calling Baby Chris..

"Hello, baby Chris."
"Hi, Baby biek."
"Gago! San mo naman nakuha yan?"
"Haha! Sexret!"
"Pota ka! Manyakis mo talaga."
"Parang may problem ka ata---- hello--- Rhian? Andyan ka pa ba?"
"Ha? O-Oo. Anong tanong mo?"
"Mukang may problema ka nga. Ano yun? pwede mo sabihin sakin."
"Wala naman. Okay lang ako."
"Liar. Ano nga?"
"Pano mo naman nasabe na may problem ako?"
"Sa tono ng boses mo."
"Baby Chris. May ano kase--- Ibaba-blind date ako ni Dad, humihina na kase ang company namin. I hope na maintindihan mo ko? Ginagawa ko to para sa company lang. Kung kalokohan lang to, hindi ako papayag eh--"
"Sssssshhhh. Okay lang yan. No need to explain.  Naiintindihan kita kahit anong mangyari iintindihin kita. Kahit di mo na sabihin sakin ang reason. Alam ko naman ako yung gusto mo eh."
"Thank you. parang gusto tuloy kitang sagutin."
"Talaga? So, tayo na?"
"Hindi parin. kulang pa."
"Kulang pa yun? tss."
"Baby Chris, tulog na ko."
"Sige, kita na lang tayo bukas."
"Okay po."
"Love yow!"
"Fuck yow! Hahaha."
"thank yow!"

End calling...

Kinabukasan..

Maaga akong pumasok, dahil magkikita kame ni Chris sa may puno ng narra. At nakita ko syang naghihintay dun.

"kanina ka pa ba dyan?" Sabe ko rito.

"Oo. Okay lang sanay naman ako pinaghihintay." Binatukan ko nga. "Ang drama mo!" Pero natawa ako sa banaf nyang yun.

"Sanay din naman akong sinasaktan." Kulit talaga ng lalakeng to.

"Isa pa, at sasaktan ko na yang baby junjun mo." Sabe ko sabay takip sa baby junjun nya.

"Wag, pano ka na lang." Nanlake ang mata ko sa sinabe nya. Kamanyakan talaga ng lalakeng to.

"Naka-shabu ka nanaman."  Matagal lang kame nagkatitigan at pagkatapos ay niyakap ako nito.

"Hangga't nandito ako, di ka magiging malulungkot." Sabe nito.

"Talaga paano naman?" Sabe ko.

"Kung lage mo akong iisipin, hindi ka na malulungkot." Kahit simpleng banat lang nya. kinikilig na ako. Banat ko to eh!

"Paano naman kita maiisip?" Tanong ko ulit.

Humiwalay na to sa pagkakayakap sakin at bigla ko na lang naramdaman yung labi nya na dumampi sa labi ko. Para akong nakuryente at di makapasok sa utak ko na he kissing me.

"So yan na. Lage mo na akong maiisip. tandaan mo lang ang unang halik natin sa puno ng narra. Saksi ang punong ito sa halik na ginawa ko. Punasan mo man yan o halikan ng iba ay di parin mawawala na ako ang unang lakakeng nakahalik sayo. Lalakeng gusto mo at ako yun. tandaan mo, ako lang ang magdadala sayo sa altar at magbibigay ng anak sayo ng isang dosena-- Aray!" Binatukan ko nga. Okay na eh! Panira nanaman yung kamanyakan nya. "At saksi ang puno ito sa sumpaan natin. Na kahit anong mangyayari di na kita pakakawalan sa oras na maging akin ka."

Pota! pigilan nyo ko. nag-oover kilig na ako.. baka sumabog na lang ako dito bigla, gusto ko man sya sagutin ngayon, pero di muna. Gusto ko sa espesyal na lugar bagay sa espesyal na katulad nya.

Wala akong nasabe sa mga sinabe nya. Hanggang sa nag-bell na. Dahil classmate kame ay sabay kameng pumasok na magkahawak-kamay. kaya agaw attention kame.

Yung kinababaliwan nila, ngayon magiging akin na soon!

--
Hinatid ako ni Chris sa bahay, at sya narin ang maghahatid sakin sa restaurant kung san ako makikipag-blind date.

"Sino yung lalake na yun?" Tanong ni Mom.

"Lalakeng nagpapasaya sakin mom." I said.

"Sya ba yung tinutukoy mo?" Tanong nito at tumango na lang ako. "alam nya na ba?" Tumango lang ulit ako. Ngumiti na lang ito. "Sige, mag iingat kayo."

"Bye po." I said.

Simpleng dress lang ang sinuot ko. at walang make-up. Ayokong magpaka-bongga! Gusto ko sa lalakeng nasa motor ngayon na naghihintay sakin sa labas. Lahat ng magaling na make-up artist kukunin ko. Ganun kahalaga ang taong yan sakin.

"Kahit anong suotin mo. Maganda ka parin." Pero kinilig ako sa sinabe nya.

"Naku, Chris. Wala akong piso." Sabe ko at parehas kameng nag-ngitian.

"Kung itanan na kaya kita." Tinitigan ko ito ng masama. "Joke lang." Sabay bawi nito. "Tara na nga, baka kanina ka pa inaantay ng ka-DATE MO!"

"Wag kang magselos." Bigla akong hinalikan nito.

"Yan wala na yung selos ko." Bigla-bigla na lang ito nang hahalik.

"Hindi ka lang manyakis, magnanakaw ka din."

Mga ilang minuto lang eh. nakarating na kame sa restaurant pano ba naman kase ang bilis nyang magpatakbo ng motor nya. Kaya nililipad ang dress ko! Kaya hati yung hinahawakan ko. Dress ko at yung isa nakayakap ako sakanya! Masyado nya ako pinahihirapan.

"Oy, blind date yan diba? kung tuluyan mo na kayang bulagin yung ka-date mo?" Gago talaga to. kiniss ko naman sya sa lips mukang nagseselos nanaman eh.

"Yan selos ka nanaman eh! Wag ganon men!" Sabe ko at pumasok na ako sa restaurant. Di pa kame pero nagki-kiss na?  kalandian kong taglay eh.

Hinanap ko kung san yung ka bulagan kong date. at nakita ko naman sya. Papalapit na ako--- Teka kilala ko to ah?

"IAN CASTRO?"

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon