Chapter 35

7.3K 116 1
                                    

Chapter 35

Kinaumagahan, cellphone ang unang hinawakan ko para mai-message si Kiro na mamayang gabi ko na lang ibabalik ang mga itlog na pinapadala niya. Eight in the morning, ang pasok ko, male-late ako kung makikipagkita pa sa kanya.

Lumipas na naman ang maghapon ko na wala man lang nangyayaring kahit anong maganda. Wala pa ring bago. Lugmok pa rin ako sa lugar kung saan ako iniwan ng mga mahal ko.

Hininto at ipinarada ko ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada sa tabi ng convenience store. Bumili ako ng dalawa can ng beer at naupo muna sa mga seats sa labas para magpahangin. Pinatong ko sa ibabaw ng wooden table ang isang lata at ininom ang isa.

Hindi maiwasang malukot ang aking mukha sa tuwing lumalagok. Hindi ko naman talaga ito gawain noon. Pero ewan ko ba. Ito na lang 'yung naiisip ko.

Sabi nga ng iba... makakalimot ka kahit papaano. Nang matapos inumin ang isang lata, tumayo na ako at dinala ang isa para sa condo ko na lang iyon iinumin mamaya. Magmamaneho pa ako, hindi pwedeng uuwi akong lasing.

Dala ko rin ang lahat ng itlog na binigay sakin ni Kiro.

Honestly, I'm about to return these tonight. Nai-send niya na sa akin ang address at doon pa rin pala siya nakatira sa bahay na dating niyang pinatayo para sana sa aming dalawa.

I lived there. Naroon pa rin ang mga gamit ko at hindi ko dinala lahat noong lumipat ako sa condo. But maybe, he had thrown it all away now.

Sumakay ako sa kotse at nagsimula ng paandarin iyon. I sometimes get my mind out of my head for unknown reasons. Hindi ko na malaman kung ano ba ang dahilan no'n sa dami. Maging siguro ang nervous system ko... Nalilito na kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ng katawan ko.

Narating ko ang bahay ni Kiro, kaya ipinarada ko ang kotse sa tapat nito. Bumaba ako sa sasakyan at sumandal muna rito para i-text siya na narating ko na ang lugar niya. Pagkatapos, nilagay ko sa bulsa ng coat ko ang phone pati na ang dalawa kong kamay.

Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang bahay. Napangiti ako ng mapait, ang laki na. Halatang pinaglaanan na ng oras ito ni Kiro.

The last day I came here, it was only a 2 story house. Pero ngayon, tatlong palapag na. Ang wide na rin at ang daming ilaw, napakasiglang tignan ng bahay. Ang laki agad ng pinagbago nito simula noong nakabalik si Kiro.

Horizontal grills ang gate kaya mula rito sa labas, kitang-kita ko ang living room nila. I pursed my lips while watching Kiro's woman feed their child. Nakaibabaw ito sa mesa habang sinusubuan ng babae. Napapangiti na lang ako habang pinapanood sila kahit na may sakit sa dibdib. The sight of a mother teaching her child to open his mouth is just... is just... I couldn't explain it. It feels surreal.

Kaya siguro masaya kami nang magsimula, dahil malulungkot ako hanggang matapos ang aking buhay.

Wala na rin akong pagpipilian.

Siguro, simula ngayon... Magiging masaya na lamang ako sa kaligayahan ng iba.

Pakinig ko ang pagbukas ng gate at mula roon, niluwa nito si Kiro. Ngumiti siya ng tipid at naglakad palapit sa akin. Hindi ako ngumiti pabalik at pinanatili ang normal na emosyon ng mukha.

Bumuntong-hininga ako. "Nandito na lahat." Tinapik ko ang backseat at ang trunk ng kotse.

Marahan siyang tumango habang kunot ang noo. "You're drunk again?"

"Pasok na 'ko sa kotse. Ikaw na lang bahalang kuhanin iyon lahat." sabi ko, hindi pinapansin ang tanong niya.

He sighed. "I'm asking you."

"Kunin mo na. Ayaw kong magtagal dito. Maaga pa ako bukas..."

Sinubukan kong muling iwasan ang mga sinasabi niya. Maglalakad na sana ako pabalik sa sasakyan ko nang walang pasabi niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon